Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Monday, January 28, 2008

Pusang Gala

Winds Nocturne
Jenny Stigile
[Watch the FLASH]

Wishing on a dream that seems far off
Hoping it will come today
Into the starlit night
Foolish dreamers turn their gaze
Waiting on a shooting star

But
What if that star is not to come?
Will their dreams fade to nothing?
When the horizons darkens most
We all need to believe there is hope

Is an angel watching closely over me?
Can there be a guiding light I've yet to see
I know my heart should guide me but
There's a hole within my soul

What will fill this emptiness inside of me?
Am I to be satisfied without knowing?
I wish is then for a chance to see
Now all I need [desperately]
Is my star to come...

*Nagmigrate daw yung pusa sabi ni Dy. Hehehe! Pero napakacute lang nung pusa. Lalo na doon sa [desperately] part. Nagpaapekto naman ako sa pusa. Ganito talaga kapag walang matinong magawa sa buhay. Hahaha!

Sunday, January 27, 2008

Trying Something New

When was the last time I tried something new? Hehehe! Ang naalala kong bigtime na ginawa kong kakaiba ay nung kinuha kong CWTS yung Kampo Uno Rapelling. Kasi naman takot talaga ako sa heights noon. Tipong umakyat lang ng ladder nanginginig na yung tuhod ko. Pero dahil yun ang kukunin na CWTS ng mga kaibigan ko, wala akong nagawa kundi sumakay sa bandwagon. Hahaha!

Hindi ko naman pinagsisisihan na sumama ako sa kanila sa Kampo Uno. It was one of the highlights of my college life. The fact na nalagpasan ko yung takot ko sa heights ng dahil doon. Saka ang saya rin nung group namin. Puro mga baliw na pinagsama. Hahaha!

So now, dahil medyo bored ako sa buhay ko, I'm looking for new things to try. Hahaha! May isa na akong currently na ginagawa and I'm getting the hang of it. Yun nga lang ay medyo nakakapagod but hey, hardwork pays off. Ahahaha! (Sana nga magpayoff.) I think I also found another one thanks to conversations with some friends. Hahahaha! Ito talaga matagal ko ng binabalak. Mga first year college pa lang ako pero hindi ko pa talaga natutuloy. Now's the chance and let's see where this goes...

Friday, January 25, 2008

Working Friends

Dahil hindi ako nakasama last time sa panlilibre ni Julie, nagkaroon ng second round of libre. Yehey!!! Sakto lang dahil ACLE nung Thursday at walang pasok nung hapon.

We went to Trinoma and ate at World Chicken. Medyo matagal uli bago kami nakapagdecide kasi ganon talaga kapag pinagsasama ang mga taong laging sagot ay "kayo..." Hehehe! Dati pa ako nakakain sa World Chicken at kahapon ko lang talaga napagtanto kung bakit "World Chicken" ang pangalan nung kainan. Hahaha! Para kasing you experience the world when you choose different combinations. Hala... nabobo na ako.

Anyway after that ay nagtungo kami sa arcade para laruin yung laro ni Steph. Parang hahanap ka lang ng matches using the touchscreen tv. Pambata siya actually pero dahil olats kami, we only won 2 tickets. Wahahaha! Naglaro rin kami ng deal or no deal. Pero sobrang olats talaga na tipong natalo pa kami doon sa huling deal ng banker. Waaah! Hehehehe! Nagpapicture rin pala kami kung saan di namin alam kung saang lens titingin kaya mukha kaming tanga.

Habang nagdrudrum game kami, biglang may babaeng lumapit sa amin. Aba! Si Judoka Jaymee pala! Hahaha! Kasama daw ang kanyang high school friends. Akala namin date na siya with Judoy.

Nang napagod na kapupukpok ng drums at naubusan ng load ang card, umuwi na rin kami. Nakakatouch si Julie dahil siya pa nagpasalamat through text nung nakauwi na kami. Awww...

Napakasayang magpalibre sa mga nagtratrabahong mga kaibigan. Madaya nga lang dahil by the time na nagtratrabaho na ang mga friends ko, wala na ako para magpalibre. Wahahaha! Kaya ilibre niyo na ako ngayon na habang nandito pa ako ok! Hahaha! Demanding.

Wednesday, January 23, 2008

What's Up

The ceiling... woeh!

Medyo napapadalang na ata ang pagpopost ko dito. Late na kasi nakakauwi at pagod na pagdating sa bahay kaya kung walang importanteng gagawin, diretso na sa kama. Bukod doon, wala rin akong maisip na gusto kong sabihin. Hahaha! Nasusulat ko na kasi yung ibang gusto kong sabihin sa sinabi kong personal journal ko. Masaya rin pala magjournal ng papel at ballpen ang gamit. Feeling mo, writer ka talaga. Pero kunwari lang na writer ako. Matagal pa bago ako makapagsulat ng matinong "work." Hindi ko nga alam kung mangyayari pa yan sa buhay ko.

Anyway, ano na nga ba ang nangyayari sa buhay ko?

Una, Projects.
EEE 9 Lab Project, sana matapos ka na by Friday. Kung bakit naman kasi napakalaki ng kailangang gawing circuit? Hehehe! Pero go groupmates! Kaya natin ito! CS 192 Project, hindi ko alam kung tama ang ginagawa kong database. Hahaha!

Pangalawa, CS Week Stuff.
Parang magiging mas masaya ang CS Week ngayong taon compared to other years. Naalala ko ang mga Student-Teacher Dialogue days. Benta.

Pangatlo, Buddies Galore.
After 4 years in college, ngayon lang ako nagkaroon ng app buddies. Oh yes. Napakasaya. Hahaha!

Pangapat, Harana Express Practices.
Isa nanamang pauso ng ICTUS. Hehehe! Featuring the songs Minsan Lang Kitang Iibigin and Kailan. Kaya wag kayong magtataka kung kinakanta ko itong mga ito.

Busy-busyhan nanaman kuno. Pero masaya ang may ginagawa. Ang hirap kasi pag walang ginagawa. Parang nababaliw/nabobobo ako.

Saturday, January 19, 2008

Forwarded Mail

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin
Roald R. Arcangel

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin
As ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ....
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Wednesday, January 16, 2008

Xiao

Sobrang hindi ko talaga gusto ng history simula pa noong highschool. Hindi ko talaga magawang mainteres sa mga pangyayari sa mundo dahil una, tamad ako magbasa at magmemorize na siyang perception ko sa mga history subjects. Pangalawa, parang hindi ako makarelate most of the time. Pero dahil kailangan ng Filipino Studies sa curriculum, kumuha ako ng Kas 1 nung second year ako.

Swerte naman ako dahil ang nakuha kong teacher ay si Sir Michael Charleston "Xiao" Chua. Iba kasi yung paraan niya sa pagtuturo. Hindi puro memorization ng people, places at events. Nagawa niyang ilapit sa amin yung lesson.

Isa ako sa mga unang studyanteng naturuan niya. Napasama ako doon sa klaseng hindi puro freshie. Lagi niya kaming sinasabihan na masaya ang klase namin dahil may mga sungay na daw kami di tulad nung kabila niyang klase na puro freshie na mababait. Hehehe!

Nakakatuwa rin si Sir Chua kasi kahit na hindi ako pala-recite sa klase ay natatandaan pa rin niya ako. Pag nagkakasalubong kami sa daan ay nagbabatian kami na hindi ko talaga karaniwang nagagawa sa mga teacher.

Siguro isa si Sir Chua sa mga nabibilang na teachers na tumatak talaga sa buhay ko. Ibang klase kasi talaga yung passion niya sa pagtuturo. Nakakahawa. Kaya ito at ishashare ko yung isang blog entry niya na natuwa akong basahin. Hehehe!

"Hindi ako perpekto. Marami akong kahinaan. Alam kong kahinaan ko ang aking pagiging sentimental at emosyunal. Subalit alam ko rin na narito rin ang lakas na ibinigay sa akin ng aking Panginoon: HINDI AKO TAKOT MAGBAHAGI NG SARILI, HINDI AKO TAKOT MAGMAHAL."

Tuesday, January 15, 2008

I Miss CS People

I really miss spending time with the CS people. Yung tipong guguluhin namin ang tables sa Engineering Canteen para lang magkasya kami tuwing lunch. Yung kakulangan namin sa decision making skills tuwing maglulunch. Yung paggawa ng walang katapusang problem sets sa ERG Discussion room. Yung mga bentang hirit ng mga tao sa isa't isa. Yung pangaasar na si ganyan ang pinakamaganda/ pinakagwapo/ pinakamagaling/ pinaka-etc... Nakakamiss talaga.

Kaya masaya ako na for the past few days ay nakakasama ko sila kahit papaano. Wala na kasing parehong subjects kaya minsan ko na lang sila nakikita ngayong sem. Nung mga nakaraang araw ay balik kami sa mga dating gawi. Kain, asaran at kwentuhan. Grabe, ibang klase talaga pag nakikita ko sila. Parang kumpleto na talaga araw ko pag nakikita ko sila o ilan sa kanila. Hehehe! Basta namimiss ko na talaga mga tao sa CS! Waaah!



Sunday, January 13, 2008

ICTUS Century Run

4:00 am meeting time sa UP Theater and arrived there without sleep. Hahaha! Bangag. First time ko ata mabangag ng tahimik lang ako. I was assigned sa water station near the guard house sa may University Avenue.

Photo taken by Marc Lalas


6:00 and the race started. Almost 2000 runners of ALL ages ang dumalo. More or less 2000 na tao rin ang binigyan namin ng water. Grabe! Nakakapanic maglagay ng tubig sa plastic cups. Akala ko nung una iinumin nila yun. But no! Pinambabasa lang pala nila sa sarili nila. Kaya pala meron ring bottled waters separate from the water sa plastic cups. Hahaha! Halatang hindi talaga ako nagmamarathon.

8:00 ata natapos yung race at dahil walang tulog, antok na antok na talaga ako habang hinihintay ang announcement of winners. Pero buti na lang hinintay ko yun dahil may free brunch pa pala from Flaming Wings. Whoohoo!

The Century Run was for the benefit of PCMC Cancer Patients kaya nakakatuwa to see that many people run for them. :)

Friday, January 11, 2008

Eat Pray Love

I was watching Oprah kagabi (instead of studying for my Nat Sci 1 exam) and her guest was the author of "Eat Pray Love" Mukhang maganda yung book and I plan to read it someday. Whanever that day is. Hahaha!

From what they talked about, the book narrates how the author found true happiness in her life through eating in Italy, praying in India and loving in the Carribeans (not so sure about countries mentioned). Hehehe! Eh kahit ako naman siguro magiging masaya ako if I travelled in all those countries. Pero siyempre sabi nung guest/author na you don't need to go to Italy, India or Carribeans to find true happiness. Sabi ata niya na parang you need to first let yourself be happy. Minsan kasi we feel guilt kapag hinahayaan natin ang sarili natin maging masaya. Then from there, we will slowly find out where true happiness lies. Sabi rin niya na it's a long process. True to the saying that there is no shortcut to happiness.

May nabanggit rin siya about keeping a journal about things you are thankful for or happy about. Tapos sabi ni Oprah na she keeps one of those too. It's nice to look back on the old pages daw and see how your perspective changes. Kaya ako rin nainspire to keep a journal of that type as well. Yes, yet another journal for me!

This time around, I'll be using simple pen and paper para everyday talaga ako makapagsulat. Hahaha! I hope I could keep this up and sana magserve rin ito bilang guide to finding my own happiness. Naks.

Tuesday, January 08, 2008

UP Centennial

The celebration started with the motorcade/parade around the acad oval. Nakakatuwa si Mareng Winnie dahil ang hyper niya nung dumaan ang School of Economics in front of Melchor Hall. Kailangan rin imention ang performers ng U.P. Baguio dahil pinanindigan nilang taga-Baguio talaga sila sa pamamagitan ng pagsuot ng bahag. Niloloko nga namin iyung isa na pa-conservative pa dahil nakavest siya. Wahahaha!

Tapos nakisama na rin kami sa parade bilang Eng'g students. Pagdating sa may Oblation ay humanap na kami ng puwesto sa field. Medyo malapit kami doon sa mga army men kaya nakakagulat pag may paputok. Habang iniisa-isa ang mga torch bearers, narinig namin ang name na "Dan Christian Llanete" at nagdiskusyon kung si DC nga ba iyun o hindi. Pero dahil sobrang coincidental naman masyado na isang letter lang ang pinagkaiba, nagconclude kami na siya na nga iyun. Grabe! Ang galing!

Hinintay rin namin dumaan ang torch bearers sa may malapit sa field. Ang ganda nung effect na maraming torches na naka-ilaw. Para silang townspeople na may gustong sunugin na bahay o sugurin na tao. Hahaha! Joke! Dahil nasa may harap ako ay nakita ko ng malapitan si Ryan Cayabyab at si Richard Gomez. Amazing.

Pagkatapos nito ay nagkaroon ng concert of sorts sa may ampitheater pero dahil ang dami ng nagdagsaang tao ay hindi na lang rin kami pumunta. Kumain na lang kami ng dinner sa Katipunan at bumalik sa U.P. just in time for the fireworks.

ANG GANDA NG FIREWORKS! Sayang nga lang at naglalakad pa lang kami papuntang field ulit nung nagsimula na yung display. Natatakpan tuloy ng puno nung nanonood kami. I especially liked the finale na parang rain of lights na mabagal.

Next stop ay U.P. fair naman. Mukhang magiging grand din daw ang fair this year dahil nga centennial ng U.P. Yehey!

Saturday, January 05, 2008

Libot-libot

Before going to the meeting with the UPACM Council yesterday, naglunch muna kami ng nanay at tatay ko sa Trinoma. Once in a blue moon lang kami kung kumain sa labas or lumabas at all so it was what I could say a momentous event. And because minsan nga lang kumain, sobrang dami naming kinain. Medyo malungkot nga lang na kailangan kong paspasan ang pagkain dahil malalate na ako sa meeting.

When I got to the meeting place ng Council, sumalubong sa akin ang isang katerba nanaman ng pagkain. I only ate a slice of pizza kasi sobrang busog na ako at kasalanan na kapag kumain pa ako. Sayang nga eh kasi hindi ko nasulit ang libre. After the meeting, libot-libot muna kami at kaunting bonding and kulitan time.

Then I met again with my parents and heard anticipated mass with them. On the way home nagtanong ang nanay ko kung ano ang kakainin namin for dinner. Dahil busog pa kaming lahat, we ended up watching a movie na lang. Isa uli itong momentous event dahil matagal na panahon na ang lumipas noong huli kaming nanood ng sine as a family. Ang suggestion ko ay Bahay Kubo para family film talaga pero ang gusto daw panoorin ng nanay ko ay Sakal, Sakali, Saklolo. Bwahahaha!

Natamaan ako doon sa linya ni Ryan Agoncillo na hindi daw niya gusto sabihin yung "I love you" sa nanay niya dahil it sounds cheesy. Yep, it really is cheesy pero iba pa rin talaga pag sinabi mo yan sa mga taong mahal mo. Tulad rin ng sinabi ni Gloria Diaz minsan, yun lang rin ang hinihintay nilang sabihin mo. So after watching the movie, I told to myself na I should say "I love you" more often pero basta mahirap talaga para sa akin na sabihin ito.

Hay, masaya talaga ako kahapon kasi para uli akong batang nililibot ng magulang sa kung saan saan.

Tuesday, January 01, 2008

Starting the New Year

Yehey! My first post for the year. Because it is a new year I have a few changes in my posts here. As you can see, I am now using capital letters. I'm also trying to compose sentences using only one language. Oo, kasi naisip ko na nabobobo na ako sa pagsusulat - resulta ng matagal na hindi pagkuha ng anumang asignaturang kailangan gumawa ng papel. Grabe, hindi ko na alam kung kailan kailangan gumamit ng malalaking letra, kung anong tamang bantas ang gamitin at nakakalimot na rin ako ng maraming terminong Pilipino at Ingles tulad noong tagalog ng punctuation mark (bantas) na tinanong ko pa sa nakababata kong pinsan.

Mga pangungusap lang muna kasi kapag isang buong entry na puro Ingles lang o Tagalog ay baka dumugo ang ilong ko. Pero sa puntong ito ay naramdaman kong baka iyung paggamit lang ng malalaking letra ang matupad ko. Magtataglish rin kung minsan dahil nagtutunog konyo o malalim masyado ang mga pinagsasabi ko kung diretsong Tagalog o Ingles. WAHAHAHA! Sa ngayon ay paninindigan ko kung ano ang nasabi ko kanina kaya ihanda ang mga sarili sa mga susunod kong sasabihin. (Akala mo naman ang lalim ng sasabihin ko. Hahahaha!)

Anyway classes will already start tomorrow and I'm not ready to go back to school yet. I have a pending exam in Nat Sci 1 in which I still haven't reviewed for. Add to that our project in C.S. 192 that we haven't touched over the break. But I promised to myself last year that I will now take my academics more seriously. I honestly slacked off during the first part of the semester and what better way to start the new year by setting things straight.

So yes, the new year has definitely started and let's all start it right! HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!!