Pangalawang Thanksgiving na namin sa Canada. Panahon nanaman para magpasalamat sa lahat ng nangyari noong nakaraan taon.
Nagpapasalamat ako na ligtas ang mga kamag-anak at kaibigan ko mula sa bagyong Pepeng at Ondoy. Mahirap na makita yung mga nangyari na nasa malayo ka. Parang wala kang magawa. Di ka man lang makapag-volunteer. Parang di sapat na mag-donate lang. Pero ganoon talaga. Kaya ginagawa na lang namin ang makakaya para makatulong.
Nagpapasalamat ako na nakakapag-aral na uli ako. Akala ko talaga, hindi ako makakapag-aral ngayong taon pero salamat at natuloy na rin. Matagal pa bago ako makagraduate at marami pang pagsubok na pagdadaanan. Ang mahalaga sa ngayon ay nandito na ako sa panibagong simula.
Nagpapasalamat ako para sa aking mga kapamilya at kaibigan. Sa kanila ako kumukuha ng lakas. Sila ang nagpapaligaya sa akin. Sila ang nagmamahal sa akin.
Nagpapasalamat ako sa kung ano man ang meron ako ngayon. Nagpapasalamat ako sa kung ano pa ang darating sa buhay ko.
Lahat ng ito ay pinagpapasalamat ko sa Kanya. Sabi nga sa misa kanina, ang araw na ito ay araw ng pagpapasalamat sa Kanya dahil sa Kanya, walang imposible. :)
Blog Archive
-
▼
2009
(186)
-
▼
Oct 2009
(20)
- Slipping
- Happy Birthday, Self
- Failing Polya
- Untitled
- Coding vs Documentation
- Tony Velasquez is the Man
- Personality Disorder
- Registration
- C’est Moi
- My Semi-Eventful Day
- How Theorists Work
- Emo Kids
- Pagbibigay Salamat
- Study Materials
- The Fun Theory
- Stress Relief
- So I Had A Bad Day
- Nakakapagod
- Brain Dead
- Unusual Way
-
▼
Oct 2009
(20)
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
yan ba yung columbus day?
ReplyDeletesa states ata yung columbus day. :)
ReplyDeleteNapansin ko lang, halos straight na tagalog ang post na ito.
ReplyDeleteDahil dyan, salamat din na kahit nasa ibang lupain ka na, na ibang wika na ang sinasalita, nananatili ang paggamit mo sa ating sariling wika. (Naks! Ang korny na, ang drama pa! Hehehe)
mahalin ang sariling wika! yey!
ReplyDelete