pagkakataon nga naman
Posted at
2:59 AM
kahapon ay nagkanda malas malas ako... grabe! muntik na akong di makauwi! paano ba naman, nawala na nga wallet ko, wala pa akong load pantawag sa mga magulang ko! wah! so umisip ako ng master plan... una, inisip ko na magtaxi hanggang makauwi sa bahay... pero di feasible kasi wala rin naman akong ipambabayad sa taxi pagkauwi ko sa bahay. tapos, naisip ko na pumunta na lang sa p.s.b.a. kung saan nagtuturo ang mga tito at tita ko... ayun! pasok... so nagsimula na akong maglakad mula u.p. patungo sa p.s.b.a. tapos nung nasa may mcdo katipunan na ako, may nakita akong kakilala ko... si david... wah! sa lahat pa talaga ng tao siya pa ang nakita ko... hehe! una kong naisip, ang galing talaga ng Diyos, alam niya kung paano tumiming (root word: time) kasi balak ko na talagang ipaalam sa kanya na ok na kami uli... eh kaya lang hindi pa pwede ngayon kasi baka kung ano ang maisip niya kung bakit ko siya binati... baka isipin niya ginagamit ko lang siya... na hindi ko naman gagawin. so ayun, nilapitan ko siya at tinanong ko kung may load pa siya para makatawag ako sa mga magulang ko at di man lang siya nag alinlangan na iabot agad sa akin ang telepono niya... nahiya nga ako eh kasi nagflashback sa akin lahat ng kapilyahan ko at ayun, narealize ko kung gaano ako kasama... tapos mas lalo pa akong nahiya kasi tinanong pa niya ako kung tapos ko na yung machine problem namin sa cs21, tapos siyempre ang sagot ko, hindi... tinanong niya ako kung ano problema ko at tinulungan pa akong masolusyonan! wah! sising-sisi talaga ako sa pagiging masama ko sa kanya noon... tama sabi ng nanay ko, "individual differences lang yan... dapat intindihin mo na lang dahil ikaw ang mas kapasidad para umintindi nun" mother knows best talaga... so ayun, ok na kami ni david, siya ang aking saving grace kahapon at sa aking mp... hehe! pagkakataon nga naman...
0 comment(s) :
Post a Comment