Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Friday, August 21, 2009

Maturity Post

Minsan, feeling ko immature pa rin ako. Parang kanina, may nakasabay akong katrabaho na 8 years younger ata sa akin pero pakiramdam ko mas mature pa siya sa akin.

Iniisip ko nga, baka may kinalaman ang pagiging only child sa maturity level ng isang tao. Kasi usually kapag nag-iisang anak, masyadong pinapamper ng magulang. Hindi ko tinatanggi na pampered ako (pero hindi naman ako spoiled) kaya nga nagdadalawang-isip ako kung mature nga ba ako o hindi. Hahaha!

Bigla ko lang naisip kasi magiging 23 na nga pala ako at minsan parang 18 pa lang ang tingin ko sa sarili ko. Parang walang pinag-iba yung takbo ng utak ko nung 18 ako at ngayong 22++ na ako. Ewan. Siguro di ko lang napapansin yung change. Hindi ko rin alam kung masama ba ito o mabuti. Naisip ko lang.

2 comment(s) :

  1. ako din immature. pero mas gusto ko yung term na childish. :)

    ReplyDelete