pagsakay ng bus papuntang baguio para sa retreat namin dalawang taon na ang nakakalipas ay may baon akong chocolate. chocolate ang binaon ko kasi bukod sa paborito ko ito at bawal magbaon ng junkfood, simple lang ito, madaling kainin at pwedeng i-share.
hindi ko naubos lahat ng baon kong chocolate at dahil tanghali na kami nakarating ng baguio ay halos natutunaw na sila. dahil sa worried sila na lalanggamin ang mga pagkain na dala namin at dahil puno na rin ang ref ng retreat house, pinalagay na lang sa isang baol ang mga pagkain namin at kasama na siyempre dito ang chocolate ko. isang linggo ang stay namin sa baguio at dahil sa dami ng ginawa namin, nakalimutan ko na yung chocolate ko doon sa loob ng baol. naalala ko na lang siya nang pauwi na kami. pagkuha ko sa baol, nagulat ako kasi mas matigas yung chocolate kaysa nung pinasok ko siya.
i am what i ate. ako ang chocolate. kumpara noong pumasok ako sa retreat house, mas matatag ako nang lumabas. marami talagang nagawa sa akin ang retreat namin noon sa baguio.
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
Allegory of the chocolate
ReplyDeleteHaha! Goodbye friendster account! huhuhu...
Ayos ang kwento...
ReplyDeleteTunaw ka pala dati, Helen.
Bye-bye friendster ka na rin, Abby?
Haha! Ikaw din ba Mang Rod. Gusto mo pareho nating isumpa ang friendster? Naka-globe kb Mang Rod?
ReplyDeleteAyokong isumpa ang friendster ® dahil ... basta... Pero para sa akin, ang Friendster ay basurahan na lang (no offense).
ReplyDeleteNope.. ako'y smart.
tsktsktsk
ReplyDeleteI curse Friendster.
(concerned) anong problema niyo sa friendster?! have you created enemies through it?!
ReplyDeleteEnemyster? Haha! cool ito!
ReplyDeletewala na kasing kwenta ang Friendster ®... Sinasayang ng friendster ang kapangyarihan ng net...
ReplyDeleteMang Rod, gawa ka naman ng enemyster! Para naman kahit dito lang, maka 2 account ako. Haha! Tsaka ayoko kasi ng mga positibong testimonials.
ReplyDeleteTestimonials are expected to be positive...
ReplyDeleteDapat alisin ng Friendster yung pwede mong i-reject ang testimonials, para lahat e natural.
ReplyDeleteHaha! Gusto ko negative. Haha!
ReplyDelete