The ceiling... woeh!
Medyo napapadalang na ata ang pagpopost ko dito. Late na kasi nakakauwi at pagod na pagdating sa bahay kaya kung walang importanteng gagawin, diretso na sa kama. Bukod doon, wala rin akong maisip na gusto kong sabihin. Hahaha! Nasusulat ko na kasi yung ibang gusto kong sabihin sa sinabi kong personal journal ko. Masaya rin pala magjournal ng papel at ballpen ang gamit. Feeling mo, writer ka talaga. Pero kunwari lang na writer ako. Matagal pa bago ako makapagsulat ng matinong "work." Hindi ko nga alam kung mangyayari pa yan sa buhay ko.
Anyway, ano na nga ba ang nangyayari sa buhay ko?
Una, Projects.
EEE 9 Lab Project, sana matapos ka na by Friday. Kung bakit naman kasi napakalaki ng kailangang gawing circuit? Hehehe! Pero go groupmates! Kaya natin ito! CS 192 Project, hindi ko alam kung tama ang ginagawa kong database. Hahaha!
Pangalawa, CS Week Stuff.
Parang magiging mas masaya ang CS Week ngayong taon compared to other years. Naalala ko ang mga Student-Teacher Dialogue days. Benta.
Pangatlo, Buddies Galore.
After 4 years in college, ngayon lang ako nagkaroon ng app buddies. Oh yes. Napakasaya. Hahaha!
Pangapat, Harana Express Practices.
Isa nanamang pauso ng ICTUS. Hehehe! Featuring the songs Minsan Lang Kitang Iibigin and Kailan. Kaya wag kayong magtataka kung kinakanta ko itong mga ito.
Busy-busyhan nanaman kuno. Pero masaya ang may ginagawa. Ang hirap kasi pag walang ginagawa. Parang nababaliw/nabobobo ako.
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
Ano yung "Kailan"? ito ba ung sa eraserheads? May piyesa ka?? :)
ReplyDeleteYung sa Smokey Mountain na version. Hindi ko alam if it's the same as the Eraserheads'... May noteworthy file ako. Hehehe!
ReplyDeletemasaya nga magkeep ng diaries! mas fun mag reminisce pag talagang ikaw yung nagsulat, hindi tinype. haha.
ReplyDeleteoo nga! problema ko lang... habang tumatagal, papangit ng papangit handwriting ko. wahahaha! oh well...
ReplyDeletepasend!!! hahha buti ka pa sinisipag ka mag journal!! wala lang..
ReplyDeletehaha! with just 9 units, sisipagin talaga ako. haha!
ReplyDelete