Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Thursday, August 31, 2006

blogsary

gumising ako para lang sabihin ito... halos isang taon na akong nagsusulat ng mga kawalangkakwentahan dito sa blog na ito! yehey! unang post ko dito ay september 3 kaya lang dahil may panata akong di muna magoonline for a few days starting tomorrow, (na sana ay matupad ko) ay ngayon ko na lang ipopost ang aking pagbati sa aking sarili ng happy blogsary! yahoo!

para icelebrate ang blogsary ko, magpopost ako ng matino dito. itong ipopost ko ay nanggaling sa aking pribadong bloggy.

---

july 30, 2006
paggising

sa paggising ko, tinignan ko ang orasan. 5:46 ng umaga. tumingin ako sa kaliwa, ngumiti at sinambit ang “happy birthday!!!” ng nakapikit pa ang isang mata at ma-plema pa ang boses. ngumiti siya. “salamat anak.” isinukob ko siya sa aking kumot at sabay inakap namin ang isa’t isa.

habang inaakap siya, naalala ko nung bata pa ako…

ilang taon ang nakalipas, para makatulog, kinakantahan niya ako… “always keep a little prayer in your pocket” sabay magbubulukol ako sa kumot dahil tutulo ang munti kong luha na ayaw kong ipakita sa kanya. ayaw ko kasing umalis siya papuntang opisina bago ako magising. minsan nga, inaakap ko pa siya ng mahigpit. inaasahan na sa aking mahigpit na yakap ay di siya makakaalis.

ilang taon ang lumipas, ako naman ngayon ang unang nakakaalis bago siya magising. bigla kong naisip, siya naman kaya ngayon ang naghahangad na makita ako sa paggising niya? kaya ba gusto niya akong yakapin tuwing gabi?

ilang taon ang lilipas, di na namin makikita ang isa’t isa sa aming paggising. sa panahong iyon, marahil may kinakantahan na rin ako ng sarili kong hele. nangingilid ang luha pagka’t alam na sa umaga ay iiwanan ang aking munting anghel bago magising at naiiyak dahil kailangang kumawala sa kanyang munting bisig tuwing umaga. katulad ng aking ina.

---

quarter-life crisis

dati ko pa iniisip na i'm going through a stage in my life tapos kanina ko lang naisip kung ano ang pwedeng term at ang naisip ko ay "quarter-life crisis." siyempre halata namang kinuha ko yan from the term "mid-life crisis."

then, naisipan ko siyang i-google at *tadan* may results. meron palang ganon talaga. heto ang sinasabi sa wikipedia...

"is applied to the period of life immediately following the major changes of adolescence, usually ranging from the ages of 21 - 29."

though di pa ako 20 man lang... malapit na rin naman. in a few weeks time di na ako teen ager. huhuhu! pero feeling ko talaga pinagdaraanan ko ito... heto daw ang symptoms ng quarter-life crisis:

(check) confusion of identity
(check) insecurity regarding the near future
(check) insecurity regarding present accomplishments
(check) re-evaluation of close interpersonal relationships
(check) disappointment with one's job
(check) nostalgia for college life
(check) tendency to hold stronger opinions
(check) boredom with social interactions
(check) financially-rooted stress
(check) loneliness


kita niyo naman lahat may check. hehehe! ayun kaya dahil ako'y nasa panahon ng krisis... bawal magkasakit. labo!

Wednesday, August 30, 2006

outreach: the reaching out

outreach namin ngayon sa enggsoc kaya absent ako sa pagsit-in sa eee8 lecture... haha! labo! ayun, sa tambayan kanina, naglipat kami ng pansit from bilao to styro. ang daming pagkain! tipong parang may army ng pansit na nasa styro at tower ng sandwich sa mga lamesa! sa dami nga ng sandwich ay meron kahit members!!! hahaha!

after nun, nagisip kami ng mga games for sixty kids. unang naisip siyempre ay ang "the boat is sinking" after niyan... halos puro nakakaloko na yung suggestion.

(suggestion 1) sagidi-sagidi-sa-popo: siguro kinabukasan na... hindi pa rin umaabot sa pangsampung bata!!!
(suggestion 2) bring me: imagine 60 kids nagdadasaan papunta sa m.c. shieeeet! choas!
(suggestion 3) longest line: so san naman aabutin ang linyang yan?! sheeesh!
(suggestion 4) palayok: ang laman ng palayok ay yung pagkarami raming sandwich! hahaha! [it's raining bread... alleluya! it's raining bread... amen!]
(suggestion 5) sack race: wala kaming sako tapos sabi nung isa kong orgmate yung lalagyanan na lang daw ng loaf bread... kasya naman daw dun siguro yung mga bata! hahaha! ano sila fetus?! suskoooo!

pagkatapos ng nakakagagong session na ito, dumating na ang 2:00 at ayun, sumakay na kami ng inarkilang jeepney papunta sa orphanage. pagdating dun, di pa ready yung mga kids kasi may iba pang org na naghahandle sa kanila. tamang tama naman para makapagset-up kami.

ilang sandali after ng set-up nagsimula ng dumating ang mga kabataan. ang cucute nilaaaaaaaa! lalo na yung 3 little girls with the same little dresses! hehehe! cute cute! naramdaman ko nanaman ang pagnanais ko na magkaron ng kapatid... *sigh*

nung medyo marami rami na sila, nagsimula na kami ng "program" na di na rin nasunod dahil napakakulit ng mga bata!!! hehehe! pero ayos lang dahil bata naman sila. sobrang di namin sila makontrol. tipong takbo sila ng takbo tapos parang lumalaki yung ulo ko pag umaakyat sila sa kung saan dahil feeling ko lagi mahuhulog sila... woaaaahhh! tapos ayun, may isang bata... binasa yung name tag ko tapos sabi sa akin...

bata: "ate ate! pangalan mo ba ate helen?"
ako: "oo... galing mo naman! nabasa mo name ko!"
bata: (smile) "ate alam mo ba dati may social worker dito dati na ang pangalan ay ate helen rin?"
ako: "talaga?! hehehe! ang galing naman nun!"

ang galing noh? pero ayun, napaisip ako nasan na kaya yung helen na yun... tapos naisip ko siguro nangibang bansa na at nagnars... pero ayun naamaze rin ako na alam niya yung terminong social worker kahit parang 7 years old pa lang siya. ako nalaman ko na lang yan nung grade 5 ako! wahahaha!

mga 5:00 na kami natapos. grabe! kapagod! naramdaman ko nanaman yung pagod ng pagbabantay ng mga pinsan kong bata... pero masaya naman ang pakiramdam. kumbaga... wala yung pagod sa naidulot na kabutihan.

Tuesday, August 29, 2006

napapagod na ako

sa totoo lang, napapagod na ako sa sarili ko. sobrang tamad ko kasi at napapahamak talaga ako ng katamaran ko. siguro kung di ako tamad, masipag ako! hahaha! seryoso na... siguro kung di ako tamad, maraming bagay ang hindi nangyari. pero siyempre, hindi ko na mababawi yun. all i can do is learn from my mistake. yun nga lang, ilang beses na ako nagkamali, di pa rin ako matuto. kaya yun nga napapagod na ako sa sarili ko.

tapos may nangyayari pa ngayon na nakakaewan. hindi ko talaga alam kung paano ihandle ang mga ganong klase ng sitwasyon. tipong ayaw mo ng isipin pero andun pa rin. tipong ayaw mo paapekto pero naapektohan ka. ang hirap! ang hirap talaga!

pero ayun i can't afford to be like this right now at despite all these naman ay may mga tao pa rin na nagpapasaya sa akin.

Monday, August 28, 2006

just wrong

im not really into these kind of stuff but gonzales' arguments are just really wrong. ahck!

here is what my friend has to say about his statements... [Sentimiyento]

and these are the lines i like the best because they were somewhat funny... hehehe!

1) I will not be surprised if they will go to school with only their books, nothing more,” he said.

Natatawa lang ako pagkat minsan nga walang dalang libro ang mga mag-aaral kung pumapasok.

2) Asked what school he graduated from, Gonzalez replied: “University of Sto. Tomas... that’s why I am well-behaved.”

... but seriously, he should have just kept his mouth shut because obviously, he didn't know what he was talking about. tsk tsk! and to think he's the justice secretary?! huwaaat?!?!?!!!!!

Friday, August 25, 2006

to where you are

Who can say for certain
Maybe you're still here
I feel you all around me
Your memory's so clear
Deep in the stillness
I can hear you speak
You're still an inspiration
Can it be

That you are mine
Forever love
And you are watching over me from up above
Fly me up to where you are
Beyond the distant star
I wish upon tonight
To see you smile
If only for awhile to know you're there
A breath away's not far
To where you are

Are you gently sleeping
Here inside my dream
And isn't faith believing
All power can't be seen
As my heart holds you
Just one beat away
I cherish all you gave me everyday

'Cause you are my
Forever love
Watching me from up above
And I believe
That angels breathe
And that love will live on and never leave

Fly me up
To where you are
Beyond the distant star
I wish upon tonight
To see you smile
If only for awhile
To know you're there
A breath away's not far
To where you are
I know you're there
A breath away's not far
To where you are

...to my lola on her birthday, i miss her

love moves

tulad ng sinasabi sa kanta, "love moves in mysterious ways" hops! tandaan natin na God is love. hehehe! bakit ko naman nasabi na "God moves in mysterious ways?"

[intro: sa totoo lang, malungkot talaga ako ngayon. hindi ko alam kung dahil lang ba magiging "ber" months na o sadyang pinapalungkot ako ng ilang bagay. di nga ata halata kasi tawa lang ako ng tawa. adik talaga.]

nasabi ko ito dahil...

1) bigla kong nakausap ang aking mga mga long lost friends. sina relia at joanne. tapos ayun, nakakatuwang balikan ang aming mga good old days as freshies and sophies. daming kabalbalan na pinaggagagawa. tapos ayun kahit na sobrang tagal na naming di naguusap parang wala pa ring pinagbago. sobrang miss ko na kaya sila at gusto ko silang makitang muli... hay kailan kaya yun?

2) minsan nakakatuwa na kahit di ka nagsasabi sa kaibigan ay nararamdaman nila na may problema ka. ayun nung naglalakad kasi ako sa may beta way, medyo napapaisip ako sa aking problema tapos bigla kong nakita sina angel at denise from afar. eh di siyempre hinanda ko na ang aking ngiti. tapos hindi ko inaasahan na sabihin nila kahit pabiro lang na "tol, pasensiya ka na ah, hindi ka namin matulungan sa problema mo..." sobrang natuwa ako nung sinabi nila yun.

3) kahit feeling ko sobrang dami ko ng kaibigan, patuloy pa rin ang pagbigay Niya sa akin ng mga panibagong kaibigan. minsan talaga, makakatagpo ka ng mga taong kahit bigla mo lang nakausap ay parang matagal na kayong magkakilala. minsan naman, may mga taong hindi mo nakakausap dati dahil takot ka sa kanila tapos bigla ka nilang kakausapin at sasabihin mo sa sarili mong, "bakit ka nga ba natatakot sa kanya eh ok naman siya?" basta kahit papano ay gumagaan ang pakiramdam ko pag may mga bago akong nakikilala.

sana dahil sa mga dahilang ito at marami pang ibang dahilan ay matapos na ang nararamdaman kong kalungkutan. yehey!

Tuesday, August 22, 2006

tag

Once tagged by this entry, write a blog entry of some kind with six random facts about yourself. In the end of it, pick six of your friends and tag them! (No tag backs). This explanation must be included, of course. (from kuya *e** -> kilala mo na rin kung sino ka!)

1) nung bata ako ay pinagaral ako ng aking mga magulang ng ballet at piano. sa ballet umabot ako sa black level pero nung lumipat ako ng ballet school, bumalik ako sa blue level (di ko na alam ang tawag sa corresponding levels). pinangarap kong maging isang prima ballerina (tulad ng sabi ko sa dati kong post). sa piano naman, ang huling piyesang natutunan ko ay "don't cry for me argentina" para sa contemporary piece at "fur elise" na simple lamang at walang complicated part para sa classic. ayaw ko talaga ng piano kaya di ko pinangarap maging isang pianista pero ngayon ay nakikita ko na kung bakit ako pinagaral ng aking mga magulang.

2) ako yung tipo ng tao na pag di nakikita ang remote ay nafrufrustrate kahit alam ko naman na pwedeng pwede kong pindutin ang mga button sa tv mismo. pag wala akong mapanood, lipat lang ako ng lipat ng channel hanggang sabihin sa akin ng nanay ko na "alam mo anak, nasusuka na ako." minsan naman, nagsisimulatenous tv watching ako. tipong pag commercial sa isang channel lilipat ako. mga signs daw yun ng pagiging tv addict na totoo nga naman. ako'y isang tv addict. di ako mabubuhay ng walang cable. tv ang pampatulog ko. tv ang panggising ko. tv ang buhay ko! hahaha!

3) meron akong 3 pinsan na second at first cousin ko at the same time. paano nangyari iyun? kasi nanay ko ay first cousin ang tatay nila (second cousin part). tapos yung tatay ko naman, kapatid ang nanay nila (first cousin part). sabi ng iba, pwede na daw akong magpose na kapatid nila kasi masyado kaming related na halos magkamukha na kami. meron nga akong picture sa kanilang sala at akala ng mga kaibigan ng pinsan ko ay may pang-apat silang kapatid!

4) may hika ako nung bata pero dahil sa magaling kong pediatrician (na nung tumanda ako ay nalaman kong alumna ng school ko at kapatid pala ng dati naming principal) ay na-outgrow ko siya. dahilan rin ito kung bakit ako laging nasa ospital nung bata. sanay na akong ma-dextrose-an at kwento ng nanay ko ay naturukan na rin daw ako ng dextrose sa may noo kasi baluktod daw yung ugat ko sa kamay at nahihirapan ang mga nars na ilagay ang dextrose doon. hanggang ngayon ay pumupunta pa rin ako ng pediatrician kahit mga kasabay ko na sa check up ay mga 1 - 7 years old. hahaha! tapos ginagawa akong example na "brave kid" sa injection ng pedia namin. kamusta naman!

5) idol ko si geneva cruz nung bata. panahon ito ng smokey mountain. paborito ko daw noong kantahin ang "kailan." kung tama ang pagkakatanda ko, gusto ko ring makasali sa smokey mountain pero di ko alam kung papano. hahaha! ang amazing sa impormasyong ito ay later on nirevive ng paborito kong banda ang kantang gusto ko noong bata. anong banda ito?! eh di make (moonstar) your momma proud! hahaha!

6) ang tatay ko ay isang artist. ang nanay ko ay isang accountant. kung bakit ako nag-compsci, hindi ko rin alam! hahaha! pero gusto ko talagang maging isang chef balang araw. (ang lapit talaga sa compsci) actually gusto kong matuto magluto ng pastries. kim san soon kung baga! hahaha! kung paano ko ito magagawa, hindi ko alam pero alam kong kailangan ko siyang magawa para maging tunay na maligaya sa aking buhay.

ito na ang mahirap na part... sino ang itatag ko eh konti lang ang nakakabasa nito?! at sa konti ng nakakabasa nito, iilan lang ang may blog! hahaha! isa na lang... si fleur (so dapat ba isang random thing lang ang sinulat ko? hahaha! yaan na... fun naman!)

di ako pinayagan

hay nako! di ako pinayagan manood ng launching ng choir ng aking kaibigan. nakakapangasar! matagal kong inaasahang makakapanood ako ngunit ngunit... di ako pinayagan... huhuhu!

kaya ayun, nagtext na lamang ako sa kanya ng sorry at godbless at advanced congratulations sa although i really wanted to be there cause i knew how important that event was for her and i really wanted to be there to support her.

sayang talaga... sana may next time at sana payagan na ako sa next time na iyan.

(to fleur kung nababasa mo man ito... sorry and i hope your performance was a success)

Sunday, August 20, 2006

philippine idol

last year ko pa narinig na magkakaroon ng philippine idol. inantabayanan ko ang pag-air niya hanggang nung july nga eh nilaunch siya sa abc-5.

nagkataon na may family gathering kami nung first episode. tapos habang nanonood kami, pinaglololoko kami ng mga kamaganak sumali daw kami ng pinsan ko. kamusta naman di ba?! pinsan ko carry pa niya. halimaw boses nun eh pero kung ako ang sumali... eh di nilamon ako ng mga boses nila. hahaha!

anywho, sino naman kaya ang mananalo dito? gusto ko sana lalaki para dumami naman ang lalaking singer na magaling sa ating bansa. puro na lang kasi babae eh. nakakasawa na. parang puro na lang sila sigaw.

may world idol pa kaya?! manalo kaya ang philippine idol kung sakaling may world idol? hahaha!

sa susunod pag meron ng final 12, saka ako pipili ng mga tingin kong mananalo. pero usually natatanggal ang pinipili ko sa american idol so kawawa naman ang mapipili ko. hahaha!

Thursday, August 17, 2006

meetings

grabe! ang daming meeting ngayong araw... pero ok lang kasi manageable naman...

meeting 1: cs volcorps (1:00 pm)
onoes! ang daming kailangan gawin for student-teacher dialogue. parang di ako karapa't dapat dun. pero ayun sana kayanin namin ni angel ang mga tasks. tapos ayun magiinventory kami sa saturday at sa monday. binanggit na magdala daw kami ng gamot kung may allergy daw kami sa alikabok. may allergy nga ako dun pero di ko alam kung ano ang gamot ko! hahaha! ang alam ko lang 'atsing' ako ng 'atsing' hahaha!

meeting 2: acoustic jameng'g (2:00 pm)
bukas na ang event at di ko man lang na-feel na parte ako ng committee na ito. palagay ko kasi kaunti lang ang nagawa ko. paano ba naman, laging may kailangan akong gawin pag nagmeemeeting. pero gusto ko naman talaga tumulong lalo na at si denise ang isa sa mga heads dito! as the wrong saying goes... what are friends are for... hahaha!

meeting 3: eng'gsoc choir practice (after meeting 2)
ayun kaunti lang kami nakarating pero astig ah! ang bilis namin natutunan ang alto part ng up naming mahal! wahahaha! oh yeah! alam ko na ang school anthem yun nga lang hindi yung tono talaga so kung narinig niyo akong nagkakakanta ng up naming mahal, maweiweirduhan kayo at sasabihing 'sintonado ata itong si helen' hahaha!

meeting 4: acm council (5:00 pm)
as usual ay nagmeeting nanaman ang konseho ng acm. kakaiba nga ngayon dahil on time sila! hahaha! dati kasi, x-minutes after nung pinagusapang oras dumarating ang iba habang ako ay on time. ngayon baliktad na! hahaha! ako naman ang late pero mga 5 minutes lang naman. hehehe! mabilis lang naman natapos ang meeting.

meeting 5: wala na!
hahaha! parang bitin lang kasi kaya naglagay ako ng 5. feeling ko dapat laging odd-numbered lahat ng enumeration na nagaganap or kung di man odd, dapat divisible by 10. ay! ay! bukas may meeting nga pala ang acm fincom. ahck! so bali ito na ang icoucount ko as 5th kahit di naman siya today. hehehe!

oh well, dahil wala na akong magawa magpopost na lamang ako ng survey na napulot ko sa bulletin board ng friendster. ehehehe! (nagiging hobby ko na ata ito!!!)

A - AVAILABLE?
=> since birth. hehe!

B - BEST SPORTS?
=> what else but swimming or anything related to water.

C - CRUSH?
=> too many to mention.

D - DOGS NAME?
=> scooby dooby doo!!! (we don't have dogs)

E - EASIEST PERSON(s) TO TALK TO?
=> friends of course

F - FAVORITE COLOR(s)?
=> green and orange at the moment

G - GUMMY BEARS OR GUMMY WORMS?
=> gummy bears but they're kind of weird don't you think?

H - HOMETOWN?
=> cainta, been here eversince i could remember

I - INSTRUMENT?
=> a little piano only and recorder

J - favorite JUICE?
=> mango and four seasons

K - KIND OF MUSIC?
=> mellow and party-ish. actually anything that won't lead to eardrum explosion.

L - LONGEST CAR RIDE?
=> from manila to baguio

M - MILK FLAVOR?
=> does milk have flavor?!

N - NUMBER OF SIBLINGS?
=> nada

O - ONE WISH?
=> happiness

P - PHOBIA?
=> death

Q - FAVORITE QUOTE?
=> "Life is not the amount of breaths you take, it's the moments that take your breath away." - from Hitch (yeah! still addicted to the dialogues in this film)

R - REASON TO SMILE?
=> you made someone happy

S - SONG YOU LAST HEARD?
=> Para Sa Akin - Sitti Navarro

T - TIME YOU WOKE UP TODAY?
=> 7:00 in morning.

U - UNKNOWN FACTS ABOUT ME?
=> i still sleep in my parents' room! hahaha!

V - VEGETABLE YOU DON'T LIKE?
=> ampalaya.

W - WORST HABIT?
=> postponing tasks

X - X-RAYS YOU'VE HAD?
=> lost count... i'm too accident prone! hahaha!

Y - YUMMY FOODS?
=> anything grilled and desserts especially chocolates!

Z - Zodiac sign?
=> scorpio

Sunday, August 13, 2006

me break

kanina pa ako sa paggawa ng machine exercise sa cs150 at sa totoo lang natutuyot na ang braincells ko. di ko talaga maintindihan ang nagaganap. kaya ito, sinunod ko ang payo ng isang kaibigan at kumuha ng break.

grabe... paano kaya ako nito bukas... pihado paantok antok nanaman ako sa klase. tapos pag nakita ako ni sir romar, tatawagin nanaman niya ako at ipapahiya. hahaha! i know the drill.

--

ayan tapos na. nako! maraming salamat sa mga sumusunod na mga tao: arvin, dc, dy at rj! yehey! ang daming pinagtanungan ano?! pero ayun... maraming salamat sa inyo! :D

Friday, August 11, 2006

adik

alam mo ba yung pakiramdam na bigla ka na lang ngingiti sa isang mataong lugar dahil may naalala kang nakakatuwang pangyayari tapos sasabihin sa iyo ng kaibigan mo "hoy! anong nginingiti-ngiti mo diyan?" tapos di ka sasagot at sasabihin na lang sa iyo nga kaibigan mo "adik ka no?" pero ang totoo lang naman ay may naalala kang masayang kaganapan.

kung nangyari na ito sa iyo, pareho tayo! naalala ko lang kasi nangyari (ulit) ito sa akin kanina. ewan pero yung ibang tao nahihiya pero ano ba ang dapat ikahiya eh sa masaya ka eh! haha! at dapat lang na maging masaya sa mga panahong padagsa na ang mga exams. ito rin ang dahilan kung bakit kami biglang napasakay sa philcoa at napakain sa jollibee at nagkwentuhan ng mga kabalbalan.

minsan talaga, masarap magpakaadik. hindi yung masamang klase ah. yung wala ka lang ginagawa kundi maging masaya kausap ang mga taong gusto mong makausap. hehehe!

Wednesday, August 09, 2006

sinisipag ako

lately, medyo sinisipag akong magaral at masaya ako dahil kailangan kong sipagin. marami na kasing upcoming exams and deadlines. actually bihira lang ito mangyari sa loob ng isang semester pero sana ay magtuloy-tuloy na para naman matino ang grades ko ngayong sem.

siguro, isa rin sa dahilan kung bakit ako sinipag magaral ay dahil tinanong ako ng nanay ko kung gusto ko daw lumipat ng school (dahil mukhang nahihirapan na daw ako) part of me wanted to say yes kasi naman totoong nahihirapan na ako. parang di ako makasabay sa mga classmates ko. parang ang bano ko talaga! hehehe! pero siyempre, ayaw ko rin naman magtransfer ng school kasi ang dami ko na rin napuhunan. third year na ako tapos may maiiiwan rin akong mga kaibigan.

hayyy. ewan. bakit pa kasi compsci ang pinili ko eh! bahala na. marami pa namang direction ang pwede kong itake after graduating but definitely, i won't get stuck in cs world. it's sooo not meee.

Thursday, August 03, 2006

binat

and i quote from the preceding post (event one heat one) "muntik pa nga ako di makaattend kasi kakagaling ko lang ng lagnat kahapon." at ang resulta... binat! haha! i expected na bibinatin ako kahapon pero akala ko madadaan ko sa gamot ang lahat. ngunit nagkamali ako. kaya ngayon ay nagkasakit ako. dapat nga ay di ako nacocomputer dahil lalo akong bibinatin pero wala akong magawa dito sa bahay at gusto kong pumasok! sheesh!

anywho... yun lang. saklap ng buhay! wahahaha!

Wednesday, August 02, 2006

event one heat one

kanina ay ang anticipated na first competition ko ever sa swimming. hahaha! muntik pa nga ako di makaattend kasi kakagaling ko lang ng lagnat kahapon. hence, di ako nagpaalam sa aking magulang kasi alam kong di nila ako papayagan. so pano ko napuslit ang gamit-panglangoy ko?! well, skill yan! wahahaha!

medyo nakakakaba na nakakaexcite. buti na lang i had an idea kung gaano kagagaling ang makakalaban ko. nakapanood na kasi ako ng uaap ng swimming nung 1st year dahil required sa swimming class. hahaha! siympre expect the worst. so ayun, dahil alam kong posibleng ganon sila kagaling, i knew where to place myself. sabi ko sa sarili ko, basta matapos mo lang yan ng pinakamabilis na kaya mo, kahit di mo sila masabayan.

so ayun na nga, nasa pool na kami and nag-lapping (kuno). dumating na ang iba pang swimmers. siyempre may mga magagaling. mga varsity ata yung mga yun!!! hahaha! para di kabahan, inisip ko na lang na hindi isa sa kanila ang makakasabay ko.

event 1, heat 1, 50 meters female. shiet! ako na ito! waaah! (first whistle) go to places. shiet! kasabay ko ang dalawang magagaling! waaaah! bakit hindi na lang ako heat 2?!?!?! bahala na. (second whistle) akyat sa diving board. shiet! di ko kaya! dito na lang ako sa baba. ("handaaa") diving position. baka puplakda ako! wahahaha! tagal tagal ko na di nagdidive. shiet! malapit naaaa! this is it! (3rd whistle) dive! good! di pumplakda! kahiya naman kung pumplakda. ok! 1, 2, 3, 4, breathe! 1, 2, 3, 4, breathe!..... tagal matapos. walang katapusan. pagod na ako! 1, breathe! 1, breathe! ayan na! nakikita ko na ang katapusan! malamang nauna na sa akin kasabay ko! pero sige lang basta matapos. (touch the ledge) bubbles. bubbles. bubbles. the timer asked me... "ano po name?" ang sagot ko... "huh?!" hahaha! wala na sa sarili. sobra sa nakakapagod. anyway. naulit ito sa relay (event 5, heat 1 kami) except dun sa part na tinanong ako kung ano name, hehehe!

pero ayun. ang gagaling ng mga kasama ko. si ino na aking idol! whooo! kung di dahil sa kanya, hindi kami magiging second sa relay (na dapat third). si celene na 2nd sa 100 meters heat 1 yeah!!! galing galing! si jherix na kahit pinulikat ay tuloy pa rin. at si joyce at chinkee na full support kahit di nakalangoy! yey!

masaya ako nung umuwi kami kahit di ko alam kung ano kinahinatnan ng paglangoy namin at alam kong bano ako. hehehe! masaya lang talaga lumangoy (at matulog pagkatapos). pero mas sumaya ako nung nagtext sa akin si celene na overall, second daw kami! whooohoooooooo!!! ang saya!