Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Friday, March 30, 2007

sa ngayon

wala na kami sa bahay pero wala pa rin kami sa lagro. nasa bahay pa kami ng ninong ko. hahaha! napakahirap talaga maglipat. parang lahat ng gamit ko hindi ko na alam kung saan nakalagay. shietness! gusto ko nang matapos tong paglilipat na to para makasettle na rin utak ko. parang ang sabog kasi ng utak pag sabog rin ang gamit. hehehe! excuses...

anyway... ngayon ay sinisumlan na namin ang aming mp sa cs150. recursive descent parsing ang gagamitin namin. exciting! hahahaha! wala. nakakaaliw lang na nagegets ko na ngayon ang mga ganyang bagay samantalang more than a semester ago... napaka lost kid ko talaga.

naguusap rin ngayon ang ninong ko at ang aking ina tungkol sa mga accounting stuff. debit, credit, t-account, adjusting entries. haaaay. ako'y naiinggit nanaman. mukhang kumpara sa cs ay mas masaya pa rin ako sa accounting kasi at least may mapagtatanungan ako anytime at saka lumaki na ako sa buhay na ganon. aysus! nagdrama nanaman ako.

mabuti pa tong kinakapatid ko, panood nood na lang ng tv. palibahasa summer na ng mga kabataan. ibang iba talaga ang college. hahaha! nanood siya ng "once upon a matress" ngayon. ito yung version ng disney ng "the princess and the pea" na ayon sa aming pinagaralan nung highschool ay parang ineemphasize daw ang burgis class dahil napakaarte ng prinsesa. hahaha! may isang katiting na pea lang di na makatulog. garaaabeeee! hahahaha! natuwa talaga ako nun nung diniscuss namin yung nung highschool kasi parang isinasaksak nga naman sa ulo ng kabataan na dapat maarte ka pag prinsesa ka. hahahaha! kulit.

grabe! matagal na ata uli bago ako makakakapginternet. mabuti rin siguro yun para makapagfocus para sa upcoming exam sa cs150. medyo nakakatakot kasi open everything at sinabi pa sa amin kung ano ang lalabas sa exam. ohnoes! imagine, magdedesign kami ng sarili naming filipino programming language. at take note daw na hindi tagalog kundi filipino. hahaha! paano kaya kung cebuano or ilonggo or bisaya shiet! wala akong alam na ibang dialect. huhuhu! basta kailangan talaga paghandaan yan.

hayyy. kaunti na lang... malapit nang matapos ang lahat. sa ngayon, tiis muna. :)

Tuesday, March 27, 2007

202

202nd post ko na!!! waaah! i can't believe that i kept this blog up kahit na 90% of what is posted ay walang katuturan. hahaha!

naalala ko yung juice drink na del monte 202. hahaha! pati yung jingle... "del monte... two-o-two" hahahaha!

graduate na ako by the time na 20-2 na ako. ang saya!!! feeling ko kasi dito na ako magtatapos ng pagaaral sa repinas. hahaha!

second year hs ako nung 2002. puro 2! ahaha! pero i must say na yun ang most memorable year of highschool. dun nagsimula ang dosuno34IV4 (mga year at section lang yan ng klase namin) just a few more days and i'll see them again. malamang marami nang pinagbago ang marami sa amin. karamihan may kasintahan na. wahahaha! at yun talaga ang naisip kong pagbabago? eh kasi naman may kasalatan ng kalalakihan nung hs. hahaha!

wala na akong masabi tungkol sa number 202. hahaha! naaliw lang ako actually sa number dahil balanced number siya. may 2 sa magkabilang dulo at 0 ang nasa gitna.

ang susunod na talata ay walang kinalaman sa 202. hahahaha!

nanonood ako ngayon ng disney films. happiness! and ang favorite of all times: beauty and the beast. awwww. "tale as old as time..." wala. maganda talaga siya. masaya na ako marinig ko lang intro ng kantang yan. wahahaha! sabi nga ng pinsan ko, isa ito sa mga films ng disney na may lalim. pero pinakamalalim talaga ever yung pocahontas. di ko yun matarok nung bata ako. hindi ko maintindihan kung bakit kailangan maghiwalay ni pocahontas at john smith nung dulo. hahahaha! i was one of those kids who believed in happy endings. ngayon... ewan na. hahahaha!

wala na akong masabi.... tapos na. hahaha!

Monday, March 26, 2007

random thoughts

title of post: dapat yan talaga ang pangalan ng blog ko kaya lang marami nang gumamit kaya iniba ko na lang para unique.

isa kami sa mga grupong incomplete sa CS165. nahihiya ako kay ma'am joyce. parang pasaway ang dating ng batch namin. waaaah! pero ayaw ko na maulit ang pinoy big brother: cs edition. kung ano yan... sa susunod na lang pag may time. wahahaha!

maya maya exam nanaman. MuL13 finals na hindi ko alam kung paano masasagot ang listening part. 30 tracks ang kailangan muling aralin di pa sigurado kung yun nga ba patutugtugin sa exam. ayayay!

malapit na kaming lumipat ng bahay. excited na ako dahil may cable na uli!!! wahahaha! pero pagkalipat namin, itutuloy na uli yung project sa 165. waaah!

nakasabay ko sa jeep kanina si ivie. ka-choir ko siya sa komusikasyon nung highschool at 1st year college na siya ngayon. nabalitaan ko sa kanya na may anak na daw si ms. ettie (conductor namin) waaah! akala ko kinasal pero hindi pala. adopted daw yung kid. uso ata yun sa mga hs teachers namin... hehehe!

tumatalon tong cd na pinapakinggan ko. patay na talaga ako sa exam bukas! ay mamaya pala.

this is my 201st post already! *clap* *clap*

Sunday, March 18, 2007

distractions

tama bang ngayon lang ako magsimulang mag-aral para sa finals sa cs145 tomorrow at siyempre nagawa ko pang magpost!!! hahaha! distractions nga naman. well kakatapos ko lang basahin ang first chapter minus the history part kasi naman nakakatamad magbasa. isa pa man ding malaking effort sa akin ang pagbabasa. mabuti sana kung yung effort ko ay magbubunga pagdating ng exam. but nooo! napaka unexpected ng mga lumalabas sa exam. parang bakit lumabas ito?! relevant ba?! hahaha! pero looking on the brighter side... at least tomorrow tapos na ang kalbaryo sa 145 (kung papasa! please Lord! pleaaaaase!)

anyway, ito ang totoong dahilan ng pagpost. minsan lang ako magpopost ng mga ganitong bagay kaya pagbigyan na.

may isang tao na nangungulit. namention ko na siya dito dati. siya si classmate na ayaw kong maging classmate. naasar ako kasi nagumpisa nanaman siya. mga dalawang linggo na. hindi ko gaano binigyan ng ibig sabihin nung una pero shiet parang lumalala eh. tapos ito pa. halatang halata ng umiiwas ako pero either manhid siya o sadyang makulit lang talaga siya kaya di ako tinatantanan. ARGH! kung pwede lang talagang maging masama at diretsuhin na. ay mali pala. nadiretso ko na to dati! shiet!!!

Wednesday, March 14, 2007

finals weeks

before the exam sa 165, nagtext si kristine about a pool party daw. shiet! pool!!! summer! waaah! nakakabaliw! pero sadly, next friday siya meaning i cant make it! damn! ang reply ko sa kanya, "di ako pwede eh, finals weeks ahead kasi" hahaha! yeah... the remaining weeks of this semester are filled with schedules for finals for different subjects.

kakatapos lang kanina ng final exam sa cs 165. masaya ako na tapos na yun pero mukhang hindi ako masisiyahan sa result nung exam. well at least yung project na lang na software and hardware inventory ang aming aasikasuhin doon na hanggang ngayon ay di pa namin natutuloy mula sa first presentation. hahaha! tulad ni mark, habang nagrereview sa cs 165 finals ay naiisiip ko na maraming marami pa kaming dapat gawin sa project and all of these have to be done in a span of one week. kung paano namin imamamagic yun, yun ang hindi ko alam.... hahahaha!

to release the stress incurred during the finals, mcdo nanaman ang bagsak namin pagkatapos ng exam. buti na lang, maraming mga katipunero at sa mcdo katipunan naman kami kumain. hahahaha! siyempre kwentukwentuhan pero napadami ata ng kwento at inabot na kami ng past 10:00 doon sa mcdo. wahahaha! pero ok lang... at least medyo bawas stress.

on the way home, nakareceive ako ng message. natuwa ako sa message kasi sabi doon, magkakaroon daw ang hs section ko (dosuno34IV4) ng reunion dinner!!! wow! after 3 years in college! grabe! buti na lang after siya ng finals weeks. ang saya saya! i wont miss this for sure. haaay.

pero for now, kailangan muna maghanda for the finals weeks ahead. goshness...

Sunday, March 11, 2007

tv addict

dammit! dahil naputulan na kami ng cable at umiral nanaman ang tv addict side of me, humanap ako ng pwedeng panoorin and to my surprise... meron akong stack of cds na hindi ko pa rin napapanood since last summer. grabe!!!

i know i should have studied instead dahil sa patong-patong na exams next week pero wala eh... tv is just simply my best friend. well technically, hindi ako nanood sa tv set pero dahil tv series naman yung pinanood ko, tv addict pa rin. hehehe!

kainis lang dahil sobrang nakakabitin yung last episode na napanood ko. argh!!! dahil diyan, may first mission na ako this summer, that is, to find the remaining episodes of how i met your mother (the title of the series i watched) hehehe!

sitcom siya about this guy who in the year 2030 is telling his kids how he met their mother. so yung series mismo ay parang flashbacks to the present. basta, ang cute lang nung mga episodes at sort of nakakarelate ako dun sa guy. hahaha! anywho... ngayon ay kinakabahan na ako dahil parang dapat yata ay nagaral ako. wahahahaha! biglang ganon eh... wahahahaha!

Friday, March 09, 2007

birthday bash

due to insistent public demand, nilibre kami ni maryann, rodrey and elaine dahil magkakalapit ang birthday nila at halos sunod sunod hehehe! buti na lang tatlo sila dahil 16 kaming palamunin.

the 16 include...
1) maryann: (unang celebrant) na sobrang goddess na talaga dahil inuwi ang red ribbon (makes things more beautiful)
2) rodrey: (pangalawang celebrant) na nasa spotlight for the past few days dahil sa kanyang nakaraan with... oo, siya... hahaha!
3) elaine: (pangatlong celebrant) na ang birthday wish ay pedicab... improvement! hehehe!
4) reggie: na nagmukhang class adviser naming 16 dahil sa kanyang pormal na kasuotan
5) julie: na nag-ala madame auring sa pagbasa ng horoscope ng tatlo for the day
6) jaymee: na himalang nandoon at magtatanggol sa amin sa dilim
7) alvin: na nahanapan na rin namin (after 3 years) ng maaasar
8) hannah: na siyang natagpuan naming maaasar kay alvin
9) pedro: na ayaw pa daw nung chocolate mousse pero said na said ang plato
10) steph: na nasa meeting na may patok jeep-like sounds
11) dy: na tahimik dahil sa kanyang inner lagnat... awww
12) mark: na sobrang natuwa sa pagkakaroon ng banyo doon
13) kristel: na cool na cool with her new red eyeglasses look
14) david: na tumayong aming camera man
15) denise: na nilalamig... BRRRRRRRRRRR!
16) at ako! hehehe!

sa bora grill naganap ang kanilang panlilibre. hindi ko inaakalang may nageexist na ganong lugar malapit sa up at medyo parang kainan sa boracay yung itsura ng lugar. hahaha! kulang na lang white sand beach, feel na feel na talaga ang summer ahahaha!

sulit na sulit naman yung libre nila. parang walang tigil nga ang pagdating ng pagkain eh. hahaha! tipong di tumitigil sa paggalaw yung mga tao dun dahil ang bilis maubos ng kanin. hahaha! nakaramdam rin ako ng pagod sa tuloy-tuloy na pagkain... parang nanumbalik nga ang feeling sa chocolate buffet eh. hahaha!

siyempre, hindi nawala ang picture taking at sa lahat ng maaaring makaligtaan dalhin, camera pa talaga ang nakalimutan. hahaha! mabuti na lang at techy world na ngayon at may camera na sa cellphone. after niyan ay uwian na dahil marami pa ring mga deadlines. mabuti na lang at may dumaan na ikot na wala halos laman doon sa sakayan at nagkasya kaming lahat sa iisang jeepney. hehehe!

pagdating sa vinzons, nagpaalamanan na at nasaid ang laman ng jeep. hehehe!

anyway, kung nababasa niyo man ito...

HAPPY BIRTHDAY GODDESS, RODNEY AND JOYJOY! hehehe! sa uulitin! :)

next stop: semender! sama lahat! the more the plentier!

Thursday, March 08, 2007

isang salita

hahaha! habang nagpapahinga from the machine exercise... ako'y magsusurvey nanaman. yey!

Instructions: You can only type one word.

Where is your cell phone? - charging

Your boyfriend/girlfriend? - none

Your hair? - long

Your grandma? - gone

Your father? - patient

Your favorite item? - tv

Your dream last night? - black

Your favorite drink? - water

Your dream car? - cooper

The room you are in? - ours

Your ex? - none

Your fear? - death

What do you want to be in 10 years? - content

Who did you hang out with last night? - classmates

What you're not? - genius

Muffin? - chocolate

The last thing you did? - program

What are you wearing? - pajamas

The last thing you ate? - cookies

Your life? - inexplicable

Your mood? - swings

Your friends? - supportive

What are you thinking about right now? - cs

Your car? - none

What are you doing at the moment? - typing

Last summer? - stupid

Your relationship status? - single

What is on your tv? - haze

When was the last time you laughed? - 6:00ish

Reason you last cried? - fear

Wednesday, March 07, 2007

grey's anatomy

dahil for the past two days, grey's anatomy lang ang napapanood ko sa tv, tungkol sa grey's anatomy ang aking topic for this post. may linya si meredith sa grey's anatomy na goes something like this:

At some point, you have to make a decision. Boundaries don't keep other people out. They fence you in. Life is messy. That's how we're made. So, you can waste your lives drawing lines. Or you can live your life crossing them. But there are some lines... that are way too dangerous to cross.

kung ganon nga lang sana kadali magcross ng kung ano mang line eh di sana wala ng problema. masaya ang lahat! ngunit, hindi. ang hirap kasi eh. tulad ng laging tinuturo sa cs, laging may trade-off...

hay hay hay.

Monday, March 05, 2007

lucky charm

may dalawa akong pasalubong from kuya jigs who came home from china two weeks ago. yung isa ay pretty na notebook which i am saving for a special purpose. yung isa naman ay lucky charm na half dragon and half dog na for studies daw. sana totoong lucky charm nga siya. hehehe! pero if ever hindi man totoong nageexist ang lucky charm, siguro it would serve as a reminder na lang to study well. (na sana magawa ko! hehehe!)

bakit ako nagpost ng ganito?!

reason 1: natouch lang ako na pinasalubungan ako ni kuya jigs. hehehe! kung magkakaroon ako ng mas matandang kapatid, siya na siguro ang gusto kong maging kuya. gusto ko talaga na kuya. ayaw ko ng ate dahil ayon sa mga kaibigan kong girls na may mga ate, madalas daw kayo magaaway. mas ok daw na kuya dahil parang magseserve daw ang protector of sorts. hehehe!

reason 2: nagpapanic ako dahil wala akong ginagawa pero dapat meron akong ginagawa sa acads. so feeling ko naman makakatulong ang lucky charm?! hahaha!

reason 3: naputulan na kami ng cable dahil lilipat na kami so i'm left with internet na lang and the grey's anatomy dvd na i finally got to borrow na after x weeks. :D

yun lang!!!

Sunday, March 04, 2007

trip

medyo late na ako nakauwi nung friday dahil nagaya si elaine sa sm north. besides doing what i had to do, we ate dinner sa tokyo tokyo and played sa arcade. unexpectedly ay maraming sumama kahit na maraming deadlines for the next week at kahit na ang dahilan ng pagpunta doon ay trip trip lang. siguro, people just wanted to unwind before sumabak sa final 3 bloody weeks of the semester. hehehe!

when i got home i had to sleep early dahil 6:15 daw yung departure ng bus for the field trip sa geog 1 the following day. before sleeping i had to take a painkiller dahil sobrang sakit ng puson ko.

i arrived school a few minutes after 6:00. hindi ko ineexpect na maraming students sa field trip. i even saw some computer science students pero by face ko lang kilala yung iba. nakita ko rin agad si julie. we left u.p. around 6:30 na and arrived subic ng 10:00. ngayon ko lang narealize na matagal yung biyahe namin pero dahil tulog lang ako most of the time, hindi ko na napansin yun.

pinick-up muna namin yung tourist guide tapos nagrolling tour muna kami sa subic. actually, third time ko na sa subic. yung unang punta memorable dahil first time ko na makapag-jetski. yung pangalawa naman memorable dahil may kalokohang ginawa ang pamilya ko. hehehe!

11:30 nakarating na kami sa pamulaklakin trail. nakapunta na ako dito nung second trip namin. may demonstration muna from the aetas tapos mayroong 2 trails na pwede mong tahakin. isang maikli (nakalimutan ko na yung exact length) na nilakad namin nung second trip and yung isang mahaba na 1.5 kilometers na siyang nilakad namin yesterday. sa gitna ng trail ay masama na ang pakiramdam ko dahil second day ng monthly period ko yesterday. medyo namumutla na nga daw ako sabi ni julie pero dahil ayaw kong mawala in the middle of the forest, kailangan kong ituloy ang laban. hehehe! around 12:00 kami nagstart and 2:30 na kami natapos. at this point ay wala pa kaming lunch at may nawala pa ata kaming classmates. 3:00 na lumitaw ang nawawala naming kaklase at dahil di naman ako close sa mga classmates ko, di ko alam kung ano talaga ang nangyari sa kanila.

3:15 na ata kami nakapaglunch sa rali's grill (na included dun sa binayaran namin). masarap naman yung pagkain pero based sa nakita namin sa menu ay mukhang mahal yung kinain namin. we then headed sa mangrove. sobrang ganda ng view at napakapeaceful nung lugar. gusto ko na lang sana manatili doon forever pero we had to move forward.

the next stop was sight seeing ng mga fish. ang linaw nung water kaya kitang kita yung fishes. hindi talaga ako fond sa fish dahil medyo alien-looking sila for me pero kakaiba yung mga fish doon. hehehe! habang nagvieview ng fishes ay gusto ko na sana tumalon sa water dahil mainit at masarap sana lumangoy. 15 minutes lang kami doon dahil late na kami sa schedule at may final stop pa kami. ang final stop... duty free.

1 hour ang binigay sa amin for shopping pero dahil wala naman kaming pera, sobra sobra yung isang oras. bumili lang ako ng ilang pasalubong na chocolate and candies (hehehe! parang ilang araw lang ang nakakalipas na sinusumpa ko ang chocolate) tapos natripan namin ni julie na pumunta sa national bookstore. umikot kami saglit tapos sakto lang ang pagbalik sa bus dahil umalis na rin kami kaagad. a few minutes after 6:00 kami nakaalis. habang pabalik sa manila ay sumakit nanaman yung puson ko and to add to that, nagkamigraine pa ako. binali wala ko lang dahil akala ko mawawala lang rin naman yung pain pero palala talaga ng palala. 9:30 na kami nakarating ng u.p. and by this time ay feeling ko mahihimatay na ako. hindi naman ako nahimatay pero sobrang sama na ng pakiramdam ko na hindi ko na alam kung paano ako nakatulog kagabi.

enjoy naman yung field trip pero dahil hindi gaano maganda yung pakiramdam ko, i did not enjoy it as much as i expected to. ang happy thought na lang siguro na ibabaon sa trip ay nahiritan ng mga kaklase ko si sir na wala kaming class sa geog1 tomorrow. hehehe!

walang relasyon: nakita ko lang sa isang status message na nanalo si teresa licaros sa binibining pilipinas. i checked kung siya nga yung kilala kong teresa licaros and turns out na siya nga yun. may ghad! who would have thought na yung dati kong kaservice ay magiging binibining pilipinas-universe. hehehe! congrats sa kanya kahit di naman kami close.

Thursday, March 01, 2007

dial tone

yeyness! may dial tone na!!! nung madaling araw lang daw nagkaroon ng dial tone pero ngayon ko lang nalaman. (just proves na ginagawa ko na lang tulugan itong bahay namin. hehehe!) salamat sa glaxo-smithkline-beecham (makers of aqua fresh... nagpromote?) dahil nagdemand sila na ayusin ang telephone lines at nadamay pati ang subdivision namin. whooo!

medyo good timing ang pagkakaroon ng internet dahil medyo kailangan ng internet sa mga panahong ito. medyo lang naman... nageexist pa rin naman ang mga libro sa library para makapagresearch para sa mga kailangan iresearch pero mas madali pag ginoogle mo na lang ang mga bagay bagay. hehehe!

so what has been up lately?

Yesterday
145 exam yesterday. 6 hours before the exam ay nasa 5th floor na kami at nagrereview... mali... nagcracram rather. hahaha! pero pagdating nung exam ay nangamote ako. hay. based sa reactions ng mga tao paglabas ng room, maraming nahirapan sa exam. even today, a day after the exam, ay ayaw pa rin pagusapan ng mga tao ang exam as if isa itong traumatic experience. hehehe!

Today
isang subject lang ang ipinasok ko today dahil wala nanamang cs130. feeling namin, busy si sir yap kaya walang pasok dahil nakita namin siya sa canteen carrying a tower of books. hindi ko alam ang status ko sa subject na ito dahil iisang exam pa lang ang natatake namin at wala pa kaming nadidiscuss for the next exam... scarryyy!

Tomorrow
medyo pondering mode ako sa kung paano iplaplano ang buhay ko. naaamaze ako dahil nagsisimula na akong magplano ng buhay. siguro epekto ito ng sandamukal na company talks na inattendan ko o di kaya it comes with the age. yaack! katandaan! hahaha! pero mabuti na rin na may plano para may patunguhan.

step 1 ng roadmapping ng buhay ay alamin kung saan nakikita ang sarili ko 5 years from now. so where do i see myself 5 years from now nga ba? if all goes well, nasa canada (ang hirap sabihin!!!) na ako. either may part time job and studying culinary arts or may scholarship sa kung anong course. i'd rather be in the first situation kahit na mukhang mas mahirap yun. at least masaya naman ako. hehehe! hanggang diyan pa lang ang naiisip ko. the rest is yet to come.