Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Wednesday, September 28, 2005

sino ako

"SINO KA?" ang tanong na yan ang isa sa mga pinakamahirap na sagutin na tanong na maaaring ibato sa akin. nakakaloko kasi parang ang simple lang niya pero di ko pa rin masagot nang may buong katotohanan... oo may mga handang sagot na ako tulad ng... "ang pangalan ko ay helen, ako ay isang estudyante, iisang anak ako, mahilig ako sa ganito ganyan, atbp." pero kung ang hanap na sagot ay yung katangi tanging bagay tungkol sa akin, wala akong masasagot. bakit hindi ko masagot? dahil takot ako na maging iisang "ako" na kung sakaling magbago ay di na matanggap o makilala ng ibang tao.

0 comment(s) :

Post a Comment