Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
Ang Katotohanan ay…
Ni minsa’y di ako naging anghelIkaw ang tanglaw sa 'king mundo
Madalas mo itong marinig.
At siya nga ang tanglaw sa iyong mundo.
Parang araw sa umaga na gumigising sa nahihimlay mong diwa
Parang buwan na naaaninag sa mga pinakamadilim na gabi
Parang mga bituin na iyong mamasdan tungo sa isang matiwasay at mahimbing na pagkakahimlay.
Siya ang tanglaw sa iyong mundo.
Kahit masilaw ka sa liwanag ng araw, o mapuyat sa katatanaw ng kalangitan sa gabi, hindi ka magdadalawang isip.
Pagkat siya ang tanglaw sa iyong mundo.
Kahit laging sumasagi sa isip mo na sumisikat siya upang matamasa, mamasdan ng iba.
Hahabulin mo ang pagbubukang-liwayway hanggang sa dulo ng mundo.
Hihintayin mo ang pagsikat ng buwan sa kailaliman ng gabi.
Hindi ka umaasa sa mapaglinlang na apoy ng gasera. Araw at Buwan at Bituin.
Siya ang Araw at Buwan at Bituin.
Siya ang tanglaw sa iyong mundo.
Ngunit naniniwala ka na hindi ikaw ang kanyang tinatanglawan.
Ang puso ay hindi nagsasawa, ngunit napapagod din.
Unti-unti mong napapansin na hindi na sumisikat ang araw, ang buwan, ang bituin.
Ang kalangitan ay isang magandang pangitain sa mga mata ng isang bulag.
Madilim. Malamig.
Natuto ka nang umasa sa gasera. Sa gasera, sa mapaglinlang na apoy ng gasera.
Hindi mo na kailangan ng araw, ng buwan, ng bituin.
Kailangan mo nang tumuloy sa moro-morong tinatawag na buhay, kahit madilim.
Kahit nawala na ang tanglaw sa iyong mundo.
Kahit lingid sa iyong kaalaman sa iyo lang naman pala talaga nakatuon ang liwanag niya.
Na dahil napagod kang maghanap, humabol, dumungaw, hindi mo na siya nakikitang sumikat.
Ngunit hindi ibig sabihing naparam na ang minsan mong inibig na liwanag.
Siya'y sumisikat pa rin, para sa iyo.
Tatalikuran mo pa ba ang liwanag? Kakalimutan mo pa ba ang tanglaw sa iyong mundo?
==:: Kay Leonor, para sa pag-ibig niya kay
ayun sobrang saya ng talents night kahit na nakakapagod... sayang hindi kami nakapagstay ni jaymee... sa aking co-applicants na sina
jaymee-microphone || angel-i did my best || ruben-wag diyan || zarah-ang papet na labi || gina-pantomina || exy-violin || jemmy-makabasag pinggan na boses || vincci-lahat na! || karl-kumupit ng embutido || jm-beatboxer na di rinig || jona-hawaiian || debbie-hiya! || yeye-gitarista || jenny-sayaw ng magsasaka || tom-the sound man at ang haring ilaw || lovie-sultan kudarat! || mon-time after time || reggie-bawal galawin ang kamay || denise-recorder! hidden talent || maryann-shakira || princess-ang napagkakamalang ako || geneza-nagseductive || ivy-inay! inay! ||
congrats at natapos natin ang talents night! sana ay di tayo magkalimutan! nyaks! ang drama! hehehe!
medyo bangag pa ako ngayon... fresh na fresh mula sa paggawa ng mp! grabe! inabot ako ng kamalasan sa paggawa nito... una, akala ko makakahiram ako ng libro sa school ng nanay ko... pumunta pa ako dun just to find out na wala pala silang libro ng assembly language! strike 1! pagdating ko ng bahay, sinimulan ko na siyang gawin... nagonline ako, nagbabakasakaling makakaabot ako ng tao sa y!m na makakatulong sa akin... nandun si david! as usual tapos na siya... sinend niya sa akin program niya and i found out na sira pc speaker ko nung ni run ko program niya! strike 2! mga bandang alas sais ng gabi... nagoffline ako sandali... maya maya di na ako uli maka connect! walang dial tone! shiet! akala ko nasira ung modem ko! strike 3! buti na lang nagkaroon uli ng dial tone...
naku... akala ko di ko matatapos on time! nagpapanic na ako kasi kailangan ko talaga siyang magawa on time kundi... ibabagsak ko cs21! at ayoko na uli makasalamuha ang assembly language! ehe! buti na lang naimbento ang y!m kundi tiyak! hindi pa rin ako tapos hanggang ngayon... bukas na ang demo... good luck na lang kung tinanong ako ng tungkol sa code... baka wala akong masagot! halos copy paste lang yun eh! ehe!
hayyyyyy ilang araw na lang tapos na ang mga exam... konting tiis na lang... makakatulog na uli ako ng mahaba-haba... bwahahaha! tamad talaga!