Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Friday, December 21, 2007

ms engg overnight














miss engg ang pinaka sa pinaka sa lahat ng events sa engg week. hindi ito dapat mamiss kaya maaga pa lang ay bumili na kami ng tickets. pero dahil wala pa ring ticket ang ibang kaibigan, pumuslit kami from lantern parade para pumila sa bilihan ng tickets.

grabe! mga 2 hours ata kami naghintay bago makapasok ng f.i. tinubuan na ako ng ugat di pa rin nakakapasok. tsk tsk. di talaga magaling esc sa crowd control/event handling. pero sobrang reklamador rin ng engg students kaya basta laging magulo ang lahat ng events. wahahaha!

nakakatuwa lang ang pambato ng enggsoc na si alan dahil ang bibo niya. tipong nagfly-flying kiss siya sa enggsoc always. hehehe! in fairness sa mga winners, mukha talaga silang binabae. hehehe! i love ms alchemes!!! waaaah! ang pretty/gwapo niya. hehehe!

as usual benta ang mga awards. mrs engg, ms talikodgenic and of course, ms thank you for joining. hehehehe! buti nga nawala na yung ms kurimaw eh. hahaha!

after ms engg, enggsoc party naman. pero parang nagsarili na lang rin kaming cs people + steph's cousin patice kasi ang dami ng tao dun sa place ng enggsoc. hehehe! steph ordered a pitcher of zombie kaya required uminom lahat para walang malasing at wala naman talaga. then diretso overnight sa bahay nina steph. yehey! largest overnight turn out so far. hehehe!

bago matulog, naglaro muna ng mga kalokohan. ang p-m-s, forecasting of futures at para sa mga matatag at gustong abutan pa ng sikat ng araw, ang paglitanya ng mga hinangaang tao. hehehehe! promise, wala na talagang lalabas mula dito...

pagkagising kinabukasan, magic sing naman! whooo! pero corny mga tao ngayon. nakasampung kanta na ako, wala pa ring umaagaw ng mic. hehehe! tapos jollibee for lunch. yehey! dahil bitin sa naging dinner nung enggsoc party, todo extra rice ako at maling desisyon dahil may caroling pa later that day. at before going to caroling, nag red ribbon muna kami nina dy at kristel. continuation of topic before going to sleep. wahahaha! adik lang eh. then off to caroling which is another story. the end!

0 comment(s) :

Post a Comment