Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Monday, September 19, 2005

hanggang dito na muna

wah! sobrang daming gagawin... akala ko wala nang masyadong gagawin sa panahong ito pero biglang naglabasan sila... di ko alam kung ano uunahin... pero ito ako nagpopost! wahaha! ang kulit... ang labo...

hay... gusto ko ng magsembreak para at least magkaroon naman ako ng pahinga... kung iisipin ko hindi na ako natigil sa pagaaral simula first sem ng first year... huhuhu! pag may nagtatanong nga sa akin kung bakit ang laki ng eyebags ko di ko alam kung pano sisimulan ang explanation ko... kaya ang nasasabi ko na lang ay "haggard kasi eh"

ilang linggo na lang pala ang natitira bago matapos ang sem at parang wala pa akong natututunan sa mga subjects ko lalo na yung majors... wah! ako ba talaga ito? bakit parang ang iresponsable ko na? nahihiya tuloy ako sa magulang ko at sa sarili ko na rin kasi di naman ako ganito ka iresponsable dati eh... oo alam ko tamad ako pero di ganito ka-tamad... wah! nababaliw na ba ako?

ano ba ito... wala ng katuturan ang mga pinagsasasabi ko dito... ika nga ni angel... "gibberish" hehe! at dahil dun hanggang dito na muna... saka na uli ako magpopost kung matino na utak ko at tapos na ang hell season... hehe! (dati days lang... tapos naging month... tapos ngayon season na! baka susunod year... worse... decade! wah! wah! wah! wah!)

0 comment(s) :

Post a Comment