Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Wednesday, December 05, 2007

cutter stress

grabe! i have been feeling stress the past days but definitely not because of academic matters. parang side effect na lang ang pagka-stress dahil sa acads. puro dahil sa extra-curricular and in effect napapabayaan na ang acads. ohnooo! pasaway!!! anyway, this is what happened to me the past days...

last saturday and sunday were my first ictus caroling days. though nakakapagod, masaya naman kasi it is for a good cause and i get to interact with my new orgmates pero siyempre di pa rin nasisira ang reputasyon ko bilang tahimik na tao.

on the way home from the caroling saka ko lang narealize na hindi pa kami nakakagawa ng assignment sa 192! yehey! so ayun online agad ako pagdating ng bahay but dahil nakalimutan kong paubos na rin pala ang prepaid internet ko, hindi rin ako gaano nakatulong. grabe! nakakahiya kina maryann at denise kasi pinag-ol ko pa sila. huhu! bawi na lang ako next time guys. pero di pa rin ako nakatulog agad kasi may ginawa pa ako for the ictus exhibit. wehehe!

the following day, monday, i had to go early to school para tumulong sa exhibit ng ictus. i felt that edel was already on a panic kaya i decided to cut my 192 class and cut pictures instead. wahahaha! after finishing the exhibit and attending the blessing, punta naman ako ng enggsoc dahil kailangan naman daw gumawa ng directory. so parang nagaart class na lang ako the whole day and because i only had more or less an hour of sleep, bangag na bangag ako. nakakatawa nga kasi feeling nina angel and denise may deep problem ako concerning an issue in my life. it came to a point na nagdradrama talk na kami. wahahaha! natatawa pa rin ako hanggang ngayon dahil seryosong dahil lang kulang ako sa tulog kaya ganon ako.

dahil ang sama na talaga ng pakiramdam ko, i again cut my eee 9 class meaning wala akong ipinasok na klase that day. come on! but still i proceeded with the awitan practice til 9:00pm. i had a constant mood swing that night. one minute ang happy ko, the next minute ay and sungit ko naman. sinabihan ko naman sila na masama pakiramdam ko. sana nagets nila na kaya ako nagkakaganon ay dahil sa kasamaan ng pakiramdam.

pag-uwi, KABLAG! tulog agad sa kama.

the following day napasarap naman ang tulog at nalate sa eee9 lab. hahaha! pero abot pa rin naman at ang saya dahil nalaman ko na ang lab mate ko na si eden ay may kaparehong kapalaran tulad ko. naiintindihan niya ang nararamdaman ng isang batang isang taon na lang ay tapos na pero di matatapos. at siyempre nagchikahan kami sa harap ng lab teacher namin. wahahaha! pasaway.

after nito ay sacrifish naman sa ictus. kumain kami ng lugaw. hehehe! habang kumakain, naalala ko yung version namin nito noong highschool na "lugaw for a cause." hehehe! ito ang unang araw ko in a long time na hindi kumain ng lunch together with cs friends. ang lungkot... i really miss having lunch with them on a regular basis.

my next class was natsci1 and i really need to keep myself interested in this class. yun nga lang, hindi talaga eh. ang hirap talaga magconcentrate pag large class lalo na at nadiscuss na most ng lesson sa physics series. ay grabe! ngayon ko lang narerealize kung gaano ako maghahabol.

last na kwento na ito. hahaha! last night was carstuffing. hindi ko first time maexperience mastuff sa car kasi enggsoc tried to join 2 years ago pero hanggang practice round lang kami. sumabog kasi yung window ng kotse after magpractice nung isang org. scary! this year, sa ictus naman ako pinasok pero walang nagbago dahil hanggang practice round lang uli ako nastuff. hehehe! alam niyo na ang dahilan kung bakit.

pero i was really touched with what one of the alumni said after nung first round at hindi kami yung pinakamaraming napasok, she said something like... "only 27 went in but look how many we are here. look how many are willing to sacrifice for the kids" basta mas ok yung version niya. wahahaha! basta that night was meaningful kahit 2nd place lang kami. doon ko nalaman na hindi ako nagkamali at sumali ako ng ictus. yack! ang drama na. wahaha!

so there that was what happened to me the past days and may i just mention na wala pang kalahati ito ng semester. hahaha!

0 comment(s) :

Post a Comment