Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Friday, September 16, 2005

next sem uli

isang linggo ang nakalipas, excited na excited na ako para sa camping namin sa cwts1. grabe! napakasaya talaga ng experience na yun kahit na mahirap manirahan sa tent... hehe! nowadays, namimiss ko ang mga kagrupo ko dahil di ko alam kung kami pa rin ang magkakagrupo next sem sa cwts2. ang saya saya pa naman nilang ka grupo!!! as in siguro kung di sila yung kagrupo ko di ako ganon ka excited na magcamping sa makiling kasi alam kong mahihirapan lang naman ako...

si team leader welster namin! hahaha! ewan ko ba... nakakatuwa siya kasi ang bait bait niya! as in sooobra! hehe! kahit na di kayo close masesense mo sa kanya ang pagiging mabait niya! at he really took care of us... || the 'sistahs' jo and meg... grabe! hehe! nakakatuwa sila kasi kahit birthday nila eh nandun sila! tapos kita sa kanila yung effort na makatulong sa group! si jo nga napaiyak pa sa isang station! para sa akin, ang galing niya kasi nakakatakot talaga yung instructor dun at nakakakaba nga naman na gawin ang ar at cpcr na strictly step by step with all of your group mate's eyes on you... si meg naman ay laging on the go! taga kabit ng carab sa traversing! nasipa pa ni alvin! wahaha! || si alvin! ang aking seatmate nung papunta dun at paguwi! cotton cotton! na-touch talaga ako nung pagpasok ko ng bus sabi niya... "helen, sinave kita ng seat! seatmates uli tayo!" awww! hehehe! at share kami sa tuna na bumulabog sa buong bus... at yung morning scandal! wahahaha! shiet talaga yun! "i know..." || si ivan na nakatikim ng pagkasungit ko ng di sinasadya dahil sa bawang... hehe! peace! magaling rin na assistant team leader! hehe! sinalo ang kahihiyan ni team leader welster... nakakatuwa nang awayin niya ang tubig dun sa pool... at siyempre! walang makakalimot sa plastic mo! hehe! napakarami talagang uses! sulit na sulit ang mga plastic! || si karen at angela na inoffer ang kanilang boarding house para matulugan namin the night before the camping... ang mga tent mates rin namin nina angel at jaymee at mga tumulong at nanood sa cooking show ko nung gabi! hehe! buti na lang may can opener rin kayo! wahaha! kundi wala tayong kakainin nung gabi! || si lito na nagpahiram ng kanyang tupperware para sa baon naming tuna sa bus! hehe! at siya ring gumanap na biktima noong mga panahong nagaaral kami ng ar at cpcr! wahaha! ang galing mong victim! wohooooo! || si jelly na tanging nagdala ng camera bukod kay team leader! ehehe! buti na lang may dala kang camera to capture the memories! wahaha! yesss... siya rin ang chumichika sa mga instructors upang makakuha ng mga "clues" patungo sa susunod naming destinasyon... hehehe! || si anthony na kung magtraverse ay parang nagsisingkil! nakakatuwa! at ang kanyang pagkasungit! wag niyong gagalawin grupo namin or else feel his wrath! hehehe! go anthony! || si kristine na unti unti kong nakitang gumulo! hehe! || si ja-mie at ang costume niyang napakaganda na gawa sa plastic bag! how creative!!! || si may na noon ay di ko alam kung ano ang pangalan pero alam niya ang pangalan ko! hehe nakakahiya! at least ngayon alam ko na! may leadership potential rin sa tingin ko...|| si unja na kahit nakagat ng kung anong insekto at napasukan ng tubig sa tenga... hyper pa rin! wahaha! santa at jollibee dance... reyna galactica hahaha! benta lahat! grabe! || si james na nagdala ng gas at nag ilaw nung akoy nagluto ng cornedbeef noong gabi || si rj na nagmukhang taong lupa nang itaas ang spine board... hehe! || at siyempre... si jaymee and angel, ang lagi kong kadikit the whole time! sa pagtulog, pagkain, pagligo, pagrappell, paghanap ng points, pagayos ng gamit... grabe! taga kalma ko rin sila pag irita na ako dun sa isa naming ka group... ehe! siguro kung wala sila nagkaron na ng world war sa gitna ng gubat sa makiling... hehehe!

hay, napakasaya talaga! sana maulit uli iyon... kasama ang mga taong nabanggit ko sa itaas... salamat sa lahat! sana ay magkita tayo next semester...

0 comment(s) :

Post a Comment