Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Monday, October 03, 2005

clap your hands everybody, everybody clap your hands

the day before ng talents night, nag enjoy ako masyado sa pagpractice at na hyper ako ng todo... akala ko mapapagalitan ako pag uwi dahil late na akong nakauwi pero wala akong narinig galing sa kanila.

early morning ay gumising ako para magaral ng physics pero halos walang pumasok sa utak ko. tipong parang iisang formula lang ang laman ng utak ko. dumating ang alas dos, simula na ng finals... pagtanggap ko ng papel ko, huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang magsagot. unang column... medyo maayos pa... nakakashade pa ako ng mga bilog... pangalawang column, wala nang nakashade! shiet! wala na akong alam... oh well, iapply ang tinuro ni joanne, if you don't know the answer, just shade 'c'. sana umepekto. alas tres, may kulay na ang mga bilog, wala na akong magawa... hindi pa tapos si relia sa pagsasagot... oh well maglaro muna sa calculator... isulat ang problem gamit ang calculator... at nahuli at natawa sa akin si relia... tapos na rin pala siya... ayan na pasahan na ng papel! sana pumasa...

ayan na, maghanda na para sa talents night... buti na lang medyo madaling hanapin yung lugar... una kaming dumating dun nina lovie at mon. bawal pa palang pumasok pero buti pumayag yung mga tao dun na magbaba kami ng gamit... amoy aso yung lugar palibahasa may asong pakalat kalat dun. naglinis muna kami saglit at saka nagpractice ng mga sayaw... after one hour dumating na rin ang majority ng mga applicants at nagsimula na kaming magsetup... naghiwa ako ng sangkatutak na embutido kasama si zarah... habang naghihiwa kami, may masamang balita... di daw makakasama si ken sa talents night... sayang... akala pa man din namin gagawa kami ng engg soc history... ang batch na lahat ng applicants ay nagtalents night... so sad... anyways tuloy pa rin ang buhay! mga 1 hour and 30 minutes bago magtalents night meron nanamang hassle na nangyari, meron daw additional na bayad per appliance na gamit! shiet! bakit ngayon naglalabasan ang mga problema kung kailan hassle na hassle ang lahat? hay, buti na lang nagawan namin ng paraan.

mga 30 minutes bago magsimula ang talents night dumating ang second batch ng applicants at mga 7:00 dumating na ang grupo nina elle. wah! this is it! nagsimula na kaming maghanda ng aming sarili para sa mangyayari sa ilang sandali... wah! napakagulo sa kwarto... ang init! halo halo na amoy namin... isama pa ang amoy ng aso! shiet! dumadami na ang mga mems... wala pang nagaasikaso sa kanila... sumaglit ako sa kainan at ayun nagsimula na silang kumuha ng pagkain na ako lang ang nagseserve sa kanila... medyo natakot nga ako eh kasi nagagalit sila dahil ako lang daw nagaasikaso... paano nagbibihis pa ang iba...

ayan may pumalit na sa akin... makakapagbihis na ako... akala ko pagkabihis ko wala na gaanong problema. wah! di pa pala namin alam gagawin ng grupo ko sa fashion show... wah! sige magrap na lang ng sasakyan kita! shiet! rap nanaman! wala na akong creative juices... sige... ihulog mo na sarili mo sa kahihiyan helen...

fashion show na! ano ba itong suot ko? di ako sanay... wah! di natutuwa ang mga mems sa ginawa nung nauna... bahala na! ayan sagarin ang pagrampa... lapitan mo sila... ikaw pa ba yan helen? wah! hindi na ako ito... ayan presentation na ng grupo... magrarap ka nanaman... sana bumenta...

mga mems: "next... next..."
helen: deep breath "SOOOOOOOO CLAP YOUR HANDS EVERYBODY EVERYBODY CLAP YOUR HANDS!!! CLAP YOUR HANDS EVERYBODY EVERYBODY CLAP YOUR HANDS!!! 5! 6! 7! 8!..."
together: "Sasakyan kita... Sa lahat ng gusto mo..."

wah! buti kinaya ko! wah wah! di ko alam na kaya ko palang mag ganon... ehe!

to be continued...

0 comment(s) :

Post a Comment