Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Wednesday, August 26, 2009

Only In Da Philippines - Food

It's that time in the wee hours of the morning when I am just looking for something to eat. Tapos naisip ko na magpost na lang ng mga pagkain na namimiss ko imbis na kainin ko. Ito ang aking "healthier alternative." Hahaha! The following ay mga pagkain na wala dito o di feasible na gawin dito (in no particular order)

1. Ube Cake ng Red Ribbon. Oh the icing... I miss Red Ribbon icing...
2. Sapin-sapin. Goodluck. Daming procedures bago makagawa ng isang bilao niyan.
3. Isaw. Gusto kong pumunta ng UP ngayon naaaaaa. Hahaha!
4. Suman ng Antipolo. Tapos ipriprito. Tapos isasawsaw sa asukal o dili kaya'y sa matamis na bao.

Ito naman ang mga akala ko wala pero meron pala dito na pagkain.

1. Lechon na Vietnamese ang nagtitinda. Nakakatawa kasi sa dami ng suki niyang Pilipino, nagbebenta na rin siya ng Mang Tomas.
2. Pan de Sal. Na ang tawag ko ay gintong pan de sal dahil pag kinonvert ko sa peso, halos 25 pesos ang isang piraso. Huwaw.
3. Balut. Woah. Ito talaga nagulat ako kasi di naman lahat ng Pilipino kumakain niyan. Masarap siguro ito kapag winter. Hehehe!
4. Lily's Peanut Butter which reminds me so much of my childhood. Nung bata kasi ako ito lagi kong baon tapos malungkot ako kapag naubos na yung oily top part kasi yun ang masarap.

Hayyyyyyyyy. Sarap talaga kumain.

0 comment(s) :

Post a Comment