Kahapon ng gabi ay celebration ng birthday at graduation ni Fleur. Yehey!!! Pumunta uli ako sa bahay nila for the second time around in my entire life.
Siyempre, wala akong kakilala talaga bukod kay Fleur at sa Mommy niya. Yung iba kilala ko lang sa pangalan dahil nakwekwento ni Fleur. Hehehe! Weird rin pala ang feeling na magkaroon ng concrete na tao mula sa mga kwento. Hahaha!
Friendly naman ang kanyang friends. Yung iba too friendly pa nga? Hahaha! Joke lang. At siyempre, halata ang mga may issues with each other. Siyempre alam ko! Tsismosa eh. Hahaha! Masaklap lang talaga ang buhay pag-ibig. Ayown!
Turns out di lang pala si Fleur at Mommy niya ang kilala ko sa party. Nakita ko rin kasi si Moie. Ang teacher sa CS 173 na irog ng kapatid ni Fleur. Why not? Isa nanamang weird na tagpo. Ang weird talaga kapag nakikita mo ang teacher mo outside of class. Ahaha!
Nakita ko na rin pala ang "irog" ni Fleur in real life. Ang masasabi ko lang, magkamukha sila. Akala ko nga nung una, pinsan niya eh. Pero sabi nila nagkakatuluyan daw ang magkamukha? Hahaha!
Isa palang nakakatuwang way ng pagpapakilala sa akin ni Fleur sa kanyang mga kaibigan ay ganito... "Helen, si [someone], [some voice section] namin" Hahaha! Puro mga taga choir kasi ang nandoon bilang 2 choir ang member si Fleur. Kaya nga kahit may karaoke ay di ako humawak ng mikropono dahil ako'y nahihiya. Ahahaha!
Mga 12:00am ay sinundo na ako. Ako si Cinderella. Hahaha! I wanted to stay longer pero maaga pa kasi kami kinabukasan dahil may despedida uli kami.
Despedida kasama ang mga tito at tita sa mother side. Actually, parang joke nga eh kasi halos araw-araw rin naman kami nagkikita. Hahaha! Una, kumain sa Pineapple Street house. Tapos tumawag kina Mommy sa Canada. Nung sinabing nakaset-up na ang webcam, lumipat ng Pomelo Street house at naging virtual ang party. Hahaha! The wonders of technology. Yack!
Ang kulit nanaman nila lahat siyempre. Si Gio Gan, butt ang pinangkausap. Tinapat pati microphone sa butt niya. Shy daw kasi siya sa camera. Hahaha! Ito pa nakakatawang tagpo...
Mommy: "Anak, gusto ko makita si Daddy sa camera"
Ako: "Dad tapat ka daw sa camera"
*Mommy sees Daddy on camera*
Mommy: "Wow! Ang pogi pa rin."
Waaah! Alam niyo yung sa mga series / movie na nagiging keso ang magulang tapos may reaction ang anak. Ganon lang naman. Hahahaha!
Anyway, ilang tulog na lang at kami naman ang nasa other side of the webcam. But before that, 4 more parties to go to. Whooo! Party party party!
0 comment(s) :
Post a Comment