Sobrang hindi ko talaga gusto ng history simula pa noong highschool. Hindi ko talaga magawang mainteres sa mga pangyayari sa mundo dahil una, tamad ako magbasa at magmemorize na siyang perception ko sa mga history subjects. Pangalawa, parang hindi ako makarelate most of the time. Pero dahil kailangan ng Filipino Studies sa curriculum, kumuha ako ng Kas 1 nung second year ako.
Swerte naman ako dahil ang nakuha kong teacher ay si Sir Michael Charleston "Xiao" Chua. Iba kasi yung paraan niya sa pagtuturo. Hindi puro memorization ng people, places at events. Nagawa niyang ilapit sa amin yung lesson.
Isa ako sa mga unang studyanteng naturuan niya. Napasama ako doon sa klaseng hindi puro freshie. Lagi niya kaming sinasabihan na masaya ang klase namin dahil may mga sungay na daw kami di tulad nung kabila niyang klase na puro freshie na mababait. Hehehe!
Nakakatuwa rin si Sir Chua kasi kahit na hindi ako pala-recite sa klase ay natatandaan pa rin niya ako. Pag nagkakasalubong kami sa daan ay nagbabatian kami na hindi ko talaga karaniwang nagagawa sa mga teacher.
Siguro isa si Sir Chua sa mga nabibilang na teachers na tumatak talaga sa buhay ko. Ibang klase kasi talaga yung passion niya sa pagtuturo. Nakakahawa. Kaya ito at ishashare ko yung isang blog entry niya na natuwa akong basahin. Hehehe!
"Hindi ako perpekto. Marami akong kahinaan. Alam kong kahinaan ko ang aking pagiging sentimental at emosyunal. Subalit alam ko rin na narito rin ang lakas na ibinigay sa akin ng aking Panginoon: HINDI AKO TAKOT MAGBAHAGI NG SARILI, HINDI AKO TAKOT MAGMAHAL."
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment