Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Thursday, August 13, 2009

Overly Demanding

Hay. Sa isang taong mahigit na pagtratrabaho ko, never talaga ako nairita sa customer ng ganito katindi. Napakademanding naman kasi.

Scenario:

May isang asian couple akong na-encounter. Nung una ok naman. All smiles pa kaming nagbatian. Then I started the transaction. Sinabi ko yung policy for sale items dahil sale yung binili nila. Final sale kasi kapag sale so no return or exchange na importante sabihin dito dahil mahilig sila magsauli ng items. Agree naman sila at binigay ang credit card. So ayun naprint ko na ang receipt at nagsign na rin sila.

When I was about to take out the security tag para di mag-alarm ang store on their way out, pinigilan ako. "Can you help us find the button?" So I tried helping them. Ito na ang simula ng pagkainis ko. Nakita ko yung jacket at wala namang missing button. So sabi ko politely, "Sorry but what was your problem again?" And then by actions narealize ko na parang pumasok pala yung isang end ng jacket doon sa pinagsusuotan ng belt at yun ang problema nila. Around this time ay dumadami na ang tao sa pila at ako lang ang nag-iisang cashier nung time na yun. I then explained to them na kailangan kong matulungan yung ibang nakapila at tatawag ako ng ibang tutulong sa kanila. So hiningi ko yung signed receipt. Aba. Ayaw ibigay. Sabi "Where is the person who would help us? I paid for this first so I should be served first" Wah. Para ko siyang gustong sapakin sa sinabi niya. Una dahil di ba kapag bumibili ka, lalo na kapag sale, chinecheck mo muna ang item. Asian pa man din siya. Pangalawa, sinabi ko naman na may ibang tutulong sa kanila. What the hell. Cashier po ako at the moment at di ko po ito trabaho sa oras na ito ok?

Di ko alam kung mabuti ba na may dumating na isa pang cashier para tulungan yung ibang customers para makapagfocus ako dito sa current customer. Sinubukan ko talagang hanapin yung belt na gusto nilang ayusin ko pero di ko maapa yung kabilang dulo. Dahil di ko rin naman alam yung make nung jacket, ayoko ring hugutin yung belt kasi wala naman akong safety pin o iba pang tools para maibalik safely yung belt. Sabi ko na lang sa kanila, "I guess you could just pull this out at home and then use a pin to put the belt back on." Ay, di nakontento si sir... sagot ba naman sa akin "So I paid for this and you want me to do that?" Hay. Ang yabang niya talaga eh ang mura lang naman ng bili niya dun. Buti sana kung new collection eh. Pero sale nga eh. SALE! Di ko nga problema yun eh. Sabi ko na lang "Well you could probably return the item, I could call a manager for you." Ayun. sabi niya "Ok. I won't buy this then."

Eh di tinawag ko na ang manager. Inexplain ko ang unexplainable issue ng customer. Eh sabi ng manager dahil final sale ang item, hindi pwede ma-return at exchange lang ang pwede naming gawin. And so nagalit nanaman siya. Sabi niya "I want to buy this but I want this fixed first" Ano po ba talaga kuya? Gusto niyo ba o ayaw niyo? Di ka naman namin pinilit na magbayad ah! So ayun, balik nanaman kami sa pagpasok ng walang hiyang belt na yun. Tas in the middle of fixing it, nagcomment pa siya na "Can you do it faster because I want to shop in other stores." Hala. Dahil sa kanyang comment, naasar na rin yung manager namin. Sinabi sa kanya "We are trying to help you here ok? We are not even supposed to do this for you because this is a marked down item and you are supposed to buy it as it is. The cashier told you the policy before you paid so you don't have the right to treat us this way." Tapos nung nasuksok na namin ang kanyang precious belt, nag-walk-out yung manager sa asar. As in tinapon niya yung receipt at pen sa harap nung customer. BWAHAHA! Buti nga sa kanya.

Hay. Nakakaasar lang na some people could be so inconsiderate. Fine. Customer ka pero show some manners naman dahil hindi ka naman binabastos.

Natapos ang usapan namin na binigay ko sa kanila ang item with the parting words "I'm sorry about that" said in the coldest way possible. Wahahaha! May they be pissed forever.

4 comment(s) :

  1. haha sobrang pissed ka bwahaha.. atleast nagalit din yung manager mo diba diba... ibig sabihin karapat dapat maasar

    ReplyDelete
  2. oo. overly demanding customers make me overly pissed. hahaha!

    ReplyDelete
  3. hala, naapektuhan ako. naasar din ako sa customer niyo! haha! may they be pissed forever!

    ReplyDelete
  4. oo ang bad kasi talaga nila...

    ReplyDelete