Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Monday, August 31, 2009

Ang Panggigising ni Pokwang

So nung isang araw, kakagising ko lang tapos may narinig akong unfamiliar noises sa tv. Kasi normally ang maririnig ko music sa The Weather Network or plain music lang mula sa mga radio channels. (I know. Ginagawa nilang radyo ang tv nila dito.) So ayun napabangon tuloy ako at OMG si Pokwang ang nakita ko sa TV. I had to second guess kung gising nga ba ako or what. At totoo ito. Meron palang free viewing yung cable company ng TFC.

Nakakapanibago manood ng TV na Tagalog ang salita. Tapos may mga bagong shows na luma ang story line. Hays. Pero namiss ko talaga yung boses sa likod ng ABS CBN. Ilang taon na kaya niya ginagawa trabaho niya? Malaki kaya talent fee niya? Hahah! Sa ngayon, ineenjoy namin ang libreng subscription. Di ko lang alam kung willing silang magbayad para imaintain yung channel.

0 comment(s) :

Post a Comment