alam mo ba yung pakiramdam na bigla ka na lang ngingiti sa isang mataong lugar dahil may naalala kang nakakatuwang pangyayari tapos sasabihin sa iyo ng kaibigan mo "hoy! anong nginingiti-ngiti mo diyan?" tapos di ka sasagot at sasabihin na lang sa iyo nga kaibigan mo "adik ka no?" pero ang totoo lang naman ay may naalala kang masayang kaganapan.
kung nangyari na ito sa iyo, pareho tayo! naalala ko lang kasi nangyari (ulit) ito sa akin kanina. ewan pero yung ibang tao nahihiya pero ano ba ang dapat ikahiya eh sa masaya ka eh! haha! at dapat lang na maging masaya sa mga panahong padagsa na ang mga exams. ito rin ang dahilan kung bakit kami biglang napasakay sa philcoa at napakain sa jollibee at nagkwentuhan ng mga kabalbalan.
minsan talaga, masarap magpakaadik. hindi yung masamang klase ah. yung wala ka lang ginagawa kundi maging masaya kausap ang mga taong gusto mong makausap. hehehe!
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
ansaya naman nito! hehe. tama tama, masarap magpakaadik! nyahaha
ReplyDeletehahaha! oo naman! masarap talaga magpakaadik... *humithit* hahaha! joke!
ReplyDeletehmmm... jokes are half meant... hmmm... wahahaha...
ReplyDeletenako naman! pano mo nalaman?! gusto mo?! bwahahaha! labo...
ReplyDelete