kahit nagkakagulo na sa pilipinas, tuloy pa rin ang pagprapractice sa awitan. hahaha! yun nga lang ay na-cutshort na rin ng dahil sa walang organ at sa curfew. napakagaling! pero sakto lang naman dahil this means more time for karaoke night!!! yahoo!
so there, karaoke at steph's house together with angel, arvin, dy and of course reggie (the magic sing owner!) hehe! pagdating sa bahay ay nakita uli namin si lola oyang. hehehe! masaya na uli si steph!!!
karaoke night started with reggie singing his trademark song "can you feel the love tonight" hahaha! hanggang ngayon ay naniniwala akong may modus operandi si reggie kaya laging mataas nakukuha niyang score. nyahahaha!
hindi pa nakakalipas ang ilang saglit, nakahiga na si angel. hahaha! hulaan niyo kung sino unang natulog... pero in fairness inabot pa naman niya ang magic sing game kung saan wala kaming alam na kanta at nabobo ako sa pagbasa ng "A Team and B Team."
ay mapuwera nga pala sa isang kanta na alam ng mga nakakatanda naming mga kasamang sina dy at arvin. hahaha! akala mo ang laki ng tinanda nila eh. sila ang matatawag na king and queen of karaoke. kasi itong si arvin ay alam halos lahaaat ng kanta ultimo intro ay kinakanta pa rin. ito naman si dy ay reyna dahil ayaw papigil sa pagkanta. alas quatro na at tuloy pa rin sa pagkanta. hahaha! kung di pa kami humiga, siguro hindi siya titigil sa pagpipindot for a next song. wahahaha!
the following day naman ay practice na ulit for awitan. grabe NAKAKAPAGOOOOOOODDD!!! pero fulfilling naman pag naririnig mong tumatama yung kinakanta nila. hahaha! sana dumami ang tamang kinakantang tama. wahahaha!
kaya ayan puro kanta ginawa ko sa mga nakalipas na araw at isang himala na may boses pa rin ako hanggang ngayon. hahaha!
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment