Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Tuesday, April 08, 2008

Nakikisabay Ka Pa Ha

Pati laptop ba naman ay makisabay sa paglilinis/pagaayos ko ng gamit? Bakit hindi? Why not? Hahaha!

Grabe! 24 hours akong nagpapanic dahil akala ko hardware problem ang nagaganap sa kanya. Tipong nagpipixelate na lang bigla ang screen tapos naghahang sa start-up pa lang. Inakala kong hindi kakayanin ng reformat kasi bakit sa start-up pa lang nagkakaproblema na? Buti na lang nasagot ng reformat ang problema. Whew.

MABUHAY ANG DISK PARTITION!!! Ang 5 years worth of mp3 collection ko ay hindi nabura. Iiyak talaga ako kapag nawala yun. Imagine 5 years akong nagbabad sa internet para sa mga iyun tapos mawawala ng ganon ganon na lang? NO WAAAY.

Ngayon ko lang narealize kung gaano kaimportante sa akin ang laptop na ito. Halos kalahati ng buhay ko sa CS nakasama ko ito. Dahil dito, naisipan ko na pangalanan siya. Wahaha! At ang pangalan niya ay... Mang Ben Q. Oha! Ang creative hindi ba?

2 comment(s) :

  1. ang cute nung name! may inspiration ba yan? :)

    inggit naman ako, sana may laptop din ako na pwede kong pangalanan XP ahaha

    ReplyDelete
  2. hahaha! oo! BENQ kasi yung brand niya. wahahaha! benta.

    kapag nagkaroon ka na, ibalita mo sa akin ang kanyang pangalan at ipapakilala ko siya kay mang ben. hahaha! :P

    ReplyDelete