Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Wednesday, August 19, 2009

Broom Broom

Nagka-sunburn na uli ako today. Hahaha! The last time ata na nagka-sunburn ako ay last year pa before I left the Philippines. Anyway, ang dahilan ng sunburn na ito ay dahil we went Go Karting kanina. FUUUUUN!!!

Nung una nakakatakot kasi ang daming signs na "Go Karting is dangerous. Ride at your own risk." Wah. Sino ba naman ang hindi matatakot dun? Tapos ayun 9 ata kami magkakasama. Most of them are people from Zara pero may dalawa na friends nung nag-aya.

10 minutes din kami nag-Go Kart around the race track. Medyo mahirap iturn yung kart kapag paliko. Tipong nagbebend yung body ko para lang makaliko. Tapos may isang beses may bumunggo sa akin from behind so for a moment medyo gumewang-gewang ako at naririnig ko yung mga kuya doon sinasabi "woah woah." Hahaha! Well nafeel ko naman na may one little accident ako dahil nga accident prone ako. Buti hanggan dun na lang yun. Haha!

I must say, it was quite fun. Medyo himala nga na nagkasabay-sabay yung off namin at yung afternoon shifts. Next time naman daw, white water rafting, bungee jumping or white water rafting. Woah. Ibang level na yun.

0 comment(s) :

Post a Comment