Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Friday, November 30, 2007

sing till you drop

kahit nagkakagulo na sa pilipinas, tuloy pa rin ang pagprapractice sa awitan. hahaha! yun nga lang ay na-cutshort na rin ng dahil sa walang organ at sa curfew. napakagaling! pero sakto lang naman dahil this means more time for karaoke night!!! yahoo!

so there, karaoke at steph's house together with angel, arvin, dy and of course reggie (the magic sing owner!) hehe! pagdating sa bahay ay nakita uli namin si lola oyang. hehehe! masaya na uli si steph!!!

karaoke night started with reggie singing his trademark song "can you feel the love tonight" hahaha! hanggang ngayon ay naniniwala akong may modus operandi si reggie kaya laging mataas nakukuha niyang score. nyahahaha!

hindi pa nakakalipas ang ilang saglit, nakahiga na si angel. hahaha! hulaan niyo kung sino unang natulog... pero in fairness inabot pa naman niya ang magic sing game kung saan wala kaming alam na kanta at nabobo ako sa pagbasa ng "A Team and B Team."

ay mapuwera nga pala sa isang kanta na alam ng mga nakakatanda naming mga kasamang sina dy at arvin. hahaha! akala mo ang laki ng tinanda nila eh. sila ang matatawag na king and queen of karaoke. kasi itong si arvin ay alam halos lahaaat ng kanta ultimo intro ay kinakanta pa rin. ito naman si dy ay reyna dahil ayaw papigil sa pagkanta. alas quatro na at tuloy pa rin sa pagkanta. hahaha! kung di pa kami humiga, siguro hindi siya titigil sa pagpipindot for a next song. wahahaha!

the following day naman ay practice na ulit for awitan. grabe NAKAKAPAGOOOOOOODDD!!! pero fulfilling naman pag naririnig mong tumatama yung kinakanta nila. hahaha! sana dumami ang tamang kinakantang tama. wahahaha!

kaya ayan puro kanta ginawa ko sa mga nakalipas na araw at isang himala na may boses pa rin ako hanggang ngayon. hahaha!

Tuesday, November 27, 2007

major in music

ngayon pa lang ay nagpapanic na ako. hahaha! kasi parang ang bagal ng usad namin sa pagprapractice for awitan and ilang araw na lang ay awitan na nga... hahaha!

still natutuwa pa rin ako sa mga awitaners kasi kahit ang sabog ko magturo ay ay napipick-up pa rin nila kahit papaano. hahaha! meron na rin kaming nahanap na lugar na pwedeng pagpractice-an. ang masasabi ko lang, maganda ang acoustics dito. WAHAHAHA!

sa ictus naman ay marami akong natutunang mga bagong kanta. hahaha! kung dati ay yung caroling medley lang ng mga batang nangangaroling ang alam ko, ngayon nadagdagan na! whooo! hahaha! sa ngayon, favorite ko yung paglamig ng hangin kasi tumitindig balahibo ko tuwing kinakanta to as a whole. wahahaha!

hay grabe! feeling b.s. org, major in music tuloy ako ngayon. WAHAHA! nakakatawa nga pinsan ko, akala niya music major na talaga ako kasi nageencode ako sa noteworthy nung isang araw ng piyesa namin sa awitan. come on! hahaha!

Sunday, November 25, 2007

third eye

weird! sabi ng nanay ko may third eye daw ako nung bata. hahaha! lagi daw kasi akong may sinasabing taong nakikita pero di naman niya nakikita. tapos meron din daw siyang kakilala na tinignan yung palad ko tapos may nakitang diamond which means malakas daw ang pakiramdam ko sa mga ganong bagay.

hahaha! nung sinabi niya ito sa akin naexcite ako kasi para na rin niyang sinabing may "powers" ako. wahaha! feeling super hero. pero sabi ng nanay ko "ay nako ah! wag mo ng balakin iexplore yan." hahaha! eh wala rin naman akong balak kasi naduduwag ako. asong umaatungal nga ay nacreecreepy-han na ako yung makakita pa kaya ng mga supernatural beings...

Saturday, November 24, 2007

b.s. org

awitan practices has finally started last friday. nung very first meeting namin (na natuloy...) muntik na akong maiyak sa enthusiasm na nakita ko from the members. sheet! wahaha! ang melodramatic ko na talaga. hahaha!

ayun so for the first day of practice, we had sab to teach us. yehey for hyper teacher sab. come on. may class siya from 4-6 pero from 6:30 til 9:00 ay hyper-hyperan siya. kamusta naman? hahaha! pero ayun buti nakuha namin si sab to teach us kasi magaling talaga siya magturo. as in tipong kahit hyper siya ay papakinggan mo pa din. nyahaha!

the following day (which is kanikanina lang), ay nagCLA naman ako. hehehe! it was nice to see the kids again. super story telling ulit kanina at lumabas ang pamulatan powers ko. haha! pero nabother ako dun sa isang bata kanina. kasi paiyak na siya tapos tinanong ko kung bakit. nawala daw kasi yung lapis niya at baka daw mabugbog siya ng nanay niya. di ko alam gagawin ko. umuwi na kasi lahat ng bata kaya di ko na mahahabol kung sino man yung nakakuha nung lapis niya. wala rin naman akong lapis para ipangpalit sa nawala niya. kaya sinulatan ko na lang nanay niya. ewan ko kung bakit yun ang ginawa ko. basta sana hindi siya nabugbog o kung ano man...

hay grabe! tulad ng sinabi ko dati, kahit medyo napapagod ako sa mga pinaggagagawa ko, ok lang dahil gusto ko naman...

Tuesday, November 20, 2007

exhausted

im perplexed. i only have 9 units pero sobrang pagod ako when i get home. kahapon pagdating sa bahay ay tulog agad. grabe talaga. wala naman akong ginagawa for the most part of the day. ang labo talaga. to think di pa nagsisimula ang practices for awitan at wala na akong energy. come on! hahaha!

tinutuloy ko pa rin ang aking book reading hobby pero shiet ang bagaaal ko talaga magbasa. hahahaha! yung pang young adult book na hiniram ko kay maryann di ko pa rin tapos basahin. nafeefeel ko kasi ang pagod lalo pag nagbabasa ako. bigla na lang akong inaantok. kaya pala sa movies/series nagbabasa mga tao bago matulog kasi nakakaantok.

pero grabe talaga. lagi akong pagod. di kaya dahil sa unhealthy ako? wala na kasi akong exercise. ang pinakaexercise ko na ay lakarin ang cs bldg hanggang engg tapos engg hanggang chapel. yun na. wahahaha! dapat talaga nag p.e. ako ngayong sem. tsk!!!

Sunday, November 18, 2007

after lunch

after extended family meals, female specimens of our family usually have spontaneous chats. topics could be anything from the latest showbiz chismis to their childhood memories. kanina napunta sa mga hardest times sa buhay nila.

my mom shared that the hardest time during her life was when she was asked to abort her pregnancy with me kasi she had spottings and parang dangerous na daw ang pregnancy. iyak daw sila ng iyak ng dad ko when they learned that. pero eventually ayan niluwal naman ako sa mundo at meron silang sakit sa ulo. hahaha!

tapos biglang sabi niya...

"si ace ba? ano ang hardest time sa buhay niya?"

when she said that, the first thing that came to my mind was when i had my arm injury. nahirapan kasi ako both physically and emotionally. and as almost anyone who had something like this happen to them would say, mas nahirapan ako sa emotional pain. hehehe! but here i am. nalagpasan ko rin naman and i think i became a stronger person after what happened. naks! drama moments.

but for my mom, iba ang hardest time daw sa buhay ko. ito daw ay yung time na may nalaman ako about a certain friend at nasaktan daw ako ng sobra. ang nagawa ko na lang ay batuhin siya ng cornik na kinakain namin. wahahaha! akala ko talaga nakalimutan na niya ito totally but turns out, she was just looking for a time to tease me about it. wahahaha!

but honestly, oo nasaktan naman talaga ako nun. dinedeny ko lang sa nanay ko kasi siyempre nanay ko siya. labo! pero sabi ng tita ko, kahit gaano ko daw ideny, more or less, alam daw ng nanay kung may pinagdadaanan ang anak.

weird kasi alam ko na in concept yung sinabi ng tita ko pero kanina ko lang talaga napatunayan na totoo yun. as in dama ko talaga ang pakikiramay ng nanay ko sa naganap. hehehe! wala lang. just one of those nice moments with your mom.

Thursday, November 15, 2007

porenger

thanks to david, maryann and denise, i now know an austrian! his name is florian and groupmate nila siya sa 165. siyempre umepal nanaman ako sa group meeting nila. hahaha! akala nga niya groupmate ko sila...

florian: are you our groupmate?
helen: no, i'm just their friend... hehehe!

more nosebleed moments...

nosebleed moment 1
helen: just try to make your project small because when it is big, it would be hard for you guys.
florian: (natatawa) naturally...
grabe! parang ang stupid lang talaga ng sinabi ko! wahahahaha!

nosebleed moment 2
denise: do you speak tagalog?
florian: no.
denise: so english lang talaga?
florian: *what did she say look*
benta! go denise! one sem with him at fluent ka na talaga sa english!!!

nosebleed moment 3
david: irene knows how to speak in german. irene, kausapin mo in german!
irene: (german greeting of hello or something)
florian: (complicated german sentence)
irene: huh?! anong sinasabi niya...
scaryyy. hahaha! the deal is we teach him tagalog he teaches us german!

nosebleed moment 4
*introducing pepz to florian*
david: florian, this is pepz.
pepz: *extending his hand* hi i'm your friend...
wahahaha! super friends agad!!! come on!!!

nosebleed moment 5
florian: i only know two tagalog words...
(lahat iniisip kamusta or salamat)
florian: one is "bayad po"
florian: the other is "para po"
makikita dito na ang concern niya ay makasakay ng jeep ng maayos. hehehe! cool.

ISANG MALAKING GOODLUCK kina david, denise at maryann. hehehe! i'll give you tissue for christmas!!!

Monday, November 12, 2007

new hobby

FOUR HOURS
AND
THIRTY MINUTES...


this is how long my break is every monday and thursday this semester. hahaha! ang habaaaaa. dahil diyan, naisipan kong magkaroon ng bagong hobby. ito ay ang pagbabasa. grabe! kahit ako di makapaniwala na naisipan ko yan dahil books have been my longtime enemy. pero lately ay naisipan kong nabobobo na ako kaya kailangan ko siguro magbasa.

at dahil sa bagong inaattempt na gawing hobby, i joined shelfari and learned something about myself. i only own ONE book. hahahahahahahahaha! pero dapat dumami na yan ngayong sem. hahaha! yes, desidido talaga ako na magtagumpay sa pagcreate ng bagong hobby. sana di ako tamaan ng ningas cogon fever... hehehe!

Saturday, November 10, 2007

mindoro oriental

when i went home last wednesday night from the acm meeting, nagulat na lang ako dahil aalis na daw kami and were off to monte vista. ohnooo! ang pagkakaalam ko kasi, thursday morning pa ang alis papuntang mindoro. pero hindi! nagdecide sila bigla na magstop-over na lang sa monte vista the night before para kaunti na lang ang ibiyabiyahe namin in the morning. so fine! tinambak ko na lang yung gamit ko dahil di ko pa naayos at nagmamadali na ang lahat umalis lalo na ang mga pinsan kong atat magswimming. hahaha!

umalis kami ng 9:00pm sa cainta at dumating ng 11:00pm sa calamba, laguna. at dahil nga gusto talaga nila lumangoy, hatinggabi na ay nagswimming pa mga pinsan ko sa pool. yes! mga pasaway lang. hahaha! 2:00am na kami nakatulog lahat then by 5:00am gising na uli, breakfast at mga 7:00am off we go to the seaport para sumakay ng ship to mindoro. ang sarap sumakay sa barko. hahaha! we were watching out for dolphins pero wala kaming nakita... sad :(

the view from the ship

we arrived mindoro oriental around noontime. sa naujan ang place ng mga nanay ko. when we got to naujan, nagsimula na ang mga kwento nila about people and places. hehehe! nakakatuwa lang. parang nabring back sa childhood nila mga nanay ko at kapatid niya.

doon kami sa naujan nagstay for 3 days and 2 nights sa bahay nina abel at afoy, mga kapatid ng lolo ko. hehehe! ang cute ng bahay nila. pangarap kong magkaroon ng ganitong bahay.


entrance to the garden

bahay kubo...

me and my cousins: (back) aaron & i
(front) maru & aica
(photographer) ica

me and the poso

nung first day, nanghuli kami ng isda at naglolokohan na yung nahuli namin ay siyang hapunan namin. hahaha! ang nanay at tatay ko ay umasa sa huli ko eh 3 lang nahuli ko kaya sakto lang sa amin ang huli. hahaha! ang kulit! dinayo rin namin ang dagat pero di kami gaano nakalangoy dahil malakas ang current. kaya ayun literal na nagpadala na lang kami sa daloy. hahaha!

come fishiees!!!

my first catch! whoohoo! ang liit!

look ma! i'm floating!!! ~ pahinga sa duyan after fishing

the following day, sinubukan namin sumakay ng dalawang bagay. una, ng bisikleta. oo, hindi ako marunong sumakay ng bisikleta... at hanggang ngayon ay di pa rin marunong. hahaha! turuan niyo ako please!!! pangalawa, ng kalabaw. pero di ko na sinubukan kasi buntis siya at baka bigla siyang mapaanak pag ako ang sumakay. wahahaha! dumalaw rin kami sa ibang mga kamag-anak. grabe! parang isang street puro kamag-anak lang namin yung mga nakatira. hahaha! ang saya!!!

kinagabihan, naglaro kami ng mga pinsan ko ng black jack kung saan nanay ko ang bangka. ang masasabi ko lang, wala na akong allowance sa naganap. hahaha! masamang maging bangka ang magulang. boohoo!

uwi na uli ng maynila ng ika-third day pero di nagtapos dito ang fun and excitement dahil habang nakasakay ng ship ay biglang may dumaan na isang kumpol ng dolphins! yahooooo! hehehe! darnit! ang cute nila. gusto ko magkaron ng pet dolphin. hahaha!


splash na lang nila ang nakita sa ibang dolphins. hahaha!

dito nagtatapos ang aking sembreak. this was a perfect way to end it. in the province with my family. awww.

Tuesday, November 06, 2007

solo act

hmmmp. grabeee! alam mo ba yung feeling na parang hindi na hihinto sa pagpintig ang puso mo? parang may kabayo sa may dibdib mo? well, naramdaman ko yan kanina.

kasi namannn!!!!! nakikikanta lang ako sa isang tabi kasi maganda yung kanta at nakikikanta rin naman yung mga katabi ko. pero ang isang malaking pagkakamali ko ay tumabi kay katkat dahil bigla akong pinansin at shet vinolunteer na ako na lang daw kumanta nun. malala sa lahat, pinatulan naman nila ang suggestion. come on. nooooooo!!! huhu! kamusta namaaaan!!! waaaaah! iscaryyyy. mixed reactions lang. wahahaha!

shet mehn. first time ko kumanta ng ganon ng mag-isa sa harap ng maraming tao. wah! at siyempre itapat pa natin na may konti akong sipon. hahaha! buti hindi ako suminghot sa gitna ng kanta kundi nabastos na yung mga nagsimba. wahahahaha!

promise! ayoko talaga ng feeling... para kasing magkakaheart attack ako anytime. hahahaha! kakaiba...

Monday, November 05, 2007

balik eskwela

balik eskwela nanaman bukas! i was starting to get bored na rin sa break... but ironically, di pa tapos ang bakasyon ko. kung bakit? abangan! hehehe!

so what am i up to this coming semester? here's my list so far...

new org.
yep! it was a few days after my birthday that i received a message from the memcom head ng ictus na i got accepted daw. hehehe! yehey! :)

caroling.
dahil may bagong org, may bago ring activity! pinagaralan ko na yung ilang songs over the break pero tinigil ko muna. sumakit kasi ang lalamunan ko tapos dahil doon ay nilagnat ako. hahaha! ngayon ko lang nalaman na pwede ka palang magkasakit dahil sa pagkanta. labo!

eng'g week.
this oddly reminds me of school fairs kasi may nararamdaman akong air of chaos sa eng'g. hehehe! besides that, this is when i get to reconnect with my orgmates sa eng'gsoc. hehehe! eng'gsoc cute!!!

awitan.
my most awaited event every year!!! yahooo. this year, disney animation ang theme. di ko pa rin alam kung ano kakantahin namin kasi wala pa kaming piyesa na napipili hanggang ngayon. still, i am very much exciteddd.

goodbyes.
oh noooo! graduating na ang batchmates ko which means so many goodbyes. yet, i'm happy for all of them kasi makakagraduate sila on time. shet! magiging yuppies na sila. hahaha! ang tatanda niyo naaaa! wahahaha! and look who's talking. funneh!

well that's my list so far. hehehe! i wish that this sem would be as fun as the last one orrr even funner (is there such a word?!)

Friday, November 02, 2007

missing my lola

nung bata ako, laging nasa trabaho magulang ko kaya ang naaabutan ko lang sa bahay ay ang lolo't lola ko. mas close ako sa lola ko dahil strict si lolo as in di ako pinalalabas ng bahay. at dahil wala nga akong kapatid, lola ko ang kabonding ko.

pag naglalaro ng mga card games sa bahay, teammates kami ng lola dahil di pa ako marunong noon. kaya ayun, siya nagturo sa akin ng karamihang card games na alam ko. tinuruan rin niya ako magsungka. madaya nga kasi minsan, nangiipit pa ng shell. wahahaha!

bukod sa mga laro, siya rin yung unang nagturo sa akin ng pagluluto. kaya siguro ganon ko na lang kagusto ang pagluluto. bukod diyan, pati pag-gagantsilyo ay tinuro rin pala niya sa akin. hahaha! sino ang ginawang domesticated?!

hay, namiss ko lang bigla ang lola ko. if i could visit one person sa heaven, siguro lola ko na yun. i really miss her and love her so much...