Dahil hindi ako nakasama last time sa panlilibre ni Julie, nagkaroon ng second round of libre. Yehey!!! Sakto lang dahil ACLE nung Thursday at walang pasok nung hapon.
We went to Trinoma and ate at World Chicken. Medyo matagal uli bago kami nakapagdecide kasi ganon talaga kapag pinagsasama ang mga taong laging sagot ay "kayo..." Hehehe! Dati pa ako nakakain sa World Chicken at kahapon ko lang talaga napagtanto kung bakit "World Chicken" ang pangalan nung kainan. Hahaha! Para kasing you experience the world when you choose different combinations. Hala... nabobo na ako.
Anyway after that ay nagtungo kami sa arcade para laruin yung laro ni Steph. Parang hahanap ka lang ng matches using the touchscreen tv. Pambata siya actually pero dahil olats kami, we only won 2 tickets. Wahahaha! Naglaro rin kami ng deal or no deal. Pero sobrang olats talaga na tipong natalo pa kami doon sa huling deal ng banker. Waaah! Hehehehe! Nagpapicture rin pala kami kung saan di namin alam kung saang lens titingin kaya mukha kaming tanga.
Habang nagdrudrum game kami, biglang may babaeng lumapit sa amin. Aba! Si Judoka Jaymee pala! Hahaha! Kasama daw ang kanyang high school friends. Akala namin date na siya with Judoy.
Nang napagod na kapupukpok ng drums at naubusan ng load ang card, umuwi na rin kami. Nakakatouch si Julie dahil siya pa nagpasalamat through text nung nakauwi na kami. Awww...
Napakasayang magpalibre sa mga nagtratrabahong mga kaibigan. Madaya nga lang dahil by the time na nagtratrabaho na ang mga friends ko, wala na ako para magpalibre. Wahahaha! Kaya ilibre niyo na ako ngayon na habang nandito pa ako ok! Hahaha! Demanding.
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment