let me start my story with the students mass nung sunday. maganda yung homily ni father.
"When our hearts become accustomed to the absence, we become less conscious of the time. And as the day of arrival approaches, our hearts begin to beat a little faster and we become excited."
then he translated it to something like this.
"Bumibilis ang oras kapag nasasanay na ang puso."
tagos. hahaha!
after ng students mass ay nag scholars school naman ako. it was my first time to meet the scholars kasi never pa ako nakapag-scholars school nung app pa ako. our activity was about giving up something. tagos muli. wahahaha!
dahil may caroling uli nung evening, naghintay na lang kami ni kc sa tambayan. so from 3:00 - 7:00 pm ay nasa tambayan lang ako. so to kill time, i tried studying for the exam sa eee9 the next day.
when 7:00 pm came, caroling mode na uli. hehehe! that night we carolled sa isang party ng mga chinese. i'm guessing business party siya kasi they were talking about sales etc, etc. it reminded me of the company where my parents used to work for. hehehe!
nagdecide akong magsleep-over na lang sa bahay nina ice kasi parang mas makakapagpahinga ako if i slept over at her house. may simbang gabi kasi ng 4:00 am the following day. pero turned out na hindi rin! may emergency kasi na nangyari sa dad ni pat kaya we went to medical city after arriving at ice's house. pero ok na naman ata yung dad ni pat kaya yehey!
mga 1:30 na kami nakabalik sa bahay ni ice at kamusta naman kailangan namin magising ng 3:00! kaya parang mga 30 minutes lang ata yung tulog ko. hahaha! so ayun, simbang gabi. ang daming tao kahit sobrang aga ng misa. may librang breakfast din after. bibingka at puto bumbong. yehey!
after makapagalmusal tulog muna sa tambayan. tapos 8:30 pumunta ng cs building dahil akala ko may 192 pa kami. but no! akala ko lang pala yun kaya pumunta ako sa lib para subukan mag-aral pero nakatulog ako for almost 1 1/2 hours doon. grabe, dapat mahiya ako eh. pero dahil sobrang inaantok pa rin talaga ako, hindi ako nahiya sa ginawa ko. hahaha! nang magising, pumunta na lang ako ng enggsoc para gising ako habang nagaaral.
pagdating doon, may libre uli na tanghalian. yehey for me!!! aral tulog aral habang ginagawa ang aming maarteng'g tambayan. tapos lumipat kami ng eng'g theater kung saan hinohold yung singengg sensation na event din ng enggsoc. ngayon ko lang narealize na medyo stupid yung decision na doon magaral dahil medyo di makakapagconcentrate pag doon.
then exam na! nahirapan ako sa exam kasi hindi ako nakapagaral talaga ng matino as seen in my narration. hehehe! bawi na lang sa mga susunod na exam. after the exam, nood naman kami ng indakan at dahil anime ang theme, hindi ako makarelate most of the time. hehehe! meron ring time na natutulog na ako sa upuan ko. hahaha! tama ba namang gawing last performance ang enggsoc? hehehe! pero aliw ang performance ng enggsoc. hindi naman kami super nagkalat or anything.
after announcing kem as still the undefeated champions, umuwi na ako and slept on my own bed at last! hahaha! next stop... MS ENG'G!
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment