Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Monday, April 14, 2008

Brother and Sisters

The final despedida of my despedida marathon this weekend was with the sisters of my Dad. Tita Cora, Tita Diana and Tita Grace.

Grabe! Kapag pinagtabi-tabi mo talaga sila, walang magiisip na hindi kapatid. Ang joke nga lagi namin ni Mommy, kapag si Daddy nilagyan ng wig, kamukha na siya ng mga kapatid niya. Wahahaha!

Si Tita Cora ang eldest sister ng Daddy ko. Ang ate nga ng dating habang kumakain kami ng lunch kasi siya sumasandok ng pagkain for my dad. Wahahaha! Ngayon na lang daw kasi niya huling mapagsisilbihan si Daddy. Medyo nagdradrama na nga siya na baka yun na daw ang pinakalast time na makita namin siya dahil sa edad niya. Waaah! Hindi naman sana...

Si Tita Diana ang second to the eldest sister ng Daddy ko. Sa lahat ng magkakapatid, siya ang pinaka-maloko. Naalala ko noong sinamahan niya kami sa Crocodile Farm sa Thailand, pinalamig niya yung kamay niya sa hawak niyang Coke in can tapos bigla niyang hinawakan yung binti ko. Siyempre sigaw naman ako, akala ko may crocodile na kumagat sa akin! Ang kuleeet! Hahaha! Ayaw niya actually kami umalis. Kung anu-ano na nga ang inoffer niya at ng asawa niya sa amin pero sadyang ganon talaga ang kapalaran.

Si Tita Grace ang youngest sister ng Daddy ko. Siya actually ang pinaka kilala ko dahil siya ang sumagot ng tuition ko from pre school to high school. Tapos yung asawa pa niya ay first cousin ng Mommy ko kaya sa kahit anong side na reunion, nakikita ko sila. Hahaha! Canadian citizen na nga rin pala siya kaya ang dami rin niyang advice sa amin. Hindi rin malayong magkikita pa uli kami.

Siyempre si Daddy ang bunso at only son kaya favorite daw nina Lola. Sa magkakapatid, siya lang ang nawala sa linya ng medicine. Favorite ngang talaga! Hahaha! Hindi tulad ng mga kapatid niya, tahimik lang si Daddy. Pwedeng matapos ang araw na wala siyang sinasabi. Kahit ako minsan nabibingi sa katahimikan niya. Kaya kapag nagkwekwento siya, sobrang naaappreciate ko kasi minsan lang talaga iyon. Kanina nga, hindi rin siya umimik. Mas nagsalita pa ako kaysa sa kanya eh, kapatid na niya yan ha!


Kanina habang kumakain ng lunch, napagkwentuhan nila kung ano ang mga ugaling namana nila kay Lolo o kay Lola. Kay Lola daw ang pagka-musically inclined. Kasi yung Lola daw nila, bale Lelang ko na, ay isang music teacher. Tapos kay Lolo naman daw ang hindi pagiging aggressive. Yung tipong kontento lang daw sa simpleng buhay. Naisip ko lang na medyo namana ko rin ang mga bagay na ito. Hahaha!

Napagkwentuhan rin nila ang mga apo nila. Siyempre pataasan ng bangko sa mga apo. Si Daddy naman no comment kasi wala siyang apo. Hahaha! Isipin ninyo, dahil only boy si Daddy at only child ako, kapag hindi ako nagkaanak, mapuputol na lang bigla ang lahi namin. Wahahaha! Pressure na ito!!! JOKE!

Ang galing din kasi ngayon ko lang nalaman na bumuo pala sila ng family tree. Hanggang 8 generations daw yung natrace nila. WOOOW! Laking puno! Hahaha! Bibigyan daw nila ako ng kopya dahil bihira lang daw yun at para sa mga apo ko. Hahaha! Hindi makagetover sa apo.

Nasabi ko na dati na hindi talaga ako malapit sa mga Borromeo kaya natutuwa ako na sa marahil isang huling pagkakataon ay may nalaman ako tungkol sa mga kapatid ng Daddy ko. Mayroon rin pala akong pagkakapareho (bukod sa itsura, hahaha!) sa kanila kahit hindi ko sila gaano nakakasama.

0 comment(s) :

Post a Comment