Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Saturday, January 05, 2008

Libot-libot

Before going to the meeting with the UPACM Council yesterday, naglunch muna kami ng nanay at tatay ko sa Trinoma. Once in a blue moon lang kami kung kumain sa labas or lumabas at all so it was what I could say a momentous event. And because minsan nga lang kumain, sobrang dami naming kinain. Medyo malungkot nga lang na kailangan kong paspasan ang pagkain dahil malalate na ako sa meeting.

When I got to the meeting place ng Council, sumalubong sa akin ang isang katerba nanaman ng pagkain. I only ate a slice of pizza kasi sobrang busog na ako at kasalanan na kapag kumain pa ako. Sayang nga eh kasi hindi ko nasulit ang libre. After the meeting, libot-libot muna kami at kaunting bonding and kulitan time.

Then I met again with my parents and heard anticipated mass with them. On the way home nagtanong ang nanay ko kung ano ang kakainin namin for dinner. Dahil busog pa kaming lahat, we ended up watching a movie na lang. Isa uli itong momentous event dahil matagal na panahon na ang lumipas noong huli kaming nanood ng sine as a family. Ang suggestion ko ay Bahay Kubo para family film talaga pero ang gusto daw panoorin ng nanay ko ay Sakal, Sakali, Saklolo. Bwahahaha!

Natamaan ako doon sa linya ni Ryan Agoncillo na hindi daw niya gusto sabihin yung "I love you" sa nanay niya dahil it sounds cheesy. Yep, it really is cheesy pero iba pa rin talaga pag sinabi mo yan sa mga taong mahal mo. Tulad rin ng sinabi ni Gloria Diaz minsan, yun lang rin ang hinihintay nilang sabihin mo. So after watching the movie, I told to myself na I should say "I love you" more often pero basta mahirap talaga para sa akin na sabihin ito.

Hay, masaya talaga ako kahapon kasi para uli akong batang nililibot ng magulang sa kung saan saan.

0 comment(s) :

Post a Comment