Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Sunday, April 27, 2008

Batang May Laban

Tapos na ang booster shot marathon ko! Whooo! Ako'y batang may laban na uli. Hahaha! Since Monday kasi, halos every other day ako pumupunta ng doctor para magpabooster shot at immunization. Anim ang tinira kong gamot at laging sa magkabilang braso ininject. Kaya niyo yun? Hahaha!

Kahapon, pagkatapos ng dalawang immunization shots, pumunta kami ng Nestle Creamery para maglunch. Ang sayaaaa. Feeling ko bata pa uli ako. Hahaha! Tapos pumunta ng school para kunin ang yearbook. Yehey! I have yearbook already. Pagkatapos namin kulitin si Kuya Inhinyero, nakakuha na rin ng almost perfect copy. Hahaha! Wala lang. Memories... all alone in the moonlight. (Maling lyrics intended) Kasama sa pagkuha ng yearbook ay ang mga Stratpoint people (Arvin C, David and Denise) plus Tina. Hehehe! Mukha namang enjoy sila sa kanilang OJT's at may nalaman akong chika ukol kay Arvin C. Ganon pala yun eh! Hahaha! Sayang at di namin gaano nakasama sina Tina at Arvin C noon. Nakakaaliw rin sila kasama. Di bale, kailangan magkaroon ng susunod na pagkakataon ng pagsasama. Sumunod rin ang mga graduating na sina Dy at Lester sa pagkuha ng yearbook. Weee! Fresh from the recognition rites lang o! Pacheese burger namaaan!

Napadpad kami ni Dy bigla sa Trinoma kasama sina Arvin C, David at Lester (in search for suspenders) Di ko rin alam. Bigla lang kami napasakay ng jeep. Hahaha! Pagdating sa Trinoma ay humiwalay kami ni Dy para humanap ng skirt niya for graduation pero wala rin kaming nakita. Kumain na lang uli kami sa BreadTalk. Kain lang ng kain. Tapos sinundo kami ni Gio Gan at ni Daddy. Sa kotse, nagusap ng kaunti si Dy at si Daddy tungkol sa Bicol. Nawindang ako. Hahahaha! Tapos kinulit namin si Gio Gan na tinitignan si Dy kasi nag-aalien language. Hahaha!

Pagkatapos ay umuwi para maghanda para sa handaan ni Fleur. Whooo! Busy? Hindi rin.

0 comment(s) :

Post a Comment