Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Sunday, August 16, 2009

Back To School Shoppers

Dahil malapit na ang pasukan dito, super duper busy ng kids section namin. Tapos lately, lagi akong nasa cash register lang. Kulang na lang tubuan ako ng ugat doon. Hahaha!

Anyway, naaaliw ako sa mga bata. Cute cute!!! May isang bata pumipirma nanay niya sa receipt tapos sabi niya "Cuhlah" Sabi ng mom niya "Oh no honey... we'll color at home. After this we'll buy daddy's socks ok?" Sabi ni kiddo "Daddy's socks are smelly..." Hahahaha! Wah parang kinurot puso ko sa ka-cutan niya. Tas nginitian pa ako at nagbabye pa kami. Hihihi.

Meron namang mga batang bratty. Oh my god. Tipong mga teenager na nanay pa nila ang pumipila habang sila ay nasa kung saan. Tsk. Bad!

Pero ayun. Kailangan ko na rin mamili ng damit pamasok dahil uniform lang ang laman ng aparador ko. Hahaha!

0 comment(s) :

Post a Comment