hehe! ngayon ko pa talaga piniling irevive ang blog na ito... kung kailan malapit na ang pasahan ng machine problem (mp) at wala pa akong nagagawa! hehe! hay, ang feeling ko talaga... feeling ko matatapos ko ang mp ko on time! wahaha!
---
kagabi, napagsabihan ako ng nanay ko na half-baked daw ako kung gumawa ng mga bagay bagay... nanghihinayang daw siya kasi alam naman niyang kaya ko naman daw na maging achiever... tamad lang talaga... natamaan ako ng sobra kasi totoo lahat ng sinasabi niya... hayyy, kailan kaya ako matatauhan?
---
pagkagising ko kaninang umaga, nanonood tatay ko ng cnn at featured yung nangyari sa new orleans... grabe! napakalaking disaster na pala ang nangyayari sa ibang bansa wala pa akong kaideideya... ano kaya yung nangyari dun? karma sa amerika?
---
oh well, balik na sa mp mode... mahaba haba pa ang kailangang gawin...
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment