nung bata ako, lagi akong sinasabihan ng nanay ko na bawal makinig sa usapan ng matatatanda... bata pa daw kasi ako. pero, kapag nagkwekwentuhan na ang mga tito ko, lagi akong nakikinig. pag nagkwekwentuhan kasi sila, feeling ko, nanonood ako ng libreng stand-up comedy. nakakatuwa kasi kung paano nila nagagawang comedic ang mga pangyayari sa buhay nila. hanggang ngayon, gusto ko pa ring nakikinig sa mga kwentuhan nila. kapag may handaan sa amin, madalas mo akong makikitang nandun sa pulutong ng mga matatandang nagkwekwentuhan. siguro dahil na rin dito kaya gusto kong napapalibutan ng mga taong nakakapagpatawa sa akin o kung di man ganon, napapatawa ko.
masarap kasing tumawa. masarap tawanan na lang ang problema. masarap tumawa at malimutan ang problema.
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment