Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Sunday, October 25, 2009

Failing Polya

Ayon kay Polya may apat na steps na kailangan gamitin para sa problem solving.

1) Understand the Problem
2) Devise a Plan
3) Carry out the Plan
4) Look back

Unang step pa lang, nagfail na ako. Di ko maintindihan ang problem namin. I mean meron akong logical solution pero di nagmamatch yung results sa results nung example niya. Feeling ko simple lang talaga siya pero there's something wrong with the way the specs were written. Medyo vague yung explanation kaya nagemail ako sa prof namin. Nagreply naman siya pero di daw niya naiintindihan ang pinaggagagawa ko. Hahaha!

So 3am, di pa ako natutulog dahil nababagabag ako sa assignment. Wala naman akong contact info ng mga kaklase so wala rin akong matanong. Pathetic. So I guess, sa Monday, magstastart na akong magmake ng friends para may matanungan na akong matino. Hahaha! User. Di ko kasi alam kung ethical magtanong ng number dito eh. Di ba kasi sa movies nagtatanong lang ng number kapag gusto mo makipagdate? Wahaha! Baka isipin nila gusto ko silang i-date. Labo.

Semi-off Topic: Sorry nga pala friends at di ako nakatawag nung lumabas kayo the other night. Late na kasi ako nakatulog tapos di ko naramdaman yung alarm. Or naramdaman ko tapos pinatay ko? Di ko na alam. Hahaha! Sa sobrang pagod, di ko alam kung dream or reality yung naaalala kong nangyari. So dito ko na lang kayo babatiin ng happy birthday para kunwari special. (In order of birthdays)

JAYMEE! Ilang beses na ata kita binati pero happy birthday ulit. Pagibayuhin mo ang pagtratrabaho sa Chevron dahil pagbalik ko, I expect na ililibre mo ako. Hahaha! Sana ay wag na kayong masalanta ng future bagyos.

ANGEL! Hindi na uli kita nararamdaman. Pero kahit ganon, kapag nagparamdam ka naman ay parang hindi ka nawala. Lalim kuno. Haha! Wala akong masyadong balita sa iyo so I guess the best thing to say is I wish you happiness and content.

STEPH! Aking dapat na contact person. Di ko pa rin alam gumamit ng video call. Hahaha! Di bale, sana next time na magsama-sama kayo, di niyo lang ako makikita sa phone, makikita niyo ako in person. Hahaha! Ano ba ang masasabi ko sa iyo? Hmmm. Sana ay wag ka ng maasar sa mga kinaaasaran mo. Or sana maeliminate na lang yung kinaaasaran mo para di ka rin asar. Hahaha! Gift ko sa iyo: Si Puck, si Chuck at Luck. WOEH?!?!?! Anyway, happy birthday!

To all you three, thank you for the friendship! You guys are such great friends! See you soon! :)

4 comment(s) :