Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Thursday, October 13, 2005

ang musika at ako

nung isang araw, meron akong napanood na movie sa hbo. hindi ko nakita yung title pero tungkol siya sa isang girl and her relationship with hip hop music na parang personification ng childhood friend niya. natuwa ako dun sa idea na we have a relationship with music kasi totoo yun para sa akin. disclaimer: hindi ako music fanatic, konti lang rin alam kong kanta. pero sa tingin ko, marami rami na rin kaming napagdaan ng musika. bata pa kasi ako, fascinated na ako sa music. pag nanonood ako ng disney movies, hindi storya yung naalala ko kundi yung mga kanta dun. then, i discovered singing. hindi ako nagkaroon ng formal training sa pagkanta pero simula pa noon, alam ko nang marunong akong kumanta. hindi siguro extra ordinary ang boses pero nasa tono naman.

grade 3 ako nun tapos may choir sa school namin. ang pangalan nun, glee club. gusto ko sanang sumali pero hindi ako nagaudition. nakalimutan ko na kung ano yung rason ko sa mga panahong yun pero malamang, dahil naunahan nanaman ako ng hiya. ilang taon ang nakalipas, 2nd year highschool na ako. nagau-audition naman ako sa drama club. pamulatan. tinry ko lang kasi nagenjoy ako dun sa project namin nung 1st year when i played lord capulet sa romeo and juliet. sa isang sheet ng paper, pinasulat sa amin ang talent namin bukod sa acting. sinulat ko naman, singing. after nung skit na pinagawa sa akin, binasa nung head at nung moderator yung sheet ng paper at pinakanta ako. ang pinakanta sa akin ay "on my own." nanginig ako ng todo kasi it was practically my first time to sing in front of an audience. pinalad naman ako na maayos naman ang kinalabasan at yun, natanggap ako. 4th year was the best experience i had with music. i finally had the gutts to join the choir. pero this time, ito na yung highschool choir ng school namin. ang komusikasyon. ang piece na inaudition ko ay yung favorite mass song ko. "panalangin sa pagiging bukas palad" na maling choice pag kinakabahan ka dahil naubos hangin ko sa katawan. pinalad naman akong natanggap. ang first chorale piece na natutunan ko, warrior is a child. ibang klase pala talaga pag may totoong training. hehe! pero ang pinaka masaya noong taong ito ay nung nanalo kami sa ecosongfest. hehe! the best feeling...

my short training in music has taught me a lot of things. discipline, humility, friendship, patience and most of all confidence. kung titignan itong storya ko with music, makikita yung evolution ko from the shy girl in grade three to the confident woman in 2nd year. sana hindi dito nagtatapos ang storya ko kasama ang musika. marami pa akong gustong matutunan.

0 comment(s) :

Post a Comment