grabeh! ang sakit ng ulo ko ngayon... haha! at tamang tumititig pa ako sa computer ano?! ha?! hahaha! anyway, kakagaling ko lang sa aming pagikot sa south super highway. ganito kasi yun, parang may reunion ng mga childhood friends ng dad ko and his sisters sa laguna. ang cool noh?! they still remain in contact after sooooooooooo many years! tapos mayron ring dog show na pinuntahan yung thai kong tito sa cavite naman! so kamusta?! haha! parang the whole day nasa loob ako ng van... hahaha! paikot ikot lang ng south super highway! hahaha! pero naglunch naman kami sa laguna. andami ngang food eh pero medyo hindi ako gaanong nakakain kasi ang init. haha!
wala akong masyadong ginawa dun... nakatitig lang ako sa kawalan kasi wala akong kilala bukod sa mga tita ko at mga pinsan na di ko naman ka-close dahil hello?! AGE GAP! tipong may anak na kaya silang lahat! tipong ninang ko pa kaya yung pinsan kong andun! hahaha!
mayroon nga pala akong isang pamangkin dun, incoming 4th year high school, gusto daw niyang magpari. tapos napagusapan siya ng mom ko at tita sa van. tinanong ng tita ko sa mom ko kung alam ba daw niya ang dahilan kung bakit gusto niya magpari... tapos shiet! nakakadugo ng ilong ang sagot nung pamangkin ko sabi niya "hindi po kasi ako sigurado kung magiging successful family man ako, hindi ko alam kung i could keep our family together. gusto ko po sana, ako ang maging daan para mas maraming pamilya ang mabuo." after ko marinig yun... honestly nanliit ako. napakamature kasi niya magisip. imagine! he's willing to sacrifice himself for the sake of all the families out there?! onoes! parang ako, ANG SELFISH MO HELEN!!!!
kaya ayun, napagisip isip ako after that... inisip ko... "ano nga uli ang gusto mong gawin sa buhay helen?" tapos sinabi ng isip ko, "definitely, hindi ka magiging isang successful computer scientist so you must plan after graduating from comp sci or after going away from comp sci if ever umalis na kayo ng bansa in the near future" tapos habang nagiisip ako nito... tinanong ako ng tita ko kung anong year ko na daw uli... sabi ko "incoming 3rd year po, comp sci sa u.p." tapos kinausap niya yung tito ko in thai... "!@#$%^&* (@$%&*%%& )$@#@&)+& *%$&" sabay sabi sa akin, ihahanap kita ng trabaho sa thailand... malaki kita dun... dun ka na lang sa akin... hahaha! honoes. parang sa isip-isip ko... "di kaya mapahiya tita ko dun sa papasukan ko sa thailand?!" hahaha! yessssss, ganyan kababa ang self esteem ko when it comes to computer science. kulang na lang magpalunod ako sa tubig dahil sa katangahang ilagay sa application form ang b.s. computer science at sabihin sa nanay ko na gusto kong pumasok ng u.p. damn! hahaha!
natapos ang tour namin nung nakauwi na kami sa lagro. ang lagro nga pala ay yung bahay ng lolo at lola ko sa father side na ngayon ay pagmamayari na ng tito at tita kong thai. hehe! dun nga nila ako pinapauwi eh pero palagay ko mawawala ako kung pupunta ako dun magisa. haha! saka andaming aso dun... nakakatakot. oh well, tulad ng sabi ko, dito nagtapos ang aming tour.
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab