Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Monday, December 24, 2007

last christmas in pinas

knowing that this will be my last christmas in the philippines made me appreciate every part of it. mga parol, fireworks, caroling, puto bumbong, bibingka, simbang gabi (na hindi ko nabuo. boo!), christmas parties, santa na di mukhang santa, christmas traffic, christmas rush, template christmas gifts (scented candle o mug), plastic christmas trees at lahat ng ibang bagay na pasko lang sa pilipinas matatagpuan.

despite the appreciation, i did not exactly feel na malapit na ang pasko the past days. ang init kasi ng panahon at busy kami sa pagaayos ng mga gamit na dadalhin namin to canada pero after watching the nativity story kagabi naramdaman ko na pasko na nga talaga. hehehe! natouch talaga ako sa panonood ng movie to a point na iyak ako ng iyak. hahaha! natatawa nga ako sa sarili ko kasi alam ko na rin naman ang story pero umiiyak pa rin ako. hehehe!

thankful rin ako sa maraming bagay ngayong kapaskuhan pero ang pinaka pinagpapasalamat ko ay sa relasyon ko sa Kanya na nawala when i went into college na nanumbalik lately. sobrang nagpapasalamat talaga ako doon dahil it is the one thing that keeps me strong these days. siyempre nagpapasalamat din ako sa pamilya ko na laging nandiyan at sa mga kaibigan ko na tanggap pa rin ako sa gitna ng lahat ng kabaliwan ko. hehehe!

marami pa akong gusto sanang sabihin pero baka maiyak mga makakabasa pag sinulat ko dito. wahahaha! joke! basta maligayang pasko sa lahat!!! sana maappreciate ng lahat kung gaano kasaya ang pasko sa pinas.

2 comment(s) :

  1. tsaka ka na mag-drama! merry Christmas helen :)

    ReplyDelete
  2. bwahahaha! merry christmas din steph!

    ReplyDelete