Next week is a pretty hectic week. I have a quiz, an exam, a paper and a programming assignment due one day after the next. Dapat hindi ako nagrereklamo dahil hindi naman sila sabay-sabay. Pero nakakapagod talaga. Yung buong araw ko dedicated lang para mag-aral. Sa class, sa break, pag-uwi. Man. Social life? Ano yun? Hahaha!
Hindi ko rin naman kinoconsider na very exciting ang social life ko noon sa UP pero at least dun, kahit kaunti man lang ay existent siya. Pero ngayon, parang wala na ring panahon para maging existent yun.
Sabi ng iba, eh bakit wala ka bang friends? Siguro sa Pilipinas, madaling humanap ng kaibigan. Pero dito, may kahirapan. May point yung tito ko nung minsang naguusap kami. Sabi niya, yung sa Pilipinas na akala mong nakapalagayang loob mo na, dito hindi pa pala. Parang customary lang na kamustahin ang isa't isa pero sa totoo lang, wala talaga silang pakielam sa sinasabi mo. Ang sama man pakinggan pero minsan, yun talaga ang totoo. Hindi naman sa nilalahat ko sila pero generally, ganon talaga.
Hay. Napakahirap talaga manirahan sa ibang lugar. Minsan iniisip ko, gusto ko ba talagang tumagal dito? Tatagal ba ako dito? Hay...
Pasensiya na sa nega na post... Epekto ito ng panonood ng And I Love You So... Waah.
Blog Archive
-
▼
2009
(186)
-
▼
Oct 2009
(20)
- Slipping
- Happy Birthday, Self
- Failing Polya
- Untitled
- Coding vs Documentation
- Tony Velasquez is the Man
- Personality Disorder
- Registration
- C’est Moi
- My Semi-Eventful Day
- How Theorists Work
- Emo Kids
- Pagbibigay Salamat
- Study Materials
- The Fun Theory
- Stress Relief
- So I Had A Bad Day
- Nakakapagod
- Brain Dead
- Unusual Way
-
▼
Oct 2009
(20)
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment