Posted at
9:46 AM
more than a month na extension sa problem set sa cs130... at di ko pa rin ginawa. meron na akong nagawang kaunti pero i'm sure na hindi pa yun enough para mabuno ang 60 points na minimum requirement para macredit yun as bonus. craaap! and i still have an exam sa geog1 tomorrow na hindi ko pa nasisimulan dahil sa pagtangkang sagutan ang problem set... mali talaga. dapat na talagang magsimula ng pagaaral... di lang talaga ako mapakali sa lu factorization. i have that feeling na di makamove on dahil gusto ko muna isettle ito? hehehe! same feeling as may gusto kang alalahanin na word tapos di ka makatulog dahil doon? hehehe! shiets!
anyway, feeling ko ay hindi na ako makakatulog o di kaya ay matutulog pero masakit ulo ko pagkagising. i don't want either feelings pero these are sacrifices you have to make dahil sa katamaran early on. hahahaha!
Posted at
5:08 AM
the next few days ay tadtad ng mga schoolwork. pero mukhang manageable naman. ang mas mahirap para sa akin ang kaguluhan dito sa aming bahay. pati mga pants ko napinturahan. ano ba yun?! kaya ayoko na umuwi eh. i really feel neglected. hindi lang yan dahil sa pants ah. hehehe!
2:47 am. in this wee hour of the morning, i just realized na hindi talaga neglect ang nararamdaman ko o nagpapabother sa akin kanina. naaasar pala ako na ganon ang trato sa magulang ko at pumapayag sila na ganon ang trato sa kanila. hence, naaasar ako sa magulang ko dahil hinahayaan nila na ganon. tapos saka na lang nafeel ang neglect kasi parang nadadamay rin ako sa ganong pagtrato. parang domino effect... hay.
Posted at
5:41 AM
someone told me that there is a way for people to actually see your so called protected posts in wordpress and for that reason, i'd be saying goodbye to wordpress and major copy paste to another blog. hahaha! shiets!
Posted at
8:35 AM
nung isang araw ay napakinggan ko sa radyo yung radio program ni ali sotto at arnold clavio. hahaha! ngayon ko lang actually nagets kung bakit double a sa double b yung title nung program nila. hahaha! bobo. in fairness, nakakaaliw rin pala makinig ng am stations (pero hindi rin naman ako palakinig ng fm) na usually pinapakinggan lang para malaman kung may pasok pag binabagyo ang bansa.
yun lang! hahaha! stupid post.
Posted at
8:39 AM
dahil pinipinturahan ang sangkabahayan may apat na araw na, medyo high ako sa amoy ng pintura. ngayon ay nahihirapan akong makatulog.
isa pang dahilan kung bakit di ako makatulog ay dahil nakaidlip ako kanina sa fx from katipunan to sta lu. buti na lang, hindi ako lumagpas sa dapat kong babaan. pero ang sarap ng tulog ko doon sa fx. hehehe! sana ay hindi ako humihilik. kahiya naman sa aking copassengers. hahaha!
dahil nga hindi ako makatulog ngayon, nabagsak nanaman ako sa walang kwentang pagsusulat dito. come to think of it, 80% siguro ng posts ko, puro blabbings lang. hahaha! sa totoo lang, naiinggit ako sa blog ng ibang tao na pag binasa mo ay may mapupulot ka. siyempre, di ko naman magawa yun kasi may fear ako na i might sound too profound or preachy preachy saka wala naman sa personality ko (ata) ang maging ganon. besides, aminado naman ako na hindi talaga ako born to be a writer. singer pwede pa? (ASA!!!)
Posted at
5:45 AM
"i will make not use the back page of my papers in this exam"
"i will finish my exam in 2 1/2 hours"
"i will use a fresh sheet of paper for every problem"
ngayon lang ako nakakita ng ganyang klaseng directions sa exam. ganyan yung directions namin sa exam sa 150... cute! parang kinakausap ka ng test paper mo. hehehehe! pero kung ano ang kinacute ng pagkakalahad ng direction, siyang kinahirap ng questions sa exam. sabi ni maam clarin, madali lang daw dapat yun. pero parang walang sumasangayon sa amin sa sinabi niya.
pagkalabas namin ng room, nakita namin si steph at angel tapos sabi nila, iisa lang daw ang expression ng mga mukha namin pag lumalabas. this further proves na walang katotohanan ang sinabi ni maam clarin at sinabi rin naman niya na medyo mahirap rin daw yung identification/true or false part nung exam.
hay. kaloko talaga ang exam na iyun. sana naman ay pumasa kami. well, may sigurado na rin akong 1 point from the bonus... hahaha! favorite character ni maam clarin si winnie the pooh! hehehe!
Posted at
6:04 AM
ika nga ni rodfrey "kanya kanyang araw lang yan..." araw ko ngayon... naulam ako... wahaha!
kanina sa pagorder ng ulam sa mang jimmy's (o mang jimmys' para kay reggie) ay inabot nanaman kami ng forever bago magdecide kung 4+1 or 7+2 ang oorderin. wahahaha! nagorder kami ng 4+1 pero in the end, nalaman namin na 7+2 lang pala ang choice namin. waste of time! wahahaha!
parang (with conyo accent) dinaanan ng bagyo ang pagkain. akala namin, andami naming inorder (with colomacci accent) pero sapat lang pala para dahil pagod pareho ang utak (dahil sa madugong exam sa cs 165) at katawan (sa pagtahak sa mang jimmys' -- again! note the apostrophe! wahaha!) namin pagdating sa mang jimmys' (wahaha! di talaga tinigilan ang apostrophe)
matagal na ulit bago makakain sa labas kasama ang mga cs peeps... dati rati, halos every other day ay matatagpuan kami sa LB o LKB ngunit ngayon, sa LIB na matatagpuan ang mga tao (ok lang... may L at B pa rin naman ang LIB) hahaha!
Posted at
1:42 AM
kung hindi lang talaga masama sa kalusugan ang hindi pagtulog, hindi na talaga ako matutulog sa dami ng kailangang gawin. buti na lang, ginawang group mp yung sa cs 150. yey! three heads are better than one nga naman. in fairness, magiging favorite teacher ko ata si ma'am clarin. nagagalingan ako sa kanya magturo... nawala ang phobia ko sa cs150. hehehe!
maya maya ay magsisimula na akong magbasa ng cs165 para magawa ang problem set. 5 chapters. parang hangin na dumaan lang yung discussions ng 5 chapters na yan. hangin kasi nadama ko lang tapos pagdaan, *poof* wala na. hahaha!
sa cs145 naman ay nalulugmok na ako sa kahihiyan sa groupmates kong sina irene at mark. inaamin kong wala akong macontribute sa alternating bit mp. gusto ko sanang bumawi pero kung di nga ako nakakatulong sa alternating bit, paano pa kaya sa Go-Back-N???
lastly, cs 130. least of my concerns nowadays. wahahaha! akala mo ang galing eh noh? pero ang totoo, napakavague pa rin sa akin ng mga lessons kaya one-time-big-time na aralan na lang yan pagdating ng deadline ng problem set at long exam. hahaha!
Posted at
9:42 PM
i just received a testimonial from angeline, a highschool friend. naging friend ko siya dahil ako yung "angel" (parang mentor of sorts) niya simula grade 6. instead of "angel helen" she calls me "mama helen" hanggang buong barkada niya, yun na rin ang tawag sa akin. hehehe! kulit! tapos naging consistent classmate ko siya hanggang nakagraduate kami kaya forever na akong nagpakamama sa kanya. hehehe!
tapos yun nga, nag graduate na kami and i have never heard from her until now. pero nung mga first few months ng college, nabalita na she got pregnant... at nawindang ako!!! kasi naman, niloloko pa niya ako noon na pag nagkaanak siya, gagawin daw niya akong ninang. tapos yun nga, turns out na totoo nga ang balibalita... at di ako naging ninang... hehehe! pero kahit nagkaganoon siya, bilib pa rin ako sa kanya kasi pinanindigan niya yung nangyari sa kanya. ngayon, may "grandson" na daw ako. hehehe! ang galing!!!
Posted at
5:32 AM
ako'y nandito ngayon kina steph, nakikisaling pusa habang gumagawa ang all-girl + rodrey group ng kanilang requirement sa 192. hehehe! actually, dapat magbasa na rin ako ng functional dependencies sa 165 pero tinatamad pa ako. hahahaha!
inaasar ako ngayon ni elaine "i'm a blogger" [with colomacci accent] daw. pinapagalitan ako ni steph, magaral na lang daw ako ng 165. si angel, masungit pa rin as usual. hehehe! peace man!
saling pusa rin ako sa mp namin sa 145. nagsimula na kami kanina at wala akong macontribute kundi kalokohan. gusto ko sanang tumulong pero wala talaga akong alam dahil di ako nakabasa kagabi. huhuhu!
[benta! 5 minutes pa lang gumagawa ang all-girl group... hirit si elaine na "it's time for a break!!!"]
Posted at
7:22 AM
shiet na! napakaraming gawain. kakakita ko lang ng mp specs sa cs150 at 3 pages ito. craaaaaap! wala akong naintindihan sa kailangang gawin at talagang individual pa ang first machine problem. tapos may mp na rin sa cs145 at implementation na ng sa cs165. ang saya!
whoooooooo! ngayon lang ako nagkaroon ng simultaneous mp making within one semester. wahahaha! akala ko nung unang mp sa cs11 ay mababaliw na ako. yun pala, meron pang mas titindi doon. yun ay ang nagaganap ngayon. hohoho!
paano kaya kung umabot pa ako ng fourth at fifth year sa cs? baka makikita na lang ako sa isang sulok ng eng'g na kinukulot ang buhok ko gamit ang aking daliri habang nakasquat, umuuga-uga at nakatingin sa kawalan. wahahaha!
Posted at
4:36 AM
copied and pasted from kristine's blog:
"...sabi ni sister Iris WIFI na ang buong AA. IN-FAIRNESS!!! hahah dalhin na daw natin laptops natin dun! i miss siter iris! haha napupuyat daw sha lately kasi nageenjoy sha sa wifi! haha ang cute!"
hahaha! benta talaga si sister iris (who is well known for going around the school with her handy dandy bike! AND hesitant ang students to talk to her kasi american nun siya...wahahaha!)
grabe! how i wish naabutan ko yan nung highschool pa ako and the "zen garden" as well. craaaap! i miss aa! ang tagal ko ng hindi nakakabalik... last time i was there, fleur and i picked up our yearbook.
ang namimiss ko sa aa ay yung "lazy afternoons" namin kasi laging walang classes for practice sa kung ano nanamang school production. hahaha! nakahilata lang kami sa mga classrooms with our mats tapos share share sa earphones ng cd players. tapos magscascavenge kami for food sa mga classmates na masipag magbaon ng lunch dahil wala kaming dalang lunch of our own at ayaw gumasta ng pera. waaahahahaha! awww... those were the days.
wishing na sana mag highschool reunion yung section namin. gragraduate na yung mga lasallians di pa kami nagkikita kita... waaaah!!!
Posted at
10:46 AM
nagbabasa ako kanina ng readings sa MuL13 at break ko ngayon. so far, i have learned that i can actually read required readings. hehe! usually kasi nagrerely lang ako sa notes o di kaya sa abridged version of the readings (also known as outlines). but this time, tinatangka kong may mapulot sa readings. hehehe! at dahil nagbabasa na ako ng reading, for the first time ever, naubusan ng tinta ang highlighter ko! whooooohoooooo! hahaha! natuwa pa.
at siya nga pala, deadline na ng problem set sa cs130 bukas at di ko ginawa! yehey! hahaha! excuse kuno na may upcoming exam sa tuesday but i could've done all this during the christmas break. hahaha!
Posted at
8:29 AM
nung bata pa ako, either dunkin donuts o balot ang pasalubong ng tatay ko sa akin. medyo weird kasi parang wala naman akong kakilala na pinapasalubungan ng magulang nila ng balot. hehehe! pero masarap naman talaga ang balot. wag mo lang iisipin na isa yung fetus ng ibon. (gaya ng di natin pagisip na ang fried chicken ay mga manok na tumitilaok tuwing umaga hehehe!)
nakwento ko yan kasi parang pateros ngayon sa dami ng balot sa bahay. paano, may dumaan na manlalako ng balot sa may tapat ng bahay namin. nagpabili ako sa nanay ko ng medyo marami kasi bigla akong napaibig sa balot. tapos paguwi ng tatay ko, bumili rin pala siya. hahaha! kaya ayun, balot happiness!
Posted at
2:34 AM
kahit akala kong walang klase sa MuL13 kanina ay dumiretso pa rin ako ng college of music para magpaphotocopy ng additional lectures at bumili nung cd para sa ieexam namin sa tuesday. pagdating ko doon, nakita kong bukas pintuan ng room namin at may pumasok na parang student rin pero di ako sigurado kasi di pamilyar mukha niya sa akin. so after gawin ang pinunta ko doon ay sumilip ako sa loob para tignan kung may makikita akong more familiar face. at may nakita nga akong pamilyar na mukha. so i guess may pasok nga kami.
pagupo ko sa usual kong inuupuan, napansin ko na parang aral ng aral ang mga kasama ko sa room. pati yung cd ay parang memorize na nila. bigla akong kinabahan kasi si ate photocopy ay tinanong ako kung di pa raw ba exam today at baka nga exam na sa araw na ito. dahil napaka antisocial ko sa klaseng yun, naghintay na lang ako ng ibang taong magtatanong sa kanila. habang naghihintay ay nagiisip na ako kung aalis na lang ba ako ng room sa oras na malaman kong may exam nga sa araw na yun o itry na lang magexam kahit zero knowledge talaga. buti na lang may dumating na tao na nagtanong sa kanila at ang sagot ay "wala... sa january 9 pa." waaaaaah! kinabahan talaga ako doon.
dahil nga akala ko ay wala talagang pasok sa MuL13 ay di ako nagbreakfast sa bahay thinking na makakapagbrunch ako sa school. pero dahil nga nagklase ako sa MuL13, tiniis ko na ang gutom. buti na lang pagdating ko ng department, may christmas gift na polvoron si jaymee. hahaha!
wala ring klase sa cs165 at dahil gusto namin makauwi ng maaga, nagsit-in na lang kami dun sa earlier class ng cs145. nanood kami nung mahabang discussion/lecture ni cerf and karn (na akala ko talaga dati ay cerf and kahn dahil na rin siguro kay kublai kahn hahaha!) tungkol sa networking. habang pinapanood ang kanilang lecture ay alternate na naghihikab ako, nagwander ang utak ko at sinusubukan manood ng totohanan. hahaha! maikli talaga minsan ang attention span ko (o dahil ba gutom ako...? PALUSOT! hahaha!)
after ng klase ay nagsikain kami sa canteen. naibsan na rin ang aking gutom. kung dati ay dalawang tables lang ang kailangan para maaccomodate ang lahat, ngayon ay tatlo na. ginawa pa naming L-shaped yung hugis ng table. wahaha! nakakaaliw tignan na medyo nagiging komportable na maging magkakasama yung mga dating di magkakasama.
... at bigla akong binalot ng kalungkutan. huhuhu!
Posted at
6:58 AM
...at wala pa rin akong nagagawa (na academically related) whooo! imbis na nagaaral ay kung anu ano ginawa ko (for example... the slide you now see at the left column :P)
tsk! itutulog ko na lang ang aking worries. bhad!!!
Posted at
10:56 PM
anecdote muna about the title: before ako magcollege, iniisip ko for the longest time na ang ibig sabihin ng procrastination ay pagmumuni muni. hahaha!
anyway, sobrang i have put things off this christmas break to a point na wala pa rin akong nagagawa hanggang ngayon at bukas na ang first day of classes. ngayon ay kinakabahan na ako (pero di pa rin nagsisimula) *clap clap clap*
walang connection sa title: sumasakit ulo ko sa nanay ko dahil humihirit ng mga bagay na hindi dapat hinihirit ng nanay. hahaha!
Posted at
8:19 AM
yey! new year na... palagay ko naman ay nafulfill ko yung resolution ko last year and in doing so ay nagkaroon ng kaunting direksyon ang buhay ko. this year, wala naman akong ginawang/nagawang resolution. marami kasing expected big changes sa buhay ko at naging preoccupied sa pagiisip niyan. bagong taon, bagong buhay talagaaa.
una na diyan ang maaaring paglipat ng bahay dahil itong tinitirhan namin ay gusto ng ibenta. tapos kung lilipat kami dun sa dating bahay ng lola ko sa lagro, may complications na mangyayari na medyo gagawing unstable ang aming buhay. grabe! at una pa lang yan. ang pangalawa ay tungkol naman sa aking pagaaral. di ko alam kung matatapos pa ako ng college dito (sa up o sa pilipinas) craaap! sabi ng nanay ko, basta ituloy lang daw na normal ang buhay at wag isipin yan pero minsan talaga di ko pa rin maiwasang isipin na parang pinaglololoko ko na sarili ko sa pag-take ng compsci lalo na ngayon at may ganyan pa. hay. and for the grand finale... clan diaspora. whoooo! mauubos na ang lahing gan (note: gan ang aking middle name) sa pilipinas.
puros yan ang pinaguusapan sa lahat ng family gathering namin nung pasko at ngayon. sobrang pinaplano na talaga ng lahat ang pag move doon. tapos kanina, tinanong na ako ng nanay ko ng "the question" (kung dito ko gusto magtapos o doon) at ang naisagot ko ay doon. naisip ko rin kasi na mahirap kung maghihiwalay pa kami eh tatatlo na nga lang kami sa pamilya - ako, nanay ko, tatay ko... bow. hahaha! at iniisip ko rin naman na di ko rin talaga linya ang computer science lalo pa nung nalaman ko na yung university na malapit sa lilipatan namin ay pinaggraduatan ni james gosling waaaaaaaaaah! freak out! hence siguro kung kailangan na nga naming umalis ay sasama na lang rin ako. siguradong marami akong mamimiss dito especially mga kaibigan, kakilala at gustong kilalanin kung sakaling matuloy kami this year.
sa ngayon, "tuloy pa rin ang awit ng buhay ko..." yeah.