Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Monday, October 05, 2009

So I Had A Bad Day

This is the worst day possible.

Una, nalate ako sa quiz ko sa first class dahil patawid pa lang ako nung dumating yung bus. Nakakaasar ang bus system dito. Ang tagal ng intervals tapos di man lang naghihintay. Rawr! At ganito nga pala ako ka-late sa quiz... nagpapass na yung mga iba kong kaklase nung kakatapos ko pa lang ng first question. Waaah.

Pangalawa, may umagaw ng silya ko doon sa isang class. Usually kasi nasa likod ko siya. Ewan ko kung nalito ba siya or what at umupo siya dun sa lugar ko. Di naman ako attached sa silya ko pero kamusta naman kasi ang height niya 5'10" ata at ako ay 5'2" lamang. So buong lecture, pasway-sway ako para lang makita yung harap. Argh.

Pangatlo, sana nagiisip muna yung ibang tao bago magtanong. Review class kasi namin kanina sa Math for our midterm tomorrow at come on sa mga tanong. Example... may inexplain na isang problem. Tapos nagtanong yung babae kung bakit sa ibang problem, hindi pareho yung solution. Uhm... hija, kaya nga ibang problem eh. Malamang iba rin ang solution. At dun nadevote ang oras namin. Ewan.

Pangapat, nahulog yung notebook ko sa sink habang dumadaloy ang tubig. Kamusta naman lababo, kailan mo ba ako titigilan? Hahaha! At for more irritation, talagang sumakto pa doon sa notes ng subject ng exam ko tomorrow. ANG SAYA! So imbis na makapagaral ako agad, nagplantsa muna ako ng notes para matuyo.

Howell, at least tapos na ang araw na ito. Sana maging maayos naman ang araw ko bukas.

0 comment(s) :

Post a Comment