Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Tuesday, September 13, 2005

lolo lagro

FAUSTINO NAVARRO BORROMEO +

lolo tino para sa iba kong pinsan, lolo lagro para sa akin. ako ang bunso niyang apo at ang tanging apo na nagmana ng pangalang borromeo. dahil ako ang bunsong apo, hindi ko na halos inabutan ang kalakasan niya. nagkaroon kasi siya ng alzheimer's disease ilang taon bago pumanaw si lola lagro. sabi ng nanay ko, mabait daw si lolo. hindi daw siya mayaman pero pag may pera daw siya ay binibigay daw niya yun sa akin nung batang bata pa ako. natago pa nga daw ng nanay ko yung envelope na nilagyan ng isang pakimkim niya sa akin na may mga katagang "miss ace borromeo."

kanina, akala ko di ako gaanong iiyak. pero maraming beses ako umiyak... una nang kantahin ng choir ng pinsan ko yung "...kunin mo o Diyos at tanggapin mo ang aking kalayaan ang aking kaloobon isip at gunita ko..." natamaan kasi ako ng husto sa mensahe at nang nagsimula nang mangilid luha ko, naisip ko, siguro ito yung huling bilin sa akin ni lolo lagro. pangalawa nang magpasalamat ang tita ko sa lahat ng dumalo sa burol niya. halos lahat ng tao naiyak... simple lang kasi yung pasasalamat niya pero dama mo yung pagmamahal ng anak sa ama. pangatlo ay nung makita kong kumandong yung apo sa tuhod (great grand child) ng lolo ko sa anak ng lolo ko. naisip ko... "what a legacy from a simple man" at panghuli at pinakamatindi, nang makita kong umiyak tatay ko. minsan lang kasi siya magpakita ng emosyon at nun ko lang rin siya nakitang umiyak.

di ko man gaanong nakilala ang lolo ko... alam kong mahal niya ako... at mahal ko rin siya... kaya paalam lolo lagro... hanggang sa muling pagkikita...

2 comment(s) :