kanina, nakaupo ako sa harap ng t.v. at nanonood ng star movies. tapos sa shelf na kinalalagyan ng t.v., nakita ko yung christmas stockings na nilagyan ng palanca letters nung retreat namin sa baguio almost two years ago. bigla kong naisip na kunin ang stockings na ito at basahin ang mga letters sa akin ng mga kaklase ko.
noong binabasa ko ang mga sulat nila, napansin kong iba iba tawag nila sa akin. helen, mama, ohisama, at kaibigan. yan ang ilan sa mga bansag nila sa akin. bawat isa ay espesyal. bawat isa ay may mahalagang karanasan na kadikit.
akala ko, isa lang akong ordinaryong studyante noon sa highschool. di ako tumabo ng awards, di ako tumakbo ng student council, di ako popular. pero nang nabasa ko uli ang sa mga sulat na yun saka ko lang naisip na di totoong isa lang akong ordinaryong studyante. kahit di man ako ang pinakamatalino, kahit kadalasan ay tahimik lang ako sa isang tabi, kahit nagiingay lang ako sa harap ng mga kalapit ko, mayroon akong markang naiwan sa buhay nila at mas nakakatuwang isipin na hindi ko sinasadya ang mga markang iyon.
ito na siguro ang pinakamagandang regalong natanggap ko para sa nalalapit kong kaarawan.
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment