Habang parating na ako ng bus stop kung saan dumadaan yung bus papuntang school, napansin kong parang ang daming taong nagaabang ng bus. Usually kasi hanggang apat lang kaming naghihintay ng bus doon. Pero kanina, biglang more than 10 kaming naghihintay doon. Ang explanation nun ay dahil nagsnosnow either hindi umandar sasakyan nila dahil sa lamig or ayaw nila magdrive dahil baka maaksidente sila dahil madulas ang snow.
Unang bus na dumaan, nilagpasan kami dahil puno na. Saya! Sabi sa akin nung katabi ko, yung bus din daw bago doon, nilagpasan sila. So intay na lang uli ng pangalawang bus. Dumating si bus number 2 at 9:10 (9:00 yung class ko) at nilagpasan uli kami. Whuuut??? Nagdecide akong puntahan yung bus stop na mas nauuna dun sa bus stop namin dahil baka pagdating ni bus 3, di uli ako makasakay. Papunta pa lang ako sa kabilang bus stop, dumarating na si bus 3 so "tumakbo" ako. "Tumakbo" dahil kapag totoong tumakbo ako, mawiwipe-out ako sa gitna ng kalsada sa dulas ng snow. 1 meter away na lang ako doon sa bus stop nang biglang umandar yung bus. WHAAAT!!!! Pinara ko yung driver dahil feeling ko jeep siya. Buti na lang, nakita niya ako at huminto siya. Yehey!
Dumating ako sa class ng 9:40. Natatapos klase namin ng 9:50. Hahaha! Kapal ng mukha. Buti na lang mabait yung katabi ko. Kinwento niya kung ano naganap sa klase namin.
After which, nagkaroon kami ng midterms sa Calculus. Late rin yung instructor namin sa Calculus. Nastuck daw siya sa traffic for 2 hours. Whoo. At sino nagsabing walang traffic sa North America? Hahaha! Yung iba kong classmates, dumating in the middle of the exam. Yung iba, gagawan na lang daw ng ibang exam kasi tipong 10 minutes na lang uli ang natira para itake ang exam. Galing lang nila pag natapos nila yun in 10 minutes. Hehe!
Pagkatapos naman nito, nagmidterm kami sa CS. Medyo nalilito na ako kung anong itatawag sa CS. Kung CS ba or Comp kasi Comp ang tawag nila dito. Kanina, biglang nagkaroon ng dila mga kaklase ko at kinausap nila ako. Tinanong lang nila kung ready na ako sa exam. Hahaha! At least may progress kahit papaano.
Finally and the most eventful of all ay ang nangyari bago magstart ng last class ko. There I was sa table outside the classroom. As usual, mag-isang nagsosolve ng assignment sa Math. Paglingon ko, may kaklase ako from Calculus na dumadaan. Siya yung lagi kong kabatian sa Calculus. Actually, siya ang tangi kong kabatian sa Calculus. So nag-hi ako sa kanya at nag-hi rin siya. Bigla siyang umupo dun sa table tapos napansin kong parang stressed itsura niya. Tinanong ko siya kung ok lang ba siya. Tapos bigla siyang naluha. Woah. Sabi niya feeling niya babagsak daw siya sa Math subjects. Ako naman, nagpapanic kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang nasabi ko na lang... "don't cry..." Hay. Pathetic. Kasi naman di ako marunong magconsole sa English. Di ko alam kung nakatulong ba ako sa kanya or naconfuse lang siya lalo sa akin. Pero ang punchline nito ay... di ko alam pangalan niya at feeling ko di rin niya alam pangalan ko. Wahahaha!
... and that was my semi-eventful day. Bow.
Blog Archive
-
▼
2009
(186)
-
▼
Oct 2009
(20)
- Slipping
- Happy Birthday, Self
- Failing Polya
- Untitled
- Coding vs Documentation
- Tony Velasquez is the Man
- Personality Disorder
- Registration
- C’est Moi
- My Semi-Eventful Day
- How Theorists Work
- Emo Kids
- Pagbibigay Salamat
- Study Materials
- The Fun Theory
- Stress Relief
- So I Had A Bad Day
- Nakakapagod
- Brain Dead
- Unusual Way
-
▼
Oct 2009
(20)
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
enjoy ako sa pagbabasa helen!another exciting day for you :D
ReplyDeletesana maglevel up na kayo to getting-to-know-each-other stage(for real) ng 'friend' mo sa calculus. ^^
oo nga at sana di ako magpanic pag naluha uli siya. hehe!
ReplyDeletetama, nakakatuwa magbasa ng mga kwentong-helen..
ReplyDeleteMore more..
Ayan, sana dumami na talaga ang mga kaibigan mo diyan! Dito kasi, ikaw ang friend ng lahat. Hehe..
hahaha! sana sana...
ReplyDelete