Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Wednesday, August 02, 2006

event one heat one

kanina ay ang anticipated na first competition ko ever sa swimming. hahaha! muntik pa nga ako di makaattend kasi kakagaling ko lang ng lagnat kahapon. hence, di ako nagpaalam sa aking magulang kasi alam kong di nila ako papayagan. so pano ko napuslit ang gamit-panglangoy ko?! well, skill yan! wahahaha!

medyo nakakakaba na nakakaexcite. buti na lang i had an idea kung gaano kagagaling ang makakalaban ko. nakapanood na kasi ako ng uaap ng swimming nung 1st year dahil required sa swimming class. hahaha! siympre expect the worst. so ayun, dahil alam kong posibleng ganon sila kagaling, i knew where to place myself. sabi ko sa sarili ko, basta matapos mo lang yan ng pinakamabilis na kaya mo, kahit di mo sila masabayan.

so ayun na nga, nasa pool na kami and nag-lapping (kuno). dumating na ang iba pang swimmers. siyempre may mga magagaling. mga varsity ata yung mga yun!!! hahaha! para di kabahan, inisip ko na lang na hindi isa sa kanila ang makakasabay ko.

event 1, heat 1, 50 meters female. shiet! ako na ito! waaah! (first whistle) go to places. shiet! kasabay ko ang dalawang magagaling! waaaah! bakit hindi na lang ako heat 2?!?!?! bahala na. (second whistle) akyat sa diving board. shiet! di ko kaya! dito na lang ako sa baba. ("handaaa") diving position. baka puplakda ako! wahahaha! tagal tagal ko na di nagdidive. shiet! malapit naaaa! this is it! (3rd whistle) dive! good! di pumplakda! kahiya naman kung pumplakda. ok! 1, 2, 3, 4, breathe! 1, 2, 3, 4, breathe!..... tagal matapos. walang katapusan. pagod na ako! 1, breathe! 1, breathe! ayan na! nakikita ko na ang katapusan! malamang nauna na sa akin kasabay ko! pero sige lang basta matapos. (touch the ledge) bubbles. bubbles. bubbles. the timer asked me... "ano po name?" ang sagot ko... "huh?!" hahaha! wala na sa sarili. sobra sa nakakapagod. anyway. naulit ito sa relay (event 5, heat 1 kami) except dun sa part na tinanong ako kung ano name, hehehe!

pero ayun. ang gagaling ng mga kasama ko. si ino na aking idol! whooo! kung di dahil sa kanya, hindi kami magiging second sa relay (na dapat third). si celene na 2nd sa 100 meters heat 1 yeah!!! galing galing! si jherix na kahit pinulikat ay tuloy pa rin. at si joyce at chinkee na full support kahit di nakalangoy! yey!

masaya ako nung umuwi kami kahit di ko alam kung ano kinahinatnan ng paglangoy namin at alam kong bano ako. hehehe! masaya lang talaga lumangoy (at matulog pagkatapos). pero mas sumaya ako nung nagtext sa akin si celene na overall, second daw kami! whooohoooooooo!!! ang saya!

2 comment(s) :

  1. congrats!!! (hehehe... mahulaan mo kaya kung sino ako?)

    ReplyDelete
  2. oo naman! kilala kita!

    proof: nagsisimula ang pangalan mo sa letter... a! hahaha!

    salamat sa pagbati! hehehe!

    ReplyDelete