Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Monday, October 19, 2009

Personality Disorder

This is about me, wanting a person and the disorderliness of my paragraphs. Hahaha!

I need a person, as Cristina Yang would say. Medyo nanonood kasi ako ng Greys Anatomy for the past few weeks before I go to bed. Kaya ito, kung anu-ano pumapasok sa isip ko. Feeling ko nga napepenetrate niya ang subconscious ko eh bilang mga kaganapan sa series ang huling pumapasok sa utak ko bago matulog. Hehehe!

So yes, I need a person. Yung tipong close-proximity na makakausap ko at masasabihan ko ng mga walang kwentang nangyayari sa buhay ko. Hahahaha! Nakakafrustrate kasi minsan. Parang sasabog na ako at wala akong mapag-vent-out-an. Well pwede naman ako mag-email or mag-im or mag-blog pero iba pa rin kapag in person. Kasi minsan pag nagbloblog ko parang sumusulat ka lang sa hangin. Wala ring nakakakita. I feel so misunderstood and forgotten (draws thick lines under eyes... hahahaha!)

And by person I don't mean a special someone. Nako. Matagal na panahon pa yan kahit na ang hula ng karamihan ay ako ang unang magaasawa. Saan ba nila napulot yun? Kailangan ko lang ng makakaintindi sa akin. Parang wala kasing nakakaintindi.

Sana madefine na ang "The Science of Reservation." Ayoko naaaaa.

2 comment(s) :

  1. aray naman..

    Ngayon lang yan, Helen. Darating din yan diyan, tumityempo lang.

    Go Helen!!!

    ReplyDelete