Earlier this week, nagtext si Jaymee. Tinatanong kung pwede daw ba kami kasi birthday ni Dy at magoovernight daw kina Steph. Si Jaymee ang nagtext kasi nawalan ng phone si Dy (Boo screen slasher person!!!) Reply naman ako na pwede ako. Siyempre excited ako kasi matagal na rin akong nastuck sa bahay at namimiss ko na ang mga tao.
Sabi ni Jaymee ito na daw ang katuparan ng "girls night out" na dati ko pa sinuggest. Di pa kasi namin ito nagagawa at para makapagbond man lang ang mga kababaihan bago tuluyang maghiwalay ng mga landas. Sa sobrang excited ko, tinatanong ko lagi ang mga tao kung pupunta ba sila sa overnight, kung ano ang plano, kung sinu-sino ang pupunta, kung ano ang gagawin, etc. Medyo malabo mga sagot nila lalo na si Dy eh siya itong may birthday at organizer. Dapat alam niya hindi ba? Kaya hindi ako mabahala therefore, lalo akong tanong ng tanong.
So Friday came. Muntik pa nga akong hindi matuloy sa pagoovernight dahil nakalimutan ata ng tatay ko na magoovernight ako sa araw na iyun. Tinanong kasi ako kung anong oras daw ako susunduin. Waaah! Eh sabi ko overnight at ipinaalam ko na naman talaga dati. Mabuti na lang at maluwag talaga sa akin at pinayagan din ako. Whew!
Pumunta muna ako ng school bago kitain sina Dy sa mini-stop kung saan daw kami magmeet na mga taga Katipunan. May aayusin kasing mga records na in the end hindi ko rin naayos. Pumunta na lang ako ng Eng'gSoc tambayan. Paakyat ako ng stairs noon at nakasalubong si Tina ng Eng'gSoc (para sa mga hindi nakakakilala kay Tina, kapwa tutor siya ni Maryann)
Helen: Hi Tina!
Tina: Hi! Punta kang tambayan? Ay oo nga! Despedida something mo pala ngayon.
Helen: Huh?! Anong despedida? Magoovernight lang kami kina Steph nina Maryann. Haha!
Tina: Ah... sige kalimutan mo na lang. Joke lang yun. (Nagmadaling umalis)
Helen: (Thinks) Ano ba itong si Maryann magkwento... ang labo! Ang labo talaga nitong overnight na ito!
Pagkarating ng tambayan, tinanong ako kung graduate na ako. And the usual conversation with my graduation went on...
Interrogator: Graduate ka na?
Helen: Hindi pa eh. Hahaha!
Interrogator: Ah so kailan ka gragraduate?
Helen: Uhmmm. (Thinks, how do I explain this...?) Kasi supposedly a year from now. Pero aalis na kasi kami kaya baka hindi ko na rin matapos.
Interrogator: Oh. Sayang naman. Anong subjects na lang ba kulang mo?
Helen: Bale thesis na lang at kaunting GEs.
Interrogator: Tapusin mo na kaya dito para at least pagdating doon may degree ka na.
Helen: Ehhh. (Can't explain kung bakit kailangan na umalis...)
Interrogator: Basta huwag kang makakalimot ah.
Hahaha! Promise ganyan talaga lagi ang takbo ng lahat ng conversation. Meron na talaga akong script. Tapos maya-maya ay dumating na si Maryann. Siyempre usap kami...
Maryann: Uy! Hindi ako didiretso kina Steph ha! Meron pa kasi akong tutor eh. Waah! Sad. Hindi ko maabutan pagkain ninyo. I'm so excited for later. Pupunta ba si Mark?
Helen: Ha? Bakit? Eh di ba Girls Night Out?
Maryann: Ay ganon ba? Hindi ko kasi alam.
Helen: (Thinks again... Bakit ang labo ng overnight na ito? Palabo ng palabo ng palabo...)
Habang hinihintay ang 4:00, nagpalipas kami ng oras sa tambayan ni Maryann. Napagusapan nanaman namin ang mga pets ni Maryann. Pero once in a while, tinatanong ko rin siya kung bakit parang hindi alam nina Denise ang magaganap. Sabi ni Maryann wala rin siyang idea, try ko daw itext. Ang problema, paubos na ang load ko. Sabi ko na lang sa sarili ko, hindi bale, malapit na mag-4:00. Malapit ko ng makulit si Dy kung ano ba talaga mangyayari at kung coordinated ba sila ni Steph. Wahahaha!
Matagal kami bago nakarating ng Mini Stop ni Maryann na dumaan rin ng Katipunan para makarating sa LRT. Naghintay kasi kami ng jeep ng Katipunan sa likod ng Eng'g but it turns out na parang wala palang umiikot na jeep. Kaya naglakad pa kami papuntang terminal.
Pasado alas quatro na rin kami nakarating. Nandoon na si Jaymee, Kristel at Dy. But of course! Decision making activity ang bumati sa amin. Anong pagkain ang bibilihin para sa Girls Night Out? Siyempre, ang sagot na laging maririnig mo ay "kayo..." In the end, Sicilian Pizza ang napili naming bilihan dahil bago siya. Hahaha! Sumakay uli kami ng jeep pabalik ng U.P. at bumaba sa may Petron malapit sa La Vista kung saan matatagpuan ang Sicilian Pizza.
Another decision making process. What to order? Antagal uli bago nakadecide. Inintay pa muna namin uli maluto ang pizza. Tapos tinext ko naman sina Denise at Angel at Steph kung ano na nagaganap. Hindi sila nagrereply. Sad. Pero after a few moments, nagreply rin si Steph. Sabi niya may ginawa siya sa bahay kaya wala pa siya sa kanila. Dahil nakakahiya namang pumunta sa bahay nina Steph ng wala siya doon, nagdecide kami na huwag muna pumunta doon kahit dumating na ang pizza. So kwentuhan na lang muna kami nina Jaymee, Dy at Kristel. Ito ang mga natatandaan kong sinabi namin...
Kristel: So ano nga ba ang ginagawa ninyo kapag nagoovernight?
Helen: Uhmmm. Gumagawa ng probset, project, group study... (Thinks, wow! Ang nerdy ng overnights namin! Or at least I thought. Nag-Prison Break Marathon nga rin pala kami.)
Dy: Sorry inaantok ako.
Helen: Ah ok lang. (Grabe itong si Dy. Kawawa naman. Nahahaggard dahil sa overnight namin.)
Jaymee: (Reads message) Nagtext si Angel!
Helen: Ano sabi? (Also reads message... "Malalate kamo" from Angel) Ano? Malalate daw siya?
Nalalanghap na namin sa mga panahon na yan ang amoy ng pizza kaya ginutom na rin kami. We decided to eat something. Nagorder kami ng dalawang klase ng pasta. Kain kain. Sakto lang naman na nung pagkatapos rin namin kumain, nagtext si Steph na pwede na kami pumunta.
Nakakuha agad kami ng taxi at kaunti lang rin ang traffic. Text uli ako kay Steph na papunta na kami and asked for directions inside Don Marcelo Don Antonio. Steph replied, "Don Jose! Just ask the guard for directions :)" Bwahaha! Mali pa.
When we finally got there, nagtext uli ako kay Steph na andun na kami. Her cousin let us in at chi-num ko pa yung cousin niya before getting in. Wahaha! Lumabas rin si Steph, tapos inescort kami to where we usually stay in their house. Pagakyat, nakita ko yung lamesa na puno ng stuff. Tapos sabi sa akin ni Steph, punta daw akong kwarto, kunin ko daw yung gamit doon. Ako naman "Huh? Anong gamit?" Basta kunin ko na lang raw. And these were my flow of thoughts...
Wow! We have a surprise for Dy! Hihihi! How exciting!!! Saan ko naman kaya matatagpuan ang gamit na yun sa kwarto? Paano ko malalaman na yun ang gamit na sinasabi ni Steph? (Opens door) Wow! DAMI CS PEOPLE!!! Are they also coming to the party? Galing! Teka! Bakit nila ako pinicturan? OHNOOOOO! IT'S A SURPRISE FOR MEEE! WAAAAH!
I know. I'm so dense. Ang dami na kayang nadulas... pero seriously THANK YOU GUYS! I WAS REALLY, REALLY TOUCHED! Di ko ito sinabi pero matagal ko ng pangarap na magkaroon ng surprise party. Wahahaha! Ang masasabi ko lang, UP ANG GALING MO! Buti natago ninyo ito. Thank you talaga. I really appreciate each and everyone who went and tried to make it. Alvin, Angel, Arvin, David, Denise, Dy, Elaine, James, Jaymee, Julie, Kristel, Lester, Mark, Maryann, Reggie, Rexie, Rodrey and Tina. And a special thank you to Steph for being the mastermind of it all. Waaah! SALAMAT SALAMAT!



Here are other random thoughts and lines that I remember from the night until the following morning because I did not sleep. Whooo!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FOOOOOOOD!
Spaghetti
Chicken
Lumpia
Chocolate Mousse
Pink Drink
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Huwag kalimutan ang 200ml of milk for David���s Chicken
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Audio Visual Presentation
BENTA ALL THE WAY! Hahaha!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dull Moment = PICTURE!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Denise: Ayan... Mas marami ka ng pictures sa akin!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Reggie tells a joke.
Helen: PICTURE!!! (see above)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Rodrey: Ano yung line na sinasabi kapag na "De Ja Vous?"
Kristel: (with Cute French Accent) "De Ja Vous"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dy: Nasan na yung surprise ko?
*** LABAS NA!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
On the phone with lost people.
SCARY!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Steph!!! :$
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CRUNCH BALL!
for Rexie and his Pilates
for Jaymee and her Judo
for Reggie and his Volleybagan
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
People slowing down.
Why o why? Hihihi!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Blue = flat
Red = sharp
Black = right note
COOL!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
REITERATE: Rodrey and his AVP moments
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Casino Pilipino Alcohol. Walang ganon!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jose Mari Chan���s Song in the battle of A Team and Ba Team
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
KALAHATI PAAA! HELLLLP!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wow! James! Tumulong ka!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
KARAOKE + CS PEOPLE = NO SLEEP
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Guitar Guitar Guitar
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
99
I don���t understand the rules
Kayo kaya umubos nun?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Mingling with people after maubos ng ...
NOT A GOOD IDEA!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tissue + Gel = Curly Ermengarde
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
The name of the subdivision is Don Jose! NOT Don Antonio!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Katabi ng Flying-V! NOT Flyover Flying Over (Thanks David! Haha)!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang kayang iplay ni Jaymee ay Kanan! NOT Canon!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Whoo! Whoo! Marami pa talagang iba. Feel free to leave a comment if you want to add something funny, memorable or just say anything. It was a really fun fun night. Wala na talagang tatalong despedida dito. Salamat uli. Wahahaha! Walang tigil na pasasalamat. :)