Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Wednesday, November 02, 2005

three days to go

three days to go and it's back to school. grabe! parang ayaw ko pang pumasok hindi dahil tinatamad ako pero dahil pakiramdam ko hindi pa ako handa dahil naubos na ata brain cells ko during the break. masyado ata akong nagbabad sa tv at computer kaya ganon haha! ano kaya ang kahahantungan ko this sem?!

to go... matatapos kaya ang sem na ito nang umiiyak ako dahil marami akong maiiwan?! wag naman sana... isa pa sanang semester... hayyyy nakakalungkot isipin na halos lahat ng kaibigan ko ay di ko makikita for a very loooooooooooooong time, na baka ang course na pinaghirapan kong aralin for almost 2 years ay halos mababalewala.

kahit alam na alam kong hindi talaga para sa akin ang computer science gusto ko pa rin siyang tapusin kasi nakakapanghinayang naman. alam kong that reason is not enough kung gusto ko talaga matapos ng compsci pero iyon at ang mga kaibigan ko sa compsci na lang talaga ang dahilan kung bakit ako tumutuloy...

parang napakawalang kwenta kong bata sa sinabi ko ah... hahaha! oh well ganon naman talaga eh. wala akong magagawa (pero mas appropriate ang meron akong magagawa pero ayaw kong gawin)

0 comment(s) :

Post a Comment