The celebration started with the motorcade/parade around the acad oval. Nakakatuwa si Mareng Winnie dahil ang hyper niya nung dumaan ang School of Economics in front of Melchor Hall. Kailangan rin imention ang performers ng U.P. Baguio dahil pinanindigan nilang taga-Baguio talaga sila sa pamamagitan ng pagsuot ng bahag. Niloloko nga namin iyung isa na pa-conservative pa dahil nakavest siya. Wahahaha!
Tapos nakisama na rin kami sa parade bilang Eng'g students. Pagdating sa may Oblation ay humanap na kami ng puwesto sa field. Medyo malapit kami doon sa mga army men kaya nakakagulat pag may paputok. Habang iniisa-isa ang mga torch bearers, narinig namin ang name na "Dan Christian Llanete" at nagdiskusyon kung si DC nga ba iyun o hindi. Pero dahil sobrang coincidental naman masyado na isang letter lang ang pinagkaiba, nagconclude kami na siya na nga iyun. Grabe! Ang galing!
Hinintay rin namin dumaan ang torch bearers sa may malapit sa field. Ang ganda nung effect na maraming torches na naka-ilaw. Para silang townspeople na may gustong sunugin na bahay o sugurin na tao. Hahaha! Joke! Dahil nasa may harap ako ay nakita ko ng malapitan si Ryan Cayabyab at si Richard Gomez. Amazing.
Pagkatapos nito ay nagkaroon ng concert of sorts sa may ampitheater pero dahil ang dami ng nagdagsaang tao ay hindi na lang rin kami pumunta. Kumain na lang kami ng dinner sa Katipunan at bumalik sa U.P. just in time for the fireworks.
ANG GANDA NG FIREWORKS! Sayang nga lang at naglalakad pa lang kami papuntang field ulit nung nagsimula na yung display. Natatakpan tuloy ng puno nung nanonood kami. I especially liked the finale na parang rain of lights na mabagal.
Next stop ay U.P. fair naman. Mukhang magiging grand din daw ang fair this year dahil nga centennial ng U.P. Yehey!
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
sana nanoood kayo nung concert, hahaha cool!!! ang daming kanta at tugtog at sayaw!
ReplyDeletewaaah! nakakatakot kasi bigla na lang dumagsa yung mga tao kaya di na kami tumuloy. hahaha!
ReplyDelete