Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Thursday, October 29, 2009

Slipping

The start of the semester went perfectly fine. Until this week. Absent ako until today kasi today lang ako gumaling from the flu. Grah! Now I have a looot of catching up to do. Ang dami ko ng namiss na vocabulary from French, application problems sa calculus, matrix proofs sa linear algebra, programming exercises sa comp at paper sa English. Shoot. I wanna kill myself for getting sick. On the week of my birthday. Rawr.

I need to know that I can do this. Ayokong dumating ang bukas. Hay.

Tuesday, October 27, 2009

Happy Birthday, Self

Isang taon nanaman ang nadagdag sa edad ko. Ang tanda ko naaa. Dahil 23 na ako, these are the 23 things I've learned and need to learn.

1) Never give up
2) Distance is not an illusion
3) Smiling does wonders
4) Open yourself to new experiences
5) Change is inevitable
6) Set high standards for yourself
7) Accept that mistakes do happen
8) Don't let your emotions get in the way...
9) ...but cry if you need to
10) Don't live in the past
11) Work is just work
12) Friends come and go but family stays with you no matter what
13) Have fun
14) Make each day count
15) Health is wealth
16) Save, save, save
17) Invest
18) Love what you do
19) Think positive
20) Dream big
21) You can never forget the people you love
22) Take care of our planet
23) Everything happens for a reason :)

Whew. Ang dami nun.

Cheers to 23 years!

Sunday, October 25, 2009

Failing Polya

Ayon kay Polya may apat na steps na kailangan gamitin para sa problem solving.

1) Understand the Problem
2) Devise a Plan
3) Carry out the Plan
4) Look back

Unang step pa lang, nagfail na ako. Di ko maintindihan ang problem namin. I mean meron akong logical solution pero di nagmamatch yung results sa results nung example niya. Feeling ko simple lang talaga siya pero there's something wrong with the way the specs were written. Medyo vague yung explanation kaya nagemail ako sa prof namin. Nagreply naman siya pero di daw niya naiintindihan ang pinaggagagawa ko. Hahaha!

So 3am, di pa ako natutulog dahil nababagabag ako sa assignment. Wala naman akong contact info ng mga kaklase so wala rin akong matanong. Pathetic. So I guess, sa Monday, magstastart na akong magmake ng friends para may matanungan na akong matino. Hahaha! User. Di ko kasi alam kung ethical magtanong ng number dito eh. Di ba kasi sa movies nagtatanong lang ng number kapag gusto mo makipagdate? Wahaha! Baka isipin nila gusto ko silang i-date. Labo.

Semi-off Topic: Sorry nga pala friends at di ako nakatawag nung lumabas kayo the other night. Late na kasi ako nakatulog tapos di ko naramdaman yung alarm. Or naramdaman ko tapos pinatay ko? Di ko na alam. Hahaha! Sa sobrang pagod, di ko alam kung dream or reality yung naaalala kong nangyari. So dito ko na lang kayo babatiin ng happy birthday para kunwari special. (In order of birthdays)

JAYMEE! Ilang beses na ata kita binati pero happy birthday ulit. Pagibayuhin mo ang pagtratrabaho sa Chevron dahil pagbalik ko, I expect na ililibre mo ako. Hahaha! Sana ay wag na kayong masalanta ng future bagyos.

ANGEL! Hindi na uli kita nararamdaman. Pero kahit ganon, kapag nagparamdam ka naman ay parang hindi ka nawala. Lalim kuno. Haha! Wala akong masyadong balita sa iyo so I guess the best thing to say is I wish you happiness and content.

STEPH! Aking dapat na contact person. Di ko pa rin alam gumamit ng video call. Hahaha! Di bale, sana next time na magsama-sama kayo, di niyo lang ako makikita sa phone, makikita niyo ako in person. Hahaha! Ano ba ang masasabi ko sa iyo? Hmmm. Sana ay wag ka ng maasar sa mga kinaaasaran mo. Or sana maeliminate na lang yung kinaaasaran mo para di ka rin asar. Hahaha! Gift ko sa iyo: Si Puck, si Chuck at Luck. WOEH?!?!?! Anyway, happy birthday!

To all you three, thank you for the friendship! You guys are such great friends! See you soon! :)

Thursday, October 22, 2009

Untitled

It's been months since I last listened to any of the songs in my laptop. The first song plays and instantly, naalala ko na kung bakit nga ba hindi ko sila pinakinggan for months. Marami kasi sa mga kanta ang nagpapaalala ng mga bagay na ayoko ng maalala.

Siguro sign ito na tigilan ko na daw ang avoidance. Literally, "Face the Music." I don't want to delve into the details kasi masyadong mahaba at madrama. Kausapin niyo na lang ako kung gusto niyo malaman. The point is, kailangan na uli harapin. Life sucks.

Wednesday, October 21, 2009

Coding vs Documentation

It took me 3 hours to code and 5 hours to document. That is really wrong!!!

Nakakakaba pa kasi yung test data, a day before the submission lang binibigay sa amin so kapag may mali, a day before mo lang malalaman and you only have the day before to fix everthing. Ang saya!

And then kailangan sa line printer ng lab pa namin iprint yung code + documentation + test runs. The last time na sinubukan kong magprint, nagreload pa kami ng paper na super complicated procedure. It took 3 of us to get it working. Pero fun naman makarinig ng maingay na dot matrix printer. Hahaha!

Just a random post.

Tuesday, October 20, 2009

Tony Velasquez is the Man

Every night, habang nanonood kami ng Balitang Amerika sa TFC, hinihintay namin si Tony Velasquez at ang kanyang segment. Super corny kasi ng mga concluding lines niya.

Like tonight... merong story tungkol sa isang mama na dinedecorate ng pumpkin yung roof ng bahay niya. Punchline: "And these are the few times that we can say he deserves a kalabasa award. Back to you Gel" Whuuut?

Yun lang.

Monday, October 19, 2009

Personality Disorder

This is about me, wanting a person and the disorderliness of my paragraphs. Hahaha!

I need a person, as Cristina Yang would say. Medyo nanonood kasi ako ng Greys Anatomy for the past few weeks before I go to bed. Kaya ito, kung anu-ano pumapasok sa isip ko. Feeling ko nga napepenetrate niya ang subconscious ko eh bilang mga kaganapan sa series ang huling pumapasok sa utak ko bago matulog. Hehehe!

So yes, I need a person. Yung tipong close-proximity na makakausap ko at masasabihan ko ng mga walang kwentang nangyayari sa buhay ko. Hahahaha! Nakakafrustrate kasi minsan. Parang sasabog na ako at wala akong mapag-vent-out-an. Well pwede naman ako mag-email or mag-im or mag-blog pero iba pa rin kapag in person. Kasi minsan pag nagbloblog ko parang sumusulat ka lang sa hangin. Wala ring nakakakita. I feel so misunderstood and forgotten (draws thick lines under eyes... hahahaha!)

And by person I don't mean a special someone. Nako. Matagal na panahon pa yan kahit na ang hula ng karamihan ay ako ang unang magaasawa. Saan ba nila napulot yun? Kailangan ko lang ng makakaintindi sa akin. Parang wala kasing nakakaintindi.

Sana madefine na ang "The Science of Reservation." Ayoko naaaaa.

Sunday, October 18, 2009

Registration

Registration na ulit for Winter Semester. Mga interesting subjects na nakita ko...

Personal Finance
Introduction to Stock Market
Forensic Studies
Controversies in Science
Introduction to Insurance
Creative Drama and Movement for Adults Dealing with Children

Too bad hindi macrecredit pag nag PE kami. Ang dami pa namang interesting PE subjects tulad ng...

Backcountry Skiing
Mountain Bike Trekking
Backpacking
Wilderness Survival Techniques

Haysss. Ang hirap pa humanap ng G.E. subjects kasi hindi macrecredit kapag science course dahil science major kami. BOOO!

Tapos nakakatuwa yung naisip nilang system for registration. Kapag mas maraming subject na nakuha mo, mas maaga ka pwedeng magregister. Hehehe! Bakit kaya di gawin yun ng CRS?

Thursday, October 15, 2009

C’est Moi

Assignment namin sa French. Wahaha! Parang gradeschool lang uli. Try decoding. :)


Je m’appelle Helen Grace Borromeo. Mon père, ma mère et moi sont philippins pourtant mes ancêstres étatient chinois et espagnol. J’habit à Calgary mais je suis de Manille. J’étudie quatre cours. J’ai le mathèmatiques et l’informatique le lundi, le mardi, le mercredi, le jeudi et le vendredi. J’ai le français le mardi, le mercredi, le jeudi, le vendredi et j’ai l’anglais le lundi et le mercredi. J’aime étudier le français parce que c’est intéressant et je préfere le mathématiques. Temps, je n’aime pas étudier l’anglais parce que c’est ennuyeux. Je suis étudiante l’informatique alors j’adore l’informatique.

Je travailler toujours le week-end. Je regarde souvent la télévision et le cinéma. J’aime regarde les comedies, le dramas et les films de science-fiction. Temps j’écoute la radio. J’adore le soul, la musique alternative et le rhythm and soul mais je dêsteste le rap. J’aime le natation et le roller. Je n’aime pas le volleyball mais j’aime regarder le volleyball. J’adore visiter les pays. J’ai visité le Hong Kong et le Thailand. Je desire visiter la France, l’Egypte et les États-Unis.

Wednesday, October 14, 2009

My Semi-Eventful Day

Habang parating na ako ng bus stop kung saan dumadaan yung bus papuntang school, napansin kong parang ang daming taong nagaabang ng bus. Usually kasi hanggang apat lang kaming naghihintay ng bus doon. Pero kanina, biglang more than 10 kaming naghihintay doon. Ang explanation nun ay dahil nagsnosnow either hindi umandar sasakyan nila dahil sa lamig or ayaw nila magdrive dahil baka maaksidente sila dahil madulas ang snow.

Unang bus na dumaan, nilagpasan kami dahil puno na. Saya! Sabi sa akin nung katabi ko, yung bus din daw bago doon, nilagpasan sila. So intay na lang uli ng pangalawang bus. Dumating si bus number 2 at 9:10 (9:00 yung class ko) at nilagpasan uli kami. Whuuut??? Nagdecide akong puntahan yung bus stop na mas nauuna dun sa bus stop namin dahil baka pagdating ni bus 3, di uli ako makasakay. Papunta pa lang ako sa kabilang bus stop, dumarating na si bus 3 so "tumakbo" ako. "Tumakbo" dahil kapag totoong tumakbo ako, mawiwipe-out ako sa gitna ng kalsada sa dulas ng snow. 1 meter away na lang ako doon sa bus stop nang biglang umandar yung bus. WHAAAT!!!! Pinara ko yung driver dahil feeling ko jeep siya. Buti na lang, nakita niya ako at huminto siya. Yehey!

Dumating ako sa class ng 9:40. Natatapos klase namin ng 9:50. Hahaha! Kapal ng mukha. Buti na lang mabait yung katabi ko. Kinwento niya kung ano naganap sa klase namin.

After which, nagkaroon kami ng midterms sa Calculus. Late rin yung instructor namin sa Calculus. Nastuck daw siya sa traffic for 2 hours. Whoo. At sino nagsabing walang traffic sa North America? Hahaha! Yung iba kong classmates, dumating in the middle of the exam. Yung iba, gagawan na lang daw ng ibang exam kasi tipong 10 minutes na lang uli ang natira para itake ang exam. Galing lang nila pag natapos nila yun in 10 minutes. Hehe!

Pagkatapos naman nito, nagmidterm kami sa CS. Medyo nalilito na ako kung anong itatawag sa CS. Kung CS ba or Comp kasi Comp ang tawag nila dito. Kanina, biglang nagkaroon ng dila mga kaklase ko at kinausap nila ako. Tinanong lang nila kung ready na ako sa exam. Hahaha! At least may progress kahit papaano.

Finally and the most eventful of all ay ang nangyari bago magstart ng last class ko. There I was sa table outside the classroom. As usual, mag-isang nagsosolve ng assignment sa Math. Paglingon ko, may kaklase ako from Calculus na dumadaan. Siya yung lagi kong kabatian sa Calculus. Actually, siya ang tangi kong kabatian sa Calculus. So nag-hi ako sa kanya at nag-hi rin siya. Bigla siyang umupo dun sa table tapos napansin kong parang stressed itsura niya. Tinanong ko siya kung ok lang ba siya. Tapos bigla siyang naluha. Woah. Sabi niya feeling niya babagsak daw siya sa Math subjects. Ako naman, nagpapanic kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang nasabi ko na lang... "don't cry..." Hay. Pathetic. Kasi naman di ako marunong magconsole sa English. Di ko alam kung nakatulong ba ako sa kanya or naconfuse lang siya lalo sa akin. Pero ang punchline nito ay... di ko alam pangalan niya at feeling ko di rin niya alam pangalan ko. Wahahaha!

... and that was my semi-eventful day. Bow.

Tuesday, October 13, 2009

How Theorists Work

Kung napanood niyo ang The Big Bang Theory kahapon, super funny nung segment na "nagtratrabaho" sina Sheldon at Rajesh. HAHAHAH! Laughtrip.

Yung instructor ko naman sa Math subjects ko, kapag may mali daw kaming ginawa na may pattern na nacreate, pinagaaralan daw niya. For example, naproject namin sa kung saan yung vector, pagaaralan niya tapos kung may sense, gagawan niya ng paper at isusubmit sa kung anong conference. Minsan iniisip ko kung natutulog pa yung instructor na yun sa kakaisip.

Walang kaugnayan: Dapat Fall pa lang pero nagsnosnow na. -14 kanina at ang hirap bumangon kasi malamig at madilim. Hays.

Monday, October 12, 2009

Emo Kids

My 10-year old cousin posted this on Facebook...

"I waited forever for someone like you,
What is it that you do?
One wave, I cave.
But not this time
It’s me you’ll never find.
I was born to cry, hide, and loose,
But I was raised to think, love myself and choose."

Grabeee. How emo are the kids today???

Sunday, October 11, 2009

Pagbibigay Salamat

Pangalawang Thanksgiving na namin sa Canada. Panahon nanaman para magpasalamat sa lahat ng nangyari noong nakaraan taon.

Nagpapasalamat ako na ligtas ang mga kamag-anak at kaibigan ko mula sa bagyong Pepeng at Ondoy. Mahirap na makita yung mga nangyari na nasa malayo ka. Parang wala kang magawa. Di ka man lang makapag-volunteer. Parang di sapat na mag-donate lang. Pero ganoon talaga. Kaya ginagawa na lang namin ang makakaya para makatulong.

Nagpapasalamat ako na nakakapag-aral na uli ako. Akala ko talaga, hindi ako makakapag-aral ngayong taon pero salamat at natuloy na rin. Matagal pa bago ako makagraduate at marami pang pagsubok na pagdadaanan. Ang mahalaga sa ngayon ay nandito na ako sa panibagong simula.

Nagpapasalamat ako para sa aking mga kapamilya at kaibigan. Sa kanila ako kumukuha ng lakas. Sila ang nagpapaligaya sa akin. Sila ang nagmamahal sa akin.

Nagpapasalamat ako sa kung ano man ang meron ako ngayon. Nagpapasalamat ako sa kung ano pa ang darating sa buhay ko.

Lahat ng ito ay pinagpapasalamat ko sa Kanya. Sabi nga sa misa kanina, ang araw na ito ay araw ng pagpapasalamat sa Kanya dahil sa Kanya, walang imposible. :)

Thursday, October 08, 2009

Study Materials

One day, I got bored studying kaya kinunan ko ng litrato ang mga sumusunod na mga bagay...

MY ULTIMATE MUST-HAVE SCHOOL ITEM
I absolutely love my planner. Hahaha! Nadiscover ko kasi noon sa UP na kapag may planner ako, mas ginagawa ko yung mga nakasulat doon. Tapos ang sarap tignan nung marami ka ng na-cross out na days and tasks. This was the September page.





THE JAMPACKED LIBRARY.
Laging maraming tao. It takes me a while to find a spot to study. This is only 1/16 of the library. Spoiled mga students dito. Sa isang part ng library, may hilera ng big comfy chairs faced sa big windows. Pangarap kong makaupo doon someday.




I MISS CATTLEYA
Amazingly, wala silang "notebooks" dito. Yung mga tipong spring-bound or nakatahi. All they have are binders. Siguro to be more environment friendly? Para reusable next year. Nakakaasar lang kasi di magkasya sa bag ko dahil sa...




PILE O' BOOKS
I bring all these to school everyday. Hard-bound pa yung Calculus at French books kaya super bigat! Hello scoliosis. May narinig ako dati sa news. Kapag di daw kaya ng two fingers mo i-lift ang bag, mabigat daw yun para sa iyo. Pag tinry ko yung test na yun, mababale yung daliri ko. Hahaha!



And those are my school items. Bow.

Wednesday, October 07, 2009

The Fun Theory

I know pinupuno ko na ng YouTube videos ang blog na ito. But this one's really good. Would you use the staircase? I would.

Tuesday, October 06, 2009

Stress Relief

Thank you YouTube for providing people around the world with stress relievers.

Monday, October 05, 2009

So I Had A Bad Day

This is the worst day possible.

Una, nalate ako sa quiz ko sa first class dahil patawid pa lang ako nung dumating yung bus. Nakakaasar ang bus system dito. Ang tagal ng intervals tapos di man lang naghihintay. Rawr! At ganito nga pala ako ka-late sa quiz... nagpapass na yung mga iba kong kaklase nung kakatapos ko pa lang ng first question. Waaah.

Pangalawa, may umagaw ng silya ko doon sa isang class. Usually kasi nasa likod ko siya. Ewan ko kung nalito ba siya or what at umupo siya dun sa lugar ko. Di naman ako attached sa silya ko pero kamusta naman kasi ang height niya 5'10" ata at ako ay 5'2" lamang. So buong lecture, pasway-sway ako para lang makita yung harap. Argh.

Pangatlo, sana nagiisip muna yung ibang tao bago magtanong. Review class kasi namin kanina sa Math for our midterm tomorrow at come on sa mga tanong. Example... may inexplain na isang problem. Tapos nagtanong yung babae kung bakit sa ibang problem, hindi pareho yung solution. Uhm... hija, kaya nga ibang problem eh. Malamang iba rin ang solution. At dun nadevote ang oras namin. Ewan.

Pangapat, nahulog yung notebook ko sa sink habang dumadaloy ang tubig. Kamusta naman lababo, kailan mo ba ako titigilan? Hahaha! At for more irritation, talagang sumakto pa doon sa notes ng subject ng exam ko tomorrow. ANG SAYA! So imbis na makapagaral ako agad, nagplantsa muna ako ng notes para matuyo.

Howell, at least tapos na ang araw na ito. Sana maging maayos naman ang araw ko bukas.

Sunday, October 04, 2009

Nakakapagod

Next week is a pretty hectic week. I have a quiz, an exam, a paper and a programming assignment due one day after the next. Dapat hindi ako nagrereklamo dahil hindi naman sila sabay-sabay. Pero nakakapagod talaga. Yung buong araw ko dedicated lang para mag-aral. Sa class, sa break, pag-uwi. Man. Social life? Ano yun? Hahaha!

Hindi ko rin naman kinoconsider na very exciting ang social life ko noon sa UP pero at least dun, kahit kaunti man lang ay existent siya. Pero ngayon, parang wala na ring panahon para maging existent yun.

Sabi ng iba, eh bakit wala ka bang friends? Siguro sa Pilipinas, madaling humanap ng kaibigan. Pero dito, may kahirapan. May point yung tito ko nung minsang naguusap kami. Sabi niya, yung sa Pilipinas na akala mong nakapalagayang loob mo na, dito hindi pa pala. Parang customary lang na kamustahin ang isa't isa pero sa totoo lang, wala talaga silang pakielam sa sinasabi mo. Ang sama man pakinggan pero minsan, yun talaga ang totoo. Hindi naman sa nilalahat ko sila pero generally, ganon talaga.

Hay. Napakahirap talaga manirahan sa ibang lugar. Minsan iniisip ko, gusto ko ba talagang tumagal dito? Tatagal ba ako dito? Hay...

Pasensiya na sa nega na post... Epekto ito ng panonood ng And I Love You So... Waah.

Saturday, October 03, 2009

Brain Dead

If you could, would you wanna know the day you were going to die?
->Parang ayoko. Feeling ko kasi I would dwell so much on dying that I would forget how to live. Tipong magshu-shutdown na lang ako. Hahaha! Wow. Sounds so familiar...

Is love for real?
-> Oo naman. Kung sinabi mong hindi totoo ang pag-ibig para mo na ring sinabing walang Diyos.

If you could change your first name, what would you change it to?
-> Some old Filipino word like Amihan or Diwa. Ang cool eh. At oo, existent sina Amihan at Diwa. Si Amihan, ka-club ko nung highschool tapos kapatid niya si Mayumi. Si Diwa, pinsan ko.

What color do you think looks best on you?
-> Nako, dapat galingan ko ang sagot dito bilang nasa retail ako. Hahaha! Feeling ko bright colors lalo na ang pink. Hahaha! Napakagirly.

Have you ever swallowed a non-food item by mistake?
-> Yep. Lotion. Nasa stage ako noon na tinitikman lahat. Hahaha! Sininok ako after ko malunok yung lotion.

Have you ever saved someone’s life?
-> Indirectly siguro. Tipong dahil nakausap ko si person a, nagkaayos sila si person b at si person b ay nilibre si person c na nagkaroon ng perang pang-gas kaya nadaan niya si person d at dahil dito, si person d ay naabutang inaatake si person e kaya nadala si person e sa ospital para mabuhay. Oha!

Has someone ever saved yours?
-> Parents, I guess. Dapat kasi DNC na yung pregnancy ng nanay ko noon. Pero dahil naging maingat sila, heto ako at alive and kicking. Hahaha!

Thursday, October 01, 2009

Unusual Way

From the musical Nine. Great arrangement of the song. Better than the original. Haha!

"How could I ever forget you, once you had touched my soul?"