Betamax-> VHS -> Laserdisc-> VCD -> DVD... Ano kaya ang susunod?
Kanina, kinuha namin yung mga Betamax na pinaconvert namin to DVD. Yung isa doon, Golden Wedding Anniversary ng mga Lola at Lolo ko sa father side. WAHAHA! Nakakatawa talaga ang mga wedding videos noon. Sobrang scripted at ang psychedellic ng mga effects. Yung mga tipong umiikot-ikot ang mukha o di kaya yung kunwari sinusukat lang ang gown tapos biglang aba't suot na! HAHAHA! I can't stop laughing.
Lalo na nung nakita ko mga magulang ko. Ito ba naman kasi makita mo:
The ULTIMATE "I don't know they are taking a video of me" look. Si Daddy kunwari tingin kay Mommy. Si Mommy kunwari busy sa pag-inom. Wahahaha! Wahahaha! Ang sama ko.
Buhay na rin pala ako ng naganap iyun. May special part pa nga ako. Wahahaha! Hindi flower girl. Hindi pa ata ako matino maglakad noong mga panahon na iyan saka baka kainin ko daw yung petals ng bulaklak at wala na akong mascatter. Ito ang aking special part:
WOW! Nice one family! Hahaha! Tamang ipagspeech ang toddler? Hahaha! May theory ako na walang nagprepare ng speech sa kanila kaya ako na lang ang pinagsalita. Whooo! At ang nasabi ko lang ay "waa waa" How touching right? Hahahaha!
Pero in fairness, nakakaaliw ang aking hairstyle. Here's a closer look:

Siyempre ang Mommy ko, pakadainty. Ang tawag sa akin ay Sweet Pea. Hahaha! Yun ang inspiration ng hairstyle. Ito pa, ang tawag naman daw sa akin ng mga tito ko noong bata ay Spock. Kung bakit, iresearch niyo na lang. Basta may kinalaman sa Star Trek at sa isang body part ko. Wahahaha! Benta.
Anyway, ito ay isang walang kwentang post. Pero natatawa talaga ako. WAHAHAHA!
Katuwa naman to!
ReplyDeleteDVD -> {High def DVD (HD DVD) || Blu-ray Disc (BD)}
ReplyDeletelast time I heard nag-backout ata ang Toshiba tungkol sa HD DVD, so BD ata ang magpupunyagi sa mga susunod na panahon... :D
@sj87: wahahaha! natatawa pa rin ako...
ReplyDelete@rdgoite: ooooohhh. meron na palang ganyang nagaganap. ako'y nahuhuli sa balita!!!